SIMULA

534 44 58
                                    

Everlee's POV

Humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa bawat kailaliman ng gabi ay lagi akong nagtutungo rito sa rooftop upang magpahangin at pakalmahin ang aking sarili.

Lahat sila ay hindi ako naiintindihan, lahat sila ay hindi naniniwala sa sinasabi ko, lahat sila ay inaakalang baliw ako.

"Nagdadrama ka na naman."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumingin sa aking tabi, gaya ng dati ay nakita ko na naman ang isang batang lalaki. Kulay itim ang malago niyang buhok at naglalakihang kulay brown na mga mata. Hanggang baywang ko lang siya at gaya ng dati ay suot niya na naman ang maroon na long neck shirt at itim na short pants. Isang normal at cute na bata para sa akin, pero para sa iba ay isa lang siyang ilusyon ng nakaraan ko na hindi mabita-bitawan. Hindi siya nakikita ng iba, at dahil din sa batang ito ay tinagurian akong baliw at ikinulong ng ilang taon dito sa mental institution.

"Hindi ba't hinagis na kita? Paano ka nakabalik?" taka kong untag. Suminghap naman ang bata at humalukipkip. Maattitude.

"Sinabi ko naman sa'yong tumigil ka na sa kahibangan mo. Sinubukan mo na akong iuntog sa pader, itulak sa balon, habulin ng kutsilyo, at lasunin. Ilang beses mo na akong pinapatay pero lahat ng iyon ay palpak dahil buhay pa rin ako at hindi ako mawawala sa tabi mo."

Inirapan ko na lang si Pogo, ang bata, at pinagmasdan ang mga bituing nasa kalangitan hanggang sa maramdaman kong kumapit siya sa aking paanan.

Tama si Pogo, kahit na anong gawin ko ay hindi siya mamatay-matay o mawala-wala sa landas ko. Anim na taong gulang lamang ako ng una siyang lumitaw at nagpakilalang Pogo. Syempre natuwa ako dahil mayroon na akong kalaro at dahil na rin sa mas malalim kong dahilan na 'di ko alam, or dahil daw sa past ko... na hindi ko naman maintindihan. Walong buwan ang nakalipas na magkasama kami ay napagtanto ng mga magulang kong nababaliw na ako dahil lagi ng si Pogo ang bukambibig ko at kailangan ko nang magpagamot.

Kaya naman sa edad na anim ay itinapon ako rito sa isang mental institution. At ngayon ay labing-tatlong taon na akong narito. Namumuhay kasama ng mga baliw, at hindi ako nilulubayan ng baliw na batang 'to na hindi man lang lumaki o tumanda ng kahit na kaunti.

"Lee, nagsasawa ka na ba sa buhay mo rito?"

Natigilan ako sa biglaang pagtatanong ni Pogo kaya naman tinignan ko siya pero nakatingin lang ito sa kalangitan. 'Yung mga mata niya ay napakalalim at napakaganda.

"Thirteen years na akong nakakulong rito, ngayon pa ba ako magsasawa?" patanong kong sagot kaya naman tinignan niya rin ako. Hindi nagtagal ay humarap siya sa akin at hinawakan ang aking magkabilang kamay.

Napakacute niya. Ang sarap niyang pitikin dahil paniguradong tatalsik agad siya.

"May alam na akong paraan para makaalis ka rito."

Nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang sa umalingawngaw sa tahimik na gabi ang malakas niyang sigaw at panay ang pagrereklamo. Ipinulupot ko kasi sa leeg niya ang aking braso upang sakalin siya, na sana ay ikapatay niya na.

"May alam ka palang paraan para makaalis ako rito pero bakit ngayon mo lang sinabi? Pinaglalaruan mo ba talaga akong utak baog ka, ha?" inis kong anas at pinaghahampas siya sa railing kaya panay ang pagsisisigaw nito hanggang sa makawala na siya sa aking mga kamay.

"Ikaw... BWISIT KA!"

Ako naman ngayon ang napasigaw dahil sa pagkagat ng mariin ni Pogo sa tuhod ko. Sobrang sakit na halos dumugo na ata ang balat ko... pero kung iba ang titingin... parang wala lang, dagdag kabaliwan ko lang.

"Mas lalo mo lang akong pinainis kaya hindi na kita tutulungan, humph!" Humalukipkip pa si Pogo at tinalikuran ako kaya naman napasinghap ako at umayos ng pagkakatayo. Sinundot ko siya gamit ang aking hintuturo pero masyado siyang ma-attitude.

"Sorry na, Pogo," paglalambing ko rito pero inirapan ako nito na agarang ikinainit ng ulo ko.

Muli ko siyang sinakal at binali ang kaniyang kanang kamay na isinasigaw nito ng sobrang lakas.

"Napaka-harsh mo!"

"Ewan ko sa'yong balot ka!"

"Pogo nga sabi ang pangalan ko!"

"Heh, balot!"

"Hindi na kita tutu— Araaaaayy!"

Hindi natuloy ang sinasabi nito nang kunin ko ang kaliwa nitong kamay at pinagbantaan siyang babaliin din iyon.

"Oo na, ito na!" sigaw niya at marahas na bumuga ng hangin kaya naman binitawan ko na siya. "Sigurado akong magbabago ang takbo ng buhay mo pagkalabas mo rito."

Magtatanong pa sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Everlee!"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Mom at Dad. Bakas sa mukha ng dalawa ang pag-aalala habang nakatingin sa aking direksyon na ipinagtaka ko.

"Anak, 'wag kang tatalon."

Tatalon? Sinong siraulong tatalon mula sa rooftop—

Nanlaki ang mata naming lahat. Bigla na lang kasing bumwelo si Pogo at buong lakas akong itinulak, dahilan upang bumaliktad ang katawan ko at hindi sumapat ang railing upang saluhin ang buo kong katawan. Napasigaw na lamang ako at ramdam ang malakas na hanging humahampas sa aking katawan— mas malala pa'to sa mga kagat ni Pogo.

Animo'y bumagal sa paghulog ang aking katawan at nakita ang aking repleksyon sa bintanang gawa sa salamin. Nauuna sa pagbagsak ang aking ulo habang nasa itaas ang mga paa ko.

Hindi ko akalaing matatapos ang buhay ko sa ganito. Hindi ko akalaing isang letseng balot ang kikitil sa buhay ko. Itinuring ko pa naman siyang kaibigan dahil sa loob ng thirteen years ay hindi niya ako iniwan kahit na palagi ko siyang pinaglalaruan at pinapahirapan. Tinraydor ako ng bugok na itlog na 'yun. Hindi ko siya mapapatawad.

Ipinikit ko ang aking mata at nagpatuloy na sa pagbagsak ang aking katawan.

Ang utak balot na batang 'yun. Hindi ko akalaing ang solusyon niya para makaalis ako rito ay ang patayin ako. Kung sakali mang muli akong mabuhay... dudurugin ko na siya ng pinong-pino gamit ang blender at ikukulong sa oven.

Pakyu, Pogo.

•|||•

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

•|||•

A/N: Enjoooy reading(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

Turn Into Prince [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon