12

325 31 15
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Utal kong tanong sa kanya. Hindi parin makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon.



"Ayaw mo ba? Sayang naman punta ko dito. Sige uwi na ako," sarkastiko niyang sagot. Akala ko nagbibiro lang siya pero bigla niya nalang hinatak ang bagahe niya at naglakad.



"Hoy, joke lang!" Hinawakan ko ang braso niya para hindi siya makaalis. A smirk was formed in his face.



"Stell, ang tagal mo naman tumanggap ng room servi— Ay, gago butiki! Nilipad mo Manila hanggang Cebu?!" Tanong ni Josh. Tumango naman si Pau. "Ano ba yan, huwag niyo naman ipamukhang single ako," Umakto pa siyang masakit ang puso.



Pau intimidately looked at Josh. Yung tingin niya para bang kinakausap niya si Josh ng masinsinan.



"Nagugutom pala ako. Kain muna ako sa baba, bye lovebirds," Pagpapaalam ni Josh. May pafinger heart pang ginawa ang gunggong.



Nang mawala si Josh sa paningin namin, pinapasok ko muna siya sa unit ko. Naguguluhan parin ako kung paano siya pumunta dito. Hindi ba busy siya sa Manila?



"What's with the face?"



"Curious lang ako kung... Bakit ka nandito sa Cebu? Diba dapat nasa Manila ka? Kunot noo kong tanong.



"Sir Kim asked me if I want to follow you here. Alam niya pala yung tungkol sa atin..."



"He did?" Tanong ko. Nasa tonong hindi pa ako makapaniwala.



"Yes. Maayos na yun, atleast magkasama tayo, right? By the way, I have my room next to yours on left. See you, tomorrow," I suddenly felt his lips on my head.



"G-goodnight.." Tinulak ko siya palabas dahil nahihiya na talaga ako.



He always have those moves that make me flutter immediately.



The next morning, I woke up around 7am. Malayo kasi sa hotel kung saan kami nagcheck-in ang venue. Hindi kami nagkita ni Pau sa Main Hall at Parking. Nauna na kasi silang magising kesa sa amin, at nasa ibang kotse rin siya nakasakay.



From: Pau

Kumain ka ba ng almusal sa hotel? Magdadala kami ng brunch para sainyo mamaya.



To: Pau

Yes. Saan kayo?



From: Pau

Sila? Nasa kotse nagaayos ng pagkain. Ako? Nasa likuran mo.



Napatingin agad ako sa likod ko. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang cellphone sa kanang kamay. Ang kaliwang kamay niya naman ay nasa bulsa ng pantalon niya. Lower body palang niya nakakaattract na.



"Huwag mong titigan yan, kapag yan nagising mo patay ka sa'kin," Bigla niyang tugon. Inalis ko agad ang tingin ko doon. Hindi naman iyon ang tinitignan ko e, yung sinturon niya!



"Kalat mo," Hinampas ko siya sa braso. Rinig ko pa ang tawa niya bago ako bumalik sa stage.



Tinext niya lang ako uli noong magdadala na sila ng brunch para sa amin. Para daw masabihan ko ang staff na sumama sa amin kumain sa tent. Magkakasama kami ngayon sa isang long table.



"Ay, Sir Stell. Balita ko nandito sa atin yung kadate mo? Si Sir Josh ba?" Tanong nung isang staff.



Nasamid ako bigla ng dahil doon. Inabutan naman ako ni Pau ng tubig. Magkatabi kasi kami ngayon.



Above the OceansWhere stories live. Discover now