Chapter 28

139K 7.9K 8.4K
                                    

Chapter 28

"Are you okay?" tanong ni Austin Archangel sa akin nang dumating ako sa gym para sa training. Bukas na agad iyong next game. Kapag nanalo kami ulit, huling game na iyon para sa season. Makakapagpahinga na ako. Pwede na ulit akong bumalik sa dati kong schedule.

"Yes," I replied. Masarap iyong luto na sinigang ni Ate Gina. May uwi na strawberry cake si Papa kaya kumain din ako noon. Naka-tulog ako on time dahil sa sobrang pagod ko sa nangyari sa unang game ng championship.

"Good," sabi niya.

"Okay," I replied.

Pumunta ako kay Serj. Tahimik kaming dalawa na nag-aayos ng mga gamit. Panay ang paghikab niya. Nahahawa ako kaya napapa-hikab din ako.

Pagkatapos ng 18 minutes na speech ni Coach Aldrin tungkol sa performance last game, nagsimula na iyong training. Pina-practice lang nila iyong iba-ibang play pero nagdagdag ng bagong play si Coach Aldrin. Nung break, si Saint ay nasa court pa rin at nagsu-shoot mula sa iba-ibang position sa court. Iyong ibang mga players ay lumabas para humanap ng pagkain. May ipinadala na pagkain iyong isa sa mga sponsors, pero hindi pa dumadating. Hindi na sila makapaghintay kaya naman lumabas na sila para humanap ng pagkain.

"Are you hungry?" tanong ni Austin Archangel.

"Yes," sagot ko sa kanya.

"Let's go eat?"

"Okay," sagot ko. Tumingin ako kay Serj. "Gusto mong sumama?" tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya.

Lumabas kami ni Austin Archangel sa gym. He's still wearing his white jersey dahil iyong maroon ang isusuot para sa game bukas. Paglabas namin ng gym, hindi agad kami naka-hanap ng pagkain dahil mayroong walong babae ang nagpa-picture sa kanya habang naglalakad kami palabas.

"Sorry about that," sabi ni Austin Archangel.

"About what?"

"The pictures. You're already hungry."

I shrugged. "It's not your fault," sagot ko sa kanya. I knew they were famous, but I just realized how famous they really were... lalo na si Saint. Nung last game, nagtrending ng ilang oras iyong pangalan ni Saint, ni Austin Archangel at iyong fact na na-foul siya, iyong last name nila na GDL, pati iyong school namin. Nung pag-uwi ko rin sa bahay ay nakita ko na pinapa-labas sa balita iyong laro.

They're really famous.

"Won't you get sick?" tanong ko pagdating namin sa Cafe Dominiqué.

"Huh?"

"Pawis ka. Malamig sa loob," sagot ko. The last time I went there, I thought I was in Antartica dahil sa sobrang lamig.

"Right..." sabi niya. "Do you mind going elsewhere?"

I nodded. Hindi siya pwedeng magka-sakit dahil may game na ulit bukas. Kailangang manalo nila dahil ayokong ma-extend pa iyong paggising ko nang maaga. I wanted to wake up at 7AM and eat my morning cereals and to play with Blue.

Maliwanag sa street sa palibot ng school namin. Naglakad-lakad kami. Mayroong one hour break na binigay si Coach dahil hanggang mamayang tanghali pa kami rito. Importante iyong laban bukas para tapos na ang paghihirap naming lahat.

"How about here?" tanong ni Austin Archangel nang huminto kami sa isang café na mayroon lang isang tao sa loob. Mula sa labas ay kita ko na hindi naka-jacket iyong lalaki na nag-aaral. I nodded. Mukhang hindi naman malamig sa loob.

Pagpasok namin ay tama nga ang hinala ko. Naupo kami ni Austin Archangel sa may pwesto sa may malapit sa pintuan. Nagpasalamat kami nang abutan kami ng menu nung waitress. I got the wipes from my bag and wiped it.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon