17

258 28 13
                                    

"Stell. Salamat sa pagpunta," Agad na bungad sa akin ni Jah.



Mainit pa ang mata sa akin ng media pero nandito ako sa bar niya ngayon. Kanina pagkalabas ko ng condo ay madaming reporter ang nag-aabang para sa akin. May mga naghahagis rin ng pagkain o tubig habang palabas ako kaya medyo madungis ako ngayon. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag o sasabihin kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Kasi panigurado akong walang maniniwala.



"Nasaan siya?" Agad kong tanong.



Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.
Nagagalit ako kay Pau. Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako sa mundo. He rejected three projects. Sobrang laking kawalan noon lalo na para sa kanya.



"Nasa condo ko, eto yung address at door key," inabot niya sa akin ang isang susi. May nakalagay na room number doon kaya nalaman ko agad.



Agad ko yun pinuntahan. May tinuro si Jah na isa pang exit para hindi ako mahuli ng media na nakasunod sa akin. His condo was out of taguig. Sa makati pa daw yun kaya paniguradong walang nakakaalam.



Nandito na ako sa harap ng unit kung nasaan siya. I was full of anger, sadness, and confusion. Lahat ng yun ay nagsasabay sa utak ko. Hindi ako kumatok at pumasok na agad.



I saw him and I knew that he saw me back. The pain and anger immediately flowed on my system. Bakas rin sa mukha niya ang gulat at pagtataka.



"Ves...." he called.



Biglang nanlambot ang tuhod ko. Ves.. that nickname he used to call me before.. 



Hindi ako umimik, bagkus pinapakalma ko ang sarili ko. Dahil alam kong sa oras na 'to masasaktan ko siya.. At ayaw kong gawin yun sa kanya pabalik kahit nasaktan niya ako ng sobra.



"Magalit ka sakin. Murahin mo ako, saktan mo ko. Huwag mong itago yung sakit sa sarili mo."



Napatingin ako sakanya ng dahil doon. I was fighting the urge for myself to talk and cuss. Alam ko sa sarili ko na kapag nasimulan ko na hindi ko kayang tapusin basta basta.



"Stell."



That was the cue for me.



"Bakit mo tinanggihan yung tatlong projects na yun, Pau? Alam mo ba kung gaano katagal para lang magkaroon ng ganooon kadaming offers? Nahihibang ka na ba?!" Sagot ko, wala ng pakialam kung may makarinig ba sa pinaguusapan namin.



I was waiting for his response pero hindi siya umimik. Pinipilit niya ako kanina tapos ngayon na nagtatanong ako hindi siya sumasagot. Sinasayang ko lang ata oras ko dito.



Nang hindi parin siya sumagot ay tumalikod na ako bago naglakad papunta sa pintuan ng unit na 'to. Bubuksan ko na sana yon ng bigla siyang magsalita na nagpatigil sa akin.



"I'm willing to ruin myself for you... Kung iyon lang ang paraan para patawarin mo ko, gagawin ko."



It stopped me.



"Ano? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Yang mga lumalabas sa bibig mo ngayon?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. "Pau, hindi ako matutuwa! Mas magagalit pa ako sayo kung ganoon. It was your fucking dream! Pangarap mo yan! Ilang beses ko na sinabi sayo na ingatan mo yan!"



"It was my choice. Hindi ko kayang makita ang sarili ko na nasa tuktok habang nasa baba ka.." he looked away.



"And I care for it! Pau, nasaksihan ko lahat ng paghihirap mo! Nandoon ako mula sa pag-audition mo hanggang sa kung nasaan ka ngayon! Nandoon ako sa bawat interview, performance, at guestings mo! I treated your career like mine.. hanggang kaya ko protektahan yung career mo kagaya ng pagprotekta ko sa career mo!" My voice broke.



"At ikaw? Anong balak mong gawin ngayon?"



That hit me so hard. Hindi ko man naintindihan agad ang pinapahiwatig niya.. Hanggang sa marealize ko nalang na he's pertaining to my career. The career I've been protecting for years..



"Sira na ako, Pau.. Sira na yung sarili ko, sira na yung tiwala at reputasyon ko sa lahat ng tao. Besides, nagpaplano narin naman ko na hindi na ituloy yung renewal ko ng kontrata ko na magtatapos sa susunod na linggo."



Doon niya lang ako nilingon. His eyes were bloodshot, anger and confusion flowing. Gulat rin ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Ako rin, ganoon rin ng reaksyon ko noong sinabi sa akin na ito na ang huling linggo ng kontrata ko sa entertainment.



"Stell... I'm sorry... Hindi ko sinasadya.." he tried holding my hand but I shoved him.



I didn't say anything. Nanatili akong tahimik, dinadamdam ang bawat paglipas ng segundo at minuto.



Nakapagplano narin ako na lilipat pagkatapos ng paghahakot ko ng gamit next week. Sa Cavite nalang.... doon nalang ang lugar na alam kong ligtas ako.



Hindi ko narin alam kung magkikita pa ba kami pagkatapos ng paguusap na 'to. Wala narin akong balak bumalik pa.. Wala na akong balak na magpakita pa dito sa Maynila.. Kahit nandito yung puso ko, kahit nandito yung mga taong minahal ko.



"Just stay today.."



Napatingin ako kay Pau.



"Just stay... I want to spend this whole day with you..."



Kung ako rin ang tatanungin, gusto ko parin siyang makasama. Pero hindi na talaga pwede. Sobrang toxic na nung relasyon namin para sa isa't isa. Pareho narin kaming nasasaktan.



"Mananatili ako ngayon, pero hindi ako mananatili hanggang bukas. Kaya paghakbang ko palabas ng kwarto na 'to.. Ipangako mo sa akin na bibitawan mo na ako.."



***

havenlyjah

Above the OceansWhere stories live. Discover now