CHAPTER 2: Truth

246 37 9
                                    

Everlee's POV

Isa na lang ang nararamdaman ko ngayon. Pagsisisi. Pinagsisisihan kong kumain ako ng maraming omelette at kung ano-ano pang masasarap na pagkain na nakahanda sa mesa kanina. Totoo ngang sa bawat oras na tayo'y sumasaya, sinusundan ito ng pighati.


"Ayoko na!"

Bumagsak sa gitna ng kalsada ang aking katawan dahil masyado ng nanlalambot ang tuhod ko. Masyado ng malayo ang tinakbo ko. 'Yung dark blue kong polo ay basang-basa na ng sarili kong pawis pero itong kasama ko ay nakatayo pa rin at hindi man lang pinagpapawisan. Halimaw ata 'to.

"Sinabi ko naman sa'yong kaunti lang ang kainin mo pero hindi mo ako sinunod kaya bahala ka diyan. Tayo!" anito sa striktong boses. Umiling ako at kasabay nu'n ang pagtalsik ng pawis ko, para na akong asong katatapos lang maligo.

"Ang sabi ko ay tumayo ka."

Marahas nitong hinila ang kamay ko dahilan upang mapatayo ako ng tuwid ngunit sobrang lapit naman ng katawan naming dalawa. Magkasingtangkad lang kami kaya naman magkapantay na ang aming labi. Agaran akong nilukob ng pagkailang at itinulak siya palayo sa akin. Pambihira, bakit ka kasi napakaguwapo niya? Nakakadistract

"Kohen, ano bang nangyayari sa'yo? Ngayon ka lang nagkakagan'to. Hindi ka kumakain ng marami at tanging vegetable salad ang gusto mong agahan. Mas matatag pa ang katawan mo kaysa sa akin, at ikaw itong ayaw tumaba pero tignan mo naman ngayon." Naramdaman ko ang kamay nitong pinisil ang tagiliran ko. "May bilbil ka na."

Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Lahat ng tao nagbabago. At saka ano bang pakialam mo?" singhal ko sa kaniya. Sinuklay ko paitaas ang aking buhok at hinabol na muna ang aking paghinga. Ayoko na talaga. Pagod na ako. May exercise rin naman kami sa mental institution pero hindi gan'to kalala, at pwede pa kaming kumain ng marami.

Samantalang naningkit naman ang mata ng lalaki. Humakbang ito palapit sa akin dahilan upang matigilan ako dahil sobrang lapit na naman ng katawan namin sa isa't isa. Wait, bakit siyang sumeryoso? Nakakatakot na tuloy ang hitsura niya kahit na pogi siya.

"Sabihin mo, hindi ikaw si Kohen, tama?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Aatras na sana ako upang iwasan siya pero hinawakan nito ang likod ko at hinapit ang aking katawan palapit sa kaniya... ngayon ay magkadikit na ang katawan naming dalawa. Bukod doon ay titig na titig siya sa akin. Para akong natutunaw sa titig niya.

"KOHEN!!!"

Kapwa kami napatingin sa sumigaw at natanaw ang napakaraming grupo ng kababaihan. Lahat sila ay may hawak na cellphone, ang ilan ay may banner, at mayroon ding tarpaulin na nakapaskil ang mukha ng lalaking may-ari ng kinalalagyan kong katawan. Sabay-sabay na nagtilian ang mga kababaihan at tumakbo palapit sa direksyon namin na ipinagtaka ko. Anong problema ng mga ito at para silang nakakita ng artista?

Naramdaman kong may humawak sa aking kamay at kinaladkad ako. Panay ang pagtakbo namin ng lalaking kasama ko na para bang tinatakasan namin ang mga kababaihang iyon. Pagkapasok namin ng gate ng bahay ay agarang isinarado ng tatlong gwardiya ang gate at inilock iyon bago pa man makapasok ang mga baliw na babae. May mga baliw din palang pakalat-kalat dito sa labas at mukhang hindi sila umiinom ng gamot. Sa totoo lang, mas malala pa sila kaysa sa mga baliw sa mental institution na kinalalagyan ko. Siguro ay lumala na 'yung sakit nila kasi hindi naagapan agad. Pero ano bang mas maganda? Ang mabaliw ng sobra pero malaya, o ang gumaling ng paunti-unti pero nakakulong?

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now