Chapter 11

147K 7.4K 6K
                                    

Chapter 11

"Miss."

"Gosh, ang snob naman."

"Do you think she's the girlfriend of Austin?"

Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses nang marinig ko ang pangalan ni Austin Archangel. They were talking within earshot, but I'd never assume na ako ang pinag-uusapan. I have a hard time picking social cues—I'd rather just not assume anything unless otherwise stated directly.

"Are you Austin's girlfriend?" tanong nung babae.

I nodded. We're friends gaya ng sinabi ni Kuya Robert. Lagi kaming nag-uusap at tinu-tulungan niya ako. Pakiramdam ko ay mas magiging close pa kaming dalawa dahil kay Violet—sana ay mabait siya dahil hindi mabait si Blue. Paano sila magiging playmates kung pareho silang aggressive?

Kumunot ang noo ko nang mapa-singhap iyong babae sa harap ko. Iyong katabi niya na kulot ang buhok at sobrang pula din ng labi ay tinapik ang balikat niya. Pwede bang maglipstick kapag high school? Nung nasa high school ako ay naaalala ko na bawal iyong ganyan kaya ang ginagawa ng mga kaklase ko ay kumakain sila nung candy na lips ang pangalan para pumula ang labi nila. Nalaman ng mga teacher kaya banned ang candy na 'yon sa canteen namin.

Nang lumipas ang isang minuto na wala na silang sinabi pa ay ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop ko. Nung magutom naman ako ay kinain ko iyong baon ko na sandwich. Saktong 3pm nang tumayo ako para bumalik sa school.

"Salamat po," sabi ko sa traffic enforcer nang tulungan niya akong tumawid. Sabi ni Kuya Robert, titiingin ako sa kaliwa at kanan kapag kailangan kong tumawid tapos ay sumenyas ako sa sasakyan na tatawid ako. Ginawa ko naman lahat kaya lang ay parang napako sa sahig ang mga paa ko. Mabuti na lang at nakita ako nung traffic enforcer at tinulungan ako na maka-tawid sa kabilang banda.

Tumango lang siya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maka-balik ako sa school. Dahil hindi ko kabisado ay pumunata ako sa harap nung map. Hinanap ko roon kung nasaan iyong building ng Engineering dahil sabi ni Serj ay doon daw iyong location ng shooting nila.

"Karms!"

Napa-hugot ako nang malalim na hininga nang marinig ko ang boses ni Jed. Kahit hindi ko siya tinignan ay nakita ko na nagjogging siya palapit sa akin. Naka-suot siya ng light brown na khaki pants, puting Onitsuka na sapatos, at puting polo shirt na may logo ng SCA.

"Ngayon lang kita nakita sa campus outside court," sabi niya.

"Hindi naman kasi ako enrolled," sagot ko sa kanya.

Tumawa siya. "Pilosopo naman ni Karms."

Humarap ako sa kanya. "Wag mo akong tawagin na Karms."

"Why? Cute naman."

"Gusto mo bang tawagin kitang J?"

"Pwede naman kung gusto mo."

Umiling ako. "Ayoko."

Muli siyang tumawa. "Fine, fine... How about Karaminah Viel?"

"Just call me Karma like everybody else."

"Bakit bawal full name? I hear Austin calling you that."

"It's different," I said.

"How come?"

"We're friends."

"Then can we be friends, too?" I shook my head. Tinawanan niya lang ako. "Paano ba maging friend mo?"

"Start by not calling me Karms," sabi ko at saka inilapit iyong mga mata ko dahil parang mas naguluhan ako sa mapa ng school.

"San ka ba pupunta?" he asked.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon