Chapter 41

130K 7.3K 8.1K
                                    

Chapter 41

The shooting ended at 4AM. I texted Kuya Robert na tapos na kami sa shooting. He called me para sabihin na papunta na siya, but George needed to leave already at kung hihintayin ko si Kuya Robert ay maiiwan akong mag-isa sa location. George talked to Kuya Robert and sent pictures ng lahat ng kasama ko pauwi at nagsend din ng pin ng location namin para ma-track nila kami habang pabalik kami.

Pag-uwi ko sa bahay, naglinis lang ako ng katawan at saka natulog na agad. My whole body was tired when I woke up at 2:32 in the afternoon. Pagbaba ko ay may naka-tabi na na pagkain sa akin. I was quietly eating.

"What?" I asked because Ate Gina was watching me eat. At this time of the day, she would normally be watching teledramas. But for today, she was occupying the adjacent seat and was watching me like a hawk.

"Gusto mo ba si Austin?"

"Yes."

"Okay..." she said, nodding. "Alam ko 'di mo gets mga ganitong bagay kaya sasabihin ko na sa 'yo ng diretso, ha."

I nodded. "Okay," I said. I really wanted people to tell me what they wanted from me. Kung hindi nila sasabihin, hindi ko malalaman. I really was still having a hard time deciphering things... I thought I was getting better at it, but I was not quite sure.

"Si Austin umuwi dito sa Pilipinas kahit lilipat na ulit siya pa-Madrid bukas, 'di ba?"

"11:30AM iyong flight nila bukas."

"Sinabi niya naman sa 'yo na umuwi siya rito para magkasama kayo, 'di ba?"

"Yes."

"Tapos kahapon dinala mo sa shooting tapos ni hindi mo kinausap."

"I was watching the shooting."

"Oo nga kaso isipin mo nag-effort iyong tao na pumunta rito tapos ganon mangyayari?"

"Sinundo ko siya sa airport. Magkasama kami kahapon. May mali ba sa ginawa mo?" I asked because I did what was expected of me. And I knew we deviated from the plan, but I asked him if he was okay with it. And he said that he was good with it. So, ano ang problema?

"Hindi naman sa mali, pero hindi... okay."

"Alin doon?"

"Na hindi mo siya kinausap nung shooting."

"Bawal mag-ingay."

Napa-buntung hininga si Ate Gina. "Kasi sa relasyon, Karma, dapat give and take. Hindi pwede na puro take lang."

"Wala naman kaming relasyon," sagot ko dahil hindi ko naman boyfriend si Austin Archangel. Nililigawan niya lang ako.

"Kapag ganito nang ganito e baka nga talaga walang maging relasyon."

"Ano ba dapat ang ginawa ko?" I asked... I really thought that everything was perfect yesterday. Nagawa ko siyang sunduin sa airport at saka naka-nood ako ng shooting. I really enjoyed watching the leads act out the scenes that I was only imagining before... It seemed like the perfect day. And then I realized that Kuya Robert told me na mukhang kulang sa tulog si Austin Archangel, that was why I told him to go home already para maka-tulog siya sa kwarto niya. He just slept during the shoot, anyway. Mas maganda na sa kwarto niya siya magpahinga.

"Dapat sinunod niyo iyong unang plano."

"Kahit hindi ko gusto?"

"Hindi naman palaging gusto mo 'yung nasusunod."

"But I asked him."

"Mabait iyong tao, syempre pagbibigyan ka... Kaso kahit naman sino mapapagod kapag laging bigay nang bigay lang."

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon