21

289 26 11
                                    

Nandito ako ngayon sa opisina nang bigla akong pinatawag sa conference room para sa isang meeting, regarding daw sa issue ko.



"Stell, I want you to meet Attorney Azalea Carter. She will be the one assigned for your case."



"Hi, I'm Stell." nginitian ko siya at umupo.



Nagsimula silang idiscuss sa akin ang mga impormasyon na kailangan kong sabihin sa kanila. Kasama na doon ang mga huling kasama ko bago yun nangyari, at mga taong may galit sa akin.



They tackled more. Nakinig lang ako hanggang sa matapos. I went out of the conference room, pero bago pa man ako makalayo ay may tumawag na agad sa pangalan ko.



"Stell," tawag sa akin ni Pau.



Agad akong lumingon at tinaasan siya ng kilay. Bakit ba lapit siya ng lapit, duimidistansya na nga ako.



"May problema ba?"



"Uh... I have a concert next week on MOA. I want to give you this extra ticket for admission," nanginginig niyang inabot sa akin ang isang VIP ticket.



Agad na kumunot ang noo ko. Extra VIP ticket? Bakit naman siya kukuha ng sobra, tapos VIP pa?



"Nako. Mas mabuti pa, ibigay mo nalang yan sa fans mo. Ipagive-away mo o kaya sa staff dito. Hindi mo kailangan na sa akin ibigay yan," I smiled bitterly.



Nagbago ang expresyon sa mukha niya. "Paano kung ikaw ang gusto kong makita na nakaupo doon, hindi sila?"



"Hindi ako makakapunta."



"Alam ko..." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Kasabay noon ang paglagay niya ng ticket sa aking palad at pagsara noon para mahawakan ko yung ticket.  "Pero kung sakaling magbago ang isip mo. Seaside, 7pm."



Bago pa man ako makapagsalita ay nawala na siya sa paningin ko. Tinignan kong muli ang ticket na ngayon ay nasa palad ko na. Ang totoo ay kaya ko naman talagang pumunta.



Pagsapit ng gabi ay inaya ko si Josh na uminom dito sa condo. Para naman kahit papaano ay may kasama ako.



To: Josh

Inom tayo.



From: Josh

Ikaw ba yan, Stell? Ngayon ka lang ata nag-aya ng inuman ah. Broken ba tayo uli?



To: Josh

Gago. Sagutin mo lang kung sasama ka o hindi.



From: Josh

Syempre game. Punta na ko diyan.



Hindi na ako nagreply at nagluto na ng pampulutan namin dalawa. Dumating siya banda 10pm, siguro traffic.



"Anong meron? Bakit bigla kang nag-aya ng inuman?"



Doon ko nilabas ang ticket sa bulsa ko na agad niya namang hinablot.



"Concert 'to ni Pau ah? Bakit may ganito ka? Sabi ko na e! Mahal mo parin?!"



"Gago. Inabot niya nga sa akin. Ang sabi niya pumunta daw ako."



"Sandali, VIP?! Hoy, sayang! Pumunta ka, huwag mong ipahiya lahi nating mga gwapo!"



"Hindi ka nakakatulong," Inirapan ko siya.



"Isipin mo, concert niya yun, pero bakit bumili siya ng ticket? Edi para sayo talaga yan! Huwag mong sayangin, sayang ang pera."



Tama siya. Concert niya yun pero bumili siya ng ticket. Tapos sa akin niya lang ibibigay. Pero ayokong umasang ginagawa niya 'to dahil mahal niya pa ako. Sa koob ng tatlong taon na wala ako, paniguradong madami na siyang nakilala na mas mabuti pa sa akin.



Uminom pa kami hanggang sa mawalan na ng malay si Josh. Kahit kailan talag ay mababa ang alcohol tolerance niya. Mabuti nalang may extrang damit ako na kasya sa kanya.



Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Masakit pa ang ulo ko dahil sa epekto ng alak kagabi, naka isa't dalawang bote kasi kami. I checked my phone, alas-nwebe na ng umaga kaya agad akong naghanda para pumasok.



Nandito ko ngayon sa opisina. Nakaupo sa swivel chair at pinaglalaruan ang ballpen sa kamay. Nakaharap ako sa babasaging bintana, tanaw ang paglubog ng araw nang biglang may kumatok.



"Come in."



Pagkasabi ko noon ay agad na pumasok si Atty. Carter. Siya ang abogado na pinakausap sa akin ni Sir. Tiangco na maghahandle sa issue ko kahapon. Nagtaka ako dahil wala naman akong meeting ngayon.



"Take a seat. Anong matutulong ko?"



Nagtaka ako nang may sinilid siyang folder sa lamesa ko. "Mr. Samson wanted to tell you that we were cancelling the taping this week because of a proof saying that Mr. John Paulo Nase was involved with your issue together with the former SBT Records' Artist Ford Perez."



Tinanggap ko ang folder na inabot niya bago siya magpaalam. Pagkaalis niya ng opisina ko ay agad akong lumabas para puntahan si Pau. Tatlong taon na, simula nung huli akong makaramdam ng ganitong sakit. Akala ko naman yun na ang katapusan noon, may kadugtong pa pala.



"Stell, anong..."



"Ipaliwanag mo yan ngayon sa akin. Kailangan ko ng maayos na explanasyon tungkol diyan!" Pabalang kong inabot sa kanya ang folder na binigay sa akin ng abogado ko.



"Pakiusap naman, Pau... Kahit ngayon magpaliwanag ka manlang, kasi gulong-gulo na ako. Ilang taon nang blanko ang isipan ko dahil wala kang pinaliwanag sa akin ni isa."



"Wala akong alam sa set-up na nangyari, Stell," Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.



"Kung ganoon, bakit sinabi niya na kasabwat ka ni Ford sa nangyari?! Ano, si attorney pa yung nagsisinungaling?"



"Stell, calm down," he sighed heavily. 



Hindi ako nagsalita at pinakalma ang sarili. Matapos ang mahabang katahimikan ay nagsalita siya.



"I agreed with Ford's agreement. He asked me to break up with you."



Napatingin agad ako sa kanya. "Ano? Bakit ka pumayag?!"



"Stell, hindi ko nasabi sayo kasi pinilit lang din ako!" Sigaw niya. "Nabangga ng papa ko yung kotse ni Ford, kaya maaga akong umalis nung umaga na yun. Bago pa ako dumating sa bahay may nakausap na agad akong abogado. Kaso, hindi ko rin pala magagamit dahil pumayag si papa sa usapan nila ni Ford na makikipaghiwalay ako sayo."



Pagkatapos noon ay unti-unting nagproseso sa akin lahat. Nagbabadya narin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Then, I suddenly felt Pau's arms hugging me.



"The set-up...." Tinaas ko ang tingin sa kanya.



"It was all Ford's plan. His actual plan was to take you down from your career, that actually happened because of that set-up. Don't worry, nasa panig natin yung lalaking kasama mo na nasa litrato na yun. Handa siyang maging saksi, against Ford." he assured me.



Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.



"Paano mo nalaman lahat? Don't tell me, you're the one behind all of this," tanong ko.



"Then I won't tell you."



"Bakit mo ba ginagawa lahat ng 'to?"



"I'm not forcing you to go back in my arms, but I want you to know that I'm doing this to gain your trust and prove myself again."



***

havenlyjah

Above the OceansWhere stories live. Discover now