CHAPTER 8: Cute

139 25 2
                                    

Everlee's POV

"... 5... 6... 7..."

"What the hell are you doing?"

Huminto ako sa aking ginagawa at tinignan ang nagsalita, kinailangan ko pang tumingala upang makita ang kaniyang mukha... si Kohen na nasa katawan ko pa rin magpahanggang ngayon.

"Nagpupush up, diba sabi mo ay gawin ko ito para tunawin 'yung mga kinain ko?" inosente kong sagot at muling hinarap ang lupa habang nakatukod ang aking mga kamay at paa rito.

"8... 9... 10..."

"Seriously? Mukha ba 'yang push up para sa'yo? E mas mukha ngang kinakantot mo 'yung lupa!"

Nawalan ng balanse ang katawan ko dahil sa narinig mula sa kaniya kaya naman bumagsak ako roon. Panay ang pagngiwi ko dahil parang nabali ang ilong ko sa sobrang sakit, kung bakit ba naman kasi sobrang tangos ng ilong niya.

Tinulungan niya akong umupo at suminghap ito nang makita ang mukha niya. Tinadtad niya na naman ako ng sermon, kesyo raw lagi kong pinapabayaan ang katawan niya, at kung ano-ano pa. Napaka-arte niya talaga. Wala nga akong angal sa tuwing nakikita ko siyang kinakamot ang dibdib niya na siyang katawan ko.

"Nga pala, nasaan si Ashlin at Russ?" pag-iiba niya ng usapan.

"Umalis, maggo-grocery daw."

Tumango naman ito ng tipid at tumayo na ng maayos.

"Halika."

"Huh?"

Anong pinagsasasabi nitong halika?

Inirapan niya ako at marahas na hinila ang aking kamay dahilan upang mapatayo ako. Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at walang sabi-sabing kinaladkad papasok sa loob ng bahay.

"Huy, saan mo ba ako dadalhin?" taka kong untag. Imbes na sagutin ay nanatili siyang tikom ang bibig habang marahas akong pinaghihihila. Kung makahila naman 'to akala mo kung sino.

Mula sa ilang segundong pagkaladkad niya sa akin ay nakarating kami sa isang silid. Sobrang lawak ng silid at makintab ang sahig. Sa harapan namin ay mayroong malaking salamin na nagmistulan ng pader ng kwartong ito, katamtaman lang ang lamig, at amoy pabango ng lalaki.

"Ito ang studio ko. Dito ako nagpapractice ng sayaw," hayag ni Kohen at nilapitan ang salamin. Pinadaan niya roon ang kaniyang hintuturo at sinuri iyon. "Mabuti naman at nililinisan pa rin nila kahit na wala ako."

"Teka, sa'yo ito, itong buo?" Hindi makapaniwala kong tanong na tinanguan niya at hinarap ako. "Seryoso?" Nakapaskil na ang ngiti sa aking labi. Hindi talaga ako makapaniwala. Napakaganda ng silid na ito kahit na walang laman kundi isang maliit na speaker na nasa isang tabi.

"Sa hitsura mo ay parang ngayon ka lang nakakita ng isang studio."

"Ngayon nga lang."

Natigilan si Kohen at mukhang doon lang napagtanto ang sitwasyon ko. "Baliw ka nga pala na nakakulong sa mental," wika niya na tinanguan ko na lang. Wala naman akong dapat na ikainis doon kahit na sa tono ng pananalita niya ay parang ipinapamukha niya sa akin na baliw ako, na totoo naman.

"Everlee."

Nilingon ko si Kohen at tinaasan ng kilay na agaran niyang ikinaiwas ng tingin at napakamot sa kaniyang kanang kilay. "Shit, I can't believe na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon," mahina niyang bulong sa hangin pero sapat iyon upang marinig ko. Umayos naman ito sa kaniyang pagkakatayo at tinignan na ako ng diretsahan. "Nakakabaliw isipin ang sasabihin ko pero hindi bale na."

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now