Chapter 03

183K 8.8K 7.7K
                                    

Chapter 03

"May pagkain na ba sa bahay?" tanong ko kay Kuya nang sunduin niya ako. Isang oras kong hinahanap iyong headband ni Austin Archangel, pero hindi ko iyon nakita. Ibabalik pa rin naman niya siguro sa akin iyong headband ko.

"Meron na. Nakapagluto na ang Ate mo."

Tumango ako at saka nagbilang ng segundo hanggang maka-uwi na kami. Gutom na ako. Kinain ko iyong baon ko na crackers habang naglilinis ako ng mga ginamit nila, pero gutom pa rin ako. Nasa backseat din iyong mga maduduming towel dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanila. Papalabhan ko na lang kay Ate Gina.

Pagdating namin sa bahay ay naligo muna ako. Pinuntahan ko si Blue para bigyan ng snacks niya dahil naka-simangot na siya sa akin. Tapos ay pumunta ako sa dining area dahil naka-hain na iyong pagkain ko. Nagpasalamat ako kay Ate Gina.

"Nagalit ang Mama mo."

"Bakit daw po?"

"E bigla kang umalis nang ganoon ka-aga. Hindi ka naman pala nagsabi."

"Nagsabi po ako," sabi ko sabay tingin kay Kuya Robert. "Nagtext ako kay Mama."

"Oo nga, pero hindi ka nagsabi tungkol d'yan sa basketball na sinalihan mo."

"Hindi ako basketball player, Ate. Nagpupulot lang ko ng bola."

Napa-iling na lang siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkain. Inaantok na rin ako, pero bawal matulog kapag kakatapos lang kumain. Kinuha ko na lang si Blue at saka naglakad kami sa garden ng 15 minuto. Tapos ay bumalik na ako sa kwarto at natulog. Nang magising ako ay kinuha ko agad iyong laptop at saka nagsimulang magsulat ulit.

Nang kinagabihan ay bumaba na ako para kumain ng hapunan.

"Nasaan si Mama?" tanong ko kay Papa dahil bakante iyong pwesto na inuupuan ni Mama.

"Hindi raw kakain."

"Kumain siya sa labas?"

"Kinausap ko si Aldrin," sabi ni Papa na walang koneksyon sa tanong ko. "Scholar ka raw?"

Tumango ako. "Kasi hindi umabot iyong grades ko sa scholarship. Gusto ko na mag-aral sa this sem."

Sampung segundo ang lumipas, pero hindi nagsalita si Papa. Nagpatuloy ako sa pagkain. Kailangan kong magsabi kay Ate Gina na magtira ng pagkain para iinit ko na lang mamayang madaling-araw. Kailangan kong kumain bago pumunta sa school. Ayoko na ulit magutom kagaya ng kahapon.

Nang matapos akong kumain ay hindi pa rin tapos si Papa.

"Karma," pagtawag niya sa akin.

"Yes po?"

"Talaga bang ayaw mo sa LegMa?"

"Ayoko po," sagot ko. Boring. Boring lahat. Wala akong maintindihan.

Napa-buntung-hininga siya sabay tango.

* * *

Nang mahanap ko si Blue ay dumiretso na na kami pabalik sa kwarto ko. Naka-salubong namin si Mama, pero hindi niya ata ako nakita. Dumiretso na kami sa kwarto ko. Sinubukan kong iedit iyong manuscript ko kaya lang ay parang biglang iba ang gusto kong isulat. Nagbukas ako ng bagong document at nagsimulang magtype.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na si Austin Archangel ang dine-describe ko sa sinu-sulat ko—iyong mukha, iyong height, iyong ngiti niya... at bakit basketball player din ang character ko?

Sinubukan kong burahin iyon, pero doon pa rin ako bumabagsak. Hindi na ako lumaban. Sabi sa mga nabasa ko, normal lang naman daw na magkaroon ng inspiration sa mga sinusulat mo na character.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon