11

317 31 5
                                    

"You don't have to reply something. I just want you to know that I love you," he softly played my hand.



Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Alam ko rin na namumula na ang pisngi ko. Ngayon ko lang uli 'to naramdaman. Tapos siya pa ang nagparamdam sa akin noon.



"Sana ganito nalang tayo lagi, ano? Yung wala lang, parang normal na tao lang. Nakakagalaw ng maayos, hindi nagtatago sa mga taong nasa paligid natin," sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.



This feeling.. I don't want to lose it. The feeling of home is being with him, in his arms. Ramdam ko na ligtas ako, na malaya ako kapag kasama ko siya. At wala nang hihigit doon.



"Uwi na tayo?" He asked softly.



"Sa condo muna tayo, let's celebrate. Ipagluluto kita!"



I badly wanted to cook something for him. Madalas kasi, siya ang nagluluto o nagaaya na kumain sa labas. This was my chance. Agad naman siyang tumango. Tumayo narin siya at tsaka ako inalalayan.



He kept our hands intertwined. Para bang ayaw na akong pakawalan sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. He really had this clingy side.



"Anong gusto mong lutuin ko?"



"Kahit ano?" Patanong niyang sagot. Ano ba yan, tanong rin sinagot sa tanong ko.



"Anong kahit ano? Lutuan kita ng isang pirasong itlog kung ganyan."



"Fine, Bulalo. Nagcracrave ako sa bulalo ng co-trainee ko kanina e," he chuckled.



Pagkadating namin sa condo, sa harap ako ng building dumaan dahil doon niya ako binaba. Susunod nalang daw siya dahil sa likod pa siya dadaan para makapagparking.



Agad kong sinilip kung may enough ingredients ba ako sa refrigerator para sa Bulalo. Last week pa kasi ang huli kong pamimili dahil busy rin. Buti nalang ay mayroon pang stocks.



I didn't wait for him, may spare key naman siya ng unit ko kaya makakapasok siya kahit nakalock. Nagulat pa ako ng sinabi niya sa akin kung paano niya napaduplicate yung susi ko. Kaya pala nawala yun nung isang araw, tapos natagpuan ko nalang sa kotse.



"Iglip muna ako dito ah?" Tanong niya sa akin sabay turo sa sofa.



"Sa kwarto ka na, gigisingin nalang kita kapag naluto na. Rest well, Pau."



He let out a small smile before entering my bedroom. Makakatulog naman siya doon ng maayos kesa doon siya sofa. Mas komportable at malambot pa yun. Hindi narin siya umangal, paniguradong pagod siya sa performance nila kanina.



Nang matapos akong magluto, sinilip ko siya sa kwarto. He's sleeping peacefully. Nakadantay ang isang paa sa unan at yakap yakap naman yung isa. I was staring at his face. Gwapo parin, sana all.



"Huwag mo kong titigan," Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya ng magsalita siya.



Kanina pa ba 'to gising?!



"Hindi kita tinititigan, gigisingin lang sana kita para makakain na tayo. Sumunod ka na sa labas, iinit ko lang yung Bulalo mo," binato ko siya ng unan.



Rinig ko pa ang tawa niya pagkalabas ko ng kwarto. Hindi ko naman talaga intensyong titigan siya, kasalanan niya kaya iyon!



"Kain na," I softly said. Tumango lang siya at tsaka umupo.



Above the OceansWhere stories live. Discover now