CHAPTER 5: Everlee's Body

154 24 10
                                    

Everlee's POV

Nakayuko lang ako habang naglalakad sa madilim na gilid ng kalsada. Inabot na ako ng dilim pero heto ako't hindi pa rin maalala kung saan ako nakatira.

Lintik na anim na taong gulang lang ako noong panahong iyon. Wala pa akong muwang at naglalakbay pa lang sa alapaap ang isipan ko, iniisip ang mga unicorn na naglalakad sa bahaghari. Mas marami pa ang taong nasa mental institution ako kaysa sa bahay. Sa mental institution ako nagse-celebrate ng birthday ko, sa mental institution ako nagpapasko, sa mental institution ako nagbabagong taon, sa mental institution ako nagdalaga, lahat-lahat ay umikot lang ang mundo ko sa mental institution. Kaya paano ko matutukoy kung saan ang bahay ko? Saan ako dapat umuwi? Saan ko pwedeng makita si Mom at Dad? At paano ko na mahahanap ang katawan ko sa ganitong sitwasyon?

Marahas akong bumuntong-hininga subalit natigilan ako nang biglang na lang napatid ng bato ang babae sa harapan ko. Dahil doon ay nasubsob ito sa akin at tumama ang hawak nitong ice cream sa mismong ilong ko. Agaran ko namang itinulak ang babae at naubo dahil pakiramdam ko ay nalunod ako sa ice cream niya. Mayroon kasing pumasok sa butas ng ilong ko na nasinghot ko, napakasakit.

"Damn it! Bakit ba kasi napakalampa ng katawang ito? Hey, are you okay?"

Umiling ako at tinakpan ang kabilang butas ng ilong ko sabay malakas na suminga upang ilabas ang nasinghot ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ng babae nang makitang lumabas ang ice cream na napasok sa loob ng ilong ko. Inabutan niya naman ako ng panyo kaya naman tinanggap ko iyon at ipinunas sa mukha ko upang linisan iyon at hinarap ito.

Kapwa kami natigilan at pinagmasdan ang mukha ng isa't isa na para bang inaaral iyon. Kalebel ng noo nito ang labi ko. Magulong nakabun ang itim nitong buhok. May manipis na kilay, itim na malalim na mga mata, hindi gaano katangusang ilong, at maputlang mga labi. Payat ang katawan pero maayos naman ang suot nitong damit.

Dumapo sa kanan nitong pisngi ang aking palad at dumikit rin sa kaliwa kong pisngi ang kamay nito. Kapwa namin pinisil ang pisngi ng isa't isa at nanlaki ang mga mata.

H-hindi ko akalaing ganito ako kaganda kapag maayos manamit at hindi laging uniporme ng baliw ang suot ko.

"You asshole!"

Bigla na lang akong kinuwelyuhan ng babae at hinila ako payuko upang magkapantay ang aming mga mukha. "Who the hell are you, and what the fuck did you did to my precious body?" bulyaw niya sa akin na nginiwian ko, pero in fairness ang bango ng hininga niya.

"Ikaw ba si Kohen?" inosente kong tanong.

Yes, kaharap ko na ang katawan ko.

Tinignan niya lang ako sa mata at binitawan na ang kwelyo ko. "Ako nga, at paniguradong ikaw si Everlee," sagot nito kaya naman tumango rin ako at agarang hinawakan ang kamay nito sa sobrang pagkatuwa.

"Nahanap na kita," masaya kong sambit. Well, hindi ko naman inaasahang makikita ko siya rito since ang plano ko naman ay hanapin siya.

"Fuck off!" asik naman nito sa akin at halatang inis na inis siya. Binawi pa nito ang kaniyang kamay at ipinunas iyon sa suot niyang damit. Doon ko lang napagtantong dumikit pala sa kamay niya ang ice cream na nakadikit sa panyo na isininga ko kanina, kaya naman tinupi ko na ang panyo at itinago sa aking bulsa.

"Idiot, can you just throw that disgusting handkerchief? Pambihira, kadiri ka!" singhal nito at inagaw ang panyo sabay ibinato sa basurahan.

"Pwede rin bang tumigil ka sa kakataray at kakabulyaw sa akin dahil pagod na ako kakahanap sa'yo," giit ko naman.

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now