CHAPTER 6: Farrah Aragon

149 24 11
                                    

Everlee's POV

"Ahhh! Nakakainis ka talaga!"

"Anong ako? Bakit palaging ako?"

"Hoy, ipapaalala ko lang sa'yo na—"

"Kohen?"

Kapwa kami natigilan ni Kohen sa pagtatalo at nilingon ang nagsalita, nakita namin na kabababa lamang ni Russ at Ashlin. Agaran namang tumakbo si Ashlin papunta sa direksyon namin at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit. "Kohen, saan ka ba nagpunta? Nag-alala kami sa'yo," bulong nito at humigpit pa ang pagkakayakap sa akin.

Mukha ngang nag-aalala siya. Well, maghapon akong wala kakahanap sa katawan ko at umalis ako ng walang paalam, nagpaalam man pero sa guard lang at sinabing magja-jogging lang.

"Wait, sino itong magandang dilag?" sabat naman ni Russ at hinarap si Kohen. Pinaningkitan niya ito ng mata na mukhang sinusuri ang mukha hanggang sa abutin niya ang kamay ni Kohen at hinalikan ang likod ng palad nito. "Nice to meet you, my lady."

Rinig hanggang ikalawang palapag ng bahay ang malutong na pagdampi ng palad ni Kohen sa pisngi ni Russ, tama, sinampal niya ito ng sobrang lakas na ikinatabingi ng mukha ni Russ.

"My lady mo mukha mo, siraulo kang hangal ka," singhal ni Kohen dito kaya muli siyang tinignan si Russ, naiiyak na ang mga mata nito.

"Bakit mo ako sinampal?" untag nito.

"Russ," pagtatawag ko dahilan upang mapatingin siya sa akin. "Siya si Kohen, katawan ko 'yan," paliwanag ko na ikinatanga nito habang si Ashlin naman ay lumayo sa akin at tinignan si Kohen na nasa katawan ko.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makarinig kami ng busina mula sa labas ng bahay kaya naman ngumiwi ako nang samaan ako ng tingin ni Kohen.

"Russ, pwede bang pautang? Naghihintay pa pala sa labas 'yung taxi na sinakyan namin papunta rito dahil 'yung taong kumaladkad sa akin para sumakay doon ay walang dalang pera gaya ko." Talagang pinapatamaan ko si Kohen pero humalukipkip lang ito at inirapan ako.

Pambihira, wala siyang kwenta.

Inabutan ako ni Russ ng pera kaya naman tinanggap ko na 'yun at lumabas na ng bahay upang balikan ang taxi driver at para hayaan muna silang mag-usap na magpipinsan. Nagbayad na ako sa taxi driver at ipinatago na sa kaniya 'yung sukling dos pesos, katamad magbitbit ng barya.

"Kohen!"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang isang magandang babae sa labas ng gate. Nakasuot ito ng floral na dress, nakalugay ang mahaba niyang itim na buhok na may pagkakulot sa ibaba nito. Tumitingkad ang mala porselana niyang balat sa tuwing natatamaan ng ilaw... napakasimple niya lang pero sobrang ganda.

"Uy," pagtatawag nito sa akin at doon ko lang naisip na nakatayo na pala ito sa harapan ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ba ulit maganda?" tanong niya at pinagpagan ang suot niyang dress.

"Ah hindi, s-sobrang ganda," bulong ko naman na ikinatigil nito at napatingin sa akin. Nagtama ang mata naming dalawa at nakita ko ang brown nitong mga matang mas lalong nagpapakitang mabait at inosente siya.

"Hoy, baliw!"

Kapwa kami napatingin sa nagsalita at nakita si Kohen na nakatayo sa isang tabi habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Napakaepal naman ng isang 'to.

"Oh hi, kaano-ano mo si Kohen?" anas ng magandang babae kaya naman siya ang tinignan ni Kohen. Tinignan niya pa mula ulo hanggang paa ang babae at tinaasan ito ng kilay. Iuuwang na sana ni Kohen ang kaniyang bibig nang lumitaw si Russ at tinakpan ang bibig nito.

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now