09

347 30 4
                                    

"Magkukunwari nalang akong walang alam," bungad sa akin ni Josh na nakasalubong ko sa entrance ng entertainment namin.



It was expected. Sabay kasi kaming pumunta dito ni Pau. Kaso doon siya sa kabilang building dahil doon daw ginaganap yung trainings nila.



"Ingat kayo sa mga galaw niyo ah, madaming media ang nakakalat ngayon. Sa office lang ako, kapag may kailangan ka," pagpapaalam niya sa'kin.



Pumunta narin ako sa office ko pagkatapos noon. Wala pa naman akong projects sabi ng manager ko kaya wala akong gagawin maghapon. May kailangan lang raw akong pirmahan na mga papeles na ipapasa sa Head.



When I get bored, I opened my laptop to search for some places to go this weekend. With... Pau.



'McKinley Hill, Taguig'



Agad kong tinype yun sa search bar. Ang sabi daw nila ay maganda raw pumunta doon lalo na kapag gabi. I browse more for pictures. Nang matapos ako ay niligpit ko na yun at naglakad papunta sa kabilang building. Ako naman ang mag-aaya sa kanya!



"Kuya, asan po yung mga trainees dito?" Tanong ko sa janitor sa labas.



"Nandiyan po sa pangalawang kwarto sa kanan, katabi ng fire exit," I nodded as a response.



Nakakahiya naman mangistorbo kaya naghintay nalang ako sa may labas. I was waiting for about 30 minutes for them to finish the training.



"Anong ginagawa mo dito? Diba sa kabilang building office mo?" Nagulat pa ako nang kalabitin niya ako.



"Hindi ba obvious?"



"Other trainess might found it suspicious. Mauna ka na sa kotse, susunod ako."



Hay, nakahinga rin ng maluwag. Actually hindi ko alam kung paano sasabihin. Gaya ng sabi niya, nauna na ako sa parking. I have a spare key kaya sa loob ako naghintay.



"So, bakit ka nga nasa building namin?" He raised a brow, after jumping off in the driver's seat.



"Uh..."



"Come on, say it. I knew you wanted to say something."



"McKinley tayo sa weekend?"



"We can go there now," bigla niyang sagot habang pinapaandar ang makina ng kotse.



"Pau, you need rest. Relax for now, please? Kaya ko naman maghintay hanggang weekend. And by the way, I think hindi kita masasabayan bukas. I have a photoshoot for a magazine."



"Its fine, I can go with my co-trainee."



I remained silent. Hindi ko alam kung anong iaakto ko sa lagay na 'to. May kasama naman pala siya e? Bakit hindi nalang siya doon, diba?!



"I was just kidding. Don't take it seriously, Ves. You looked like you'll kill the co-trainee that I'm pertraining to," he slowly held our hands together. He's now guiding the gearlever with our hands intertwined.



Above the OceansWhere stories live. Discover now