CHAPTER 3: Operation: Act like Kohen Beckett

205 33 7
                                    

Everlee's POV

Dahil nalaman na nila ang totoo ay ipinakansela muna ni Ashlin— ang babaeng nerd na pinsan at personal assistant pala ni Kohen— ang lahat ng meetings at kung ano-ano pang sakit sa ulo na hindi ko kayang hawakan dahil ibang-iba ako sa Kohen na ipinakilala nila.

Base sa mga ito, ang katawang nagmamay-ari nito ay si Kohen Beckett. Isang sikat na dancer kaya marami siyang fans, at tinaguriang Prince of Dance Floor dahil para siyang isang prinsipe kung gumalaw. Nang mapanood ko ang mga sayaw niya ay hindi na ako nagduda sa ibinansag sa kaniya, napakagaling niya ngang sumayaw!

"Ngayon, ano nang gagawin natin?" tanong ni Ashlin kaya naman kapwa kami napatingin kay Russ,— siya naman 'yung lalaki kanina na pinsan din ni Kohen pero wala siyang kinalaman sa pagiging dancer ni Kohen, isa lang siyang simpleng lalaki na sunod na tagapagmana ng kumpanya nila— sa aming tatlo kasi ay mukhang siya ang mas maparaan pagdating sa bagay na'to.

"Sa ngayon ay kailangan natin siyang turuan na umakto bilang si Kohen," kalmadong sagot ni Russ na sabay naming sininghapan ni Ashlin. That's imposible.

"H-hindi ko kayang magpanggap na ibang tao. Lumaki ako bilang baliw at hindi artista!" pagdepensa ko kaya naman napatingin ito sa akin.

"At hayaang mawala lahat ng pinaghirapan ni Kohen? Hindi ako papayag doon. Inayawan niya ang scholarship na inihain sa kaniya para mag-aral sa France bilang piloto na siyang una niyang pangarap para sa pagsasayaw. Marami na siyang nilampasang pagsubok at hindi pwedeng ikaw ang sumira roon," lintana pa ni Russ, bakas nag pagdidiin sa boses nito.

"Pero hindi ko kaya," hayag ko naman habang nakasimangot.

"Tutulungan kita."

Aangal pa sana ako pero nakita ko ang mata nitong kumikislap na para bang malungkot siya't nagmamaka-awa. Pambihira, paano ba tumanggi sa guwapong gaya niya? Para niya akong hinihipnotismo.

"May punto si Russ. Lee, pwede bang magpanggap ka bilang si Kohen? Mahihirapan kaming ipaliwanag sa lahat kapag inamin natin ang pangyayaring ito, at baka tagurian pa siyang baliw. Ayaw na ayaw niyang napapahiya at marami siyang iniiwasan 'wag lang mapahiya sa mata ng ibang tao," pagmamaka-awa naman ni Ashlin.

Isang guwapo at isang cute na nerd ang nagmamaka-awa sa pagpayag ko. Nakakainis. Naiipit ako.

"Oo na!" napipilitan kong sagot na ikinatuwa naman ni Ashlin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Kung ganu'n ay tigilan na ang dada at magsimula na tayo," anunsyo naman ni Russ na tinanguan naman naming dalawa ni Ashlin.

Sinimulan ni Ashlin ang lahat sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa routine ni Kohen. Malaking advantage talaga na magkasama ang alaga at personal assistant sa iisang bubong dahil malalaman mo agad ang bawat kilos niya, pero nakakailang nu'ng nabanggit niya ang oras ng pagdudumi ni Kohen— talagang nakaschedule rin 'yun?

Sunod naman ay tinuruan ako ng ilang kilos at pananalita ni Kohen. Marami siyang video, especially mga video niya sa interview, kaya naman 'yun ang gagamitin naming basehan upang magaya ang kilos nito.

"I don't care about you, no one does."

Ngumiwi ako at muling binasang muli ang nakasulat sa papel. "Napakasama naman pala ng Kohen na 'yun, dapat lang sa kaniyang mamatay," komento ko pero binatukan ako ni Ashlin at inabutan ako ng lemonade.

"Hindi mo siya masisisi. At saka hindi naman siya ganiyan sa lahat, pinipili niya lang ang tinatarayan niya," paliwanag nito at naupo sa tabi ko. "Kabisaduhin mo 'yan dahil 'yan ang tanging linya niya na magpapatunay na siya si Kohen Beckett, hmm?" Tumango ako at uminom sa lemonade ko.

Turn Into Prince [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon