07

365 28 6
                                    

Tinanggal niya na yung kamay niya na kanina'y nakatakip sa mata niya at humarap sa akin.


"Anong sabi mo?"


"See it yourself," inabot ko sa kanya ang
ipad ko. Diniretso ko yun sa mismong list para makita niya agad.


His reaction is priceless. Hindi siya makapagsalita ng maayos. Kalmado lang siya at nakatitig lang doon sa ipad ko. Napaisip ako na iwan sana siya roon pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap ang sarili ko sa kanya.


"Bakit?" I almost stuttered.


"Salamat," he pulled me closer. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako. Ramdam ko na unti-unting nababasa yung parte ng damit ko kung saan siya nakasandal.


"Ayos ka lang, Pau?"


"Ahh oo," I could see tears from his eyes. Bakit siya umiiyak? When he saw my face he immediately wiped the tears with the back of his hand.


"Are you sure? Bakit ka umiiyak?" Hinila ko siya papuntang kusina at pinaupo doon sa stool.


"Tears of joy," inabutan ko siya ng tubig na ininom niya rin kalaunan. "Sobrang saya ko lang kasi nakarating ako dito.. Tapos dahil pa sa'yo. I didn't know how to pay you for that, kasi kung hindi dahil sayo hindi ako nandito. I owe you big, Ves."



Ves, huh? Bagong nickname!



"Hindi mo ko kailangan magbayad para doon. Sapat na yung gawin mo yung gusto mo, at galingan mo pa lalo. I trust your capabalities, I trust you. Don't owe me that, you did it for yourself."


"Just accept my invitation to join me tomorrow lunch. At my unit if that's fine, I'll cook."


"Pangatlo mo na yan ah! May breakfast tapos dinner ka na! Ano sunod midnight snack?"


"Pwede naman," he smirked. Abay gago!


Nung tumagal napapayag rin ako. Dati kapag may ganitong nag-aaya sa'kin hindi ako pumupunta pero pag dating sa kanya hindi ko magawang umayaw.


Ang sabi niya sa'kin ay hihintayin niya daw ako sa carpark nung condo kung saan siya nakatira. Yung tinuro niya sa akin last week na condo, noong nasa park kami.



stellvstr: dito na, i hope there's no media living in here


j.pablo: did u bring your cap?


stellvstr: nakalimutan ko, nasa loob ako ng kotse ko ngayon


j.pablo: sige pababa na



Hinintay ko lang siya dito. Ayokong lumabas dahil baka may makakita sa'kin, mainit pa naman ang mata ng media ngayon. Maraming issue ang kumakalat.


I opened my window when I heard a knock. Sigurado naman akong siya yon kaya bumaba na ako agad. Sinuot niya sa akin yung dala niyang cap. Wow, alam niya talaga gagawin kapag ganito. He's always ready. Boyscout ka boi?


"Ang dami naman nito, dalawa lang tayo ang kakain," bungad ko nang makita yung limang putahe sa lamesa. May pasta, adobo, barbecue, grilled corns at desserts.


"Pwede mong iuwi yung matitira" he chuckled.


"Pwede din ako yung iuwi mo," he added.


Parang akong nabingi sa sinabi niya. Ramdam ko na nagiinit yung pisngi ko.


"You're blushing,"


Above the OceansDonde viven las historias. Descúbrelo ahora