CHRISTMAS SPECIAL

15 1 0
                                    

Everlee's POV

Humihikab ako habang pababa ng hagdan. Inaantok pa ako. Nagpuyat na naman ako kagabi habang nagpapractice ng pirma ni Kohen, maging ang ilang steps ng pagsasayaw. Sukong-suko na ang katawan at isip ko. Parang mababaliw na rin ako habang nasa katawan ni Kohen.

"Good morning, Everlee!" masiglang pagbati sa akin ni Ashlin kaya naman nagawi sa kaniyang direksyon ang aking paningin. Naningkit naman ang aking mata at naglakad palapit sa kaniya. "Maganda ba?" tanong pa nito. Tumango naman ako habang pinagmamasdan ang christmas tree sa aming harapan. Pasko na pala. Hindi ko man lang namamalayan ang oras.

"Lee, kape ka muna," anas naman ni Russ at inabutan ako ng isang tasa ng kape na tinanggap ko naman at nagpasalamat bago sumimsim doon. "Mabuti na lang pala at nagkapalit kayo ng katawan ni Kohen, sa wakas ay nadagdagan din kami na magse-celebrate ng Christmas. Hindi 'yung kaming anim lang."

Napatingin ako sa paligid at napansin ang tatlo nilang gwardiya na abala rin sa pagkakabit ng dekorasyon sa bahay, mga pailaw. Ngumiti naman ako at ibinaba ang hawak kong tasa sa mesa.

"Sa wakas din ay mararanasan kong magpasko," sagot ko dahilan upang matigilan si Russ at Ashlin, kapwa lang sila nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at naupo muna sa isang silya.

"Wala bang pasko sa mental institution na pinanggalingan mo?" tanong ni Ashlin.

"Hmm? Christmas party lang at nangyayari 'yun mga December 22 lang dahil may pumupuntang bisita. Sponsored nila ang pagkain at gifts kaya nagagawa namin lahat."

"Hindi ka ba binibisita ng magulang mo? I mean, nagpapasko na kasama sila kahit na sa mental institution man lang?" sunod naman na tanong ni Russ na inilingan ko.

"They're too busy to celebrate it too."

Nagkatinginan lang ang dalawa at hindi na nakaimik samantalang muli naman akong sumimsim sa kapeng nasa tasa ko. Well, hindi naman importante kung mag-celebrate kami ng Christmas, o 'di kaya ay magkasama kami ng parents ko o hindi. Ang importante ay kasama ko si Pogo... pero ngayon ay wala na siya kaya ako nalulungkot.

"Everlee!"

Nagawi ang aking paningin kay Kohen nang tawagin ako nito. Kapapasok niya lang mula sa pintuan. Nakasuot ito ng hoodie at jogging pants, mukhang kagagaling niya lang sa pag-jogging. Kung magtatagal siyang nasa katawan ko ay paniguradong gaganda na ang katawan ko at magiging healthy na ako. Meanwhile, kapag bumalik naman siya sa kaniyang katawan... baka madali na lang siyang magkasakit, though ginagawa ko naman ang best ko para sumabay sa pagwo-work out nila.

"Somebody was outside to pick you up," pag-iimporma ni Kohen na ikinakunot naman ng aking kilay pero tumayo na lang ako at naglakad patungo sa pinto.

"Sino?" Tumanaw ako sa labas at nagtaka. "Uh, wala namang tao. 'Yung naghahakot lang naman ng basura ang nasa labas." Inagaw naman ni Kohen ang hawak kong tasa at sumimsim doon.

"That's exactly what I'm talking about," tangi niyang tugon at naglakad na.

Nangunot ang aking noo at muling tinignan ang mga naghahakot ng basura... hanggang sa mapagtanto ko ang ibig nitong sabihin kaya naman sinugod ko siya at sinabunutan. Nagsimula na naman kaming magkasakitan kaya umawat agad si Russ at Ashlin. Natigil na lang kami nang magkabukol na kaming pareho dahil hindi namin sinasadyang mauntog sa ulo ng isa't isa.

"Tumulong na lang kayo sa pag-decorate at magluluto naman kami ni Ashlin ng pagkain natin mamayang gabi," bilin ni Russ at inabutan ako nito ng isang camera. "Kuhanan mo na lang kami ng litrato. I'm sure magtatalo lang ulit kayo ni Kohen kapag nagkamali ka ng pagkakasabit."

"Wah, thank you," bulalas ko habang kumikislap na nakatingin sa camera, well maalam naman akong gamitin 'to kahit papa'no.

May nag-donate kasi noon ng isang camera sa mental institution. Then may nakaiwan nu'n sa mesa kaya kinuha ko at kinuhanan ng litrato ang paligid. Ang ending ay bumalik ako sa kwarto ko habang hinihimas ang aking braso dahil nahulog ako sa sanga habang kinukuhanan ng litrato ang ibon sa puno.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now