CHAPTER 1: Ain't my body.

335 38 26
                                    

Everlee's POV

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga dahil sa malakas at biglaang pagtunog ng alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. Aish, pambihira, lintik na panaginip lang pala iyon. Akala ko naman totoo na nahulog ako mula sa rooftop.

Inis kong kinamot ang aking buhok dahil inaantok pa ako, pero natigilan agad ako nang may mapansing kakaiba. Kinakapa-kapa ko ang aking buhok at naramdaman na sobrang lambot nito na hindi tulad noon na animo'y nagkabuhol-buhol na alambre sa sobrang tigas, hindi lang iyon dahil sobrang ikli rin nito.

Imbes naman na palalimin pa ang aking kuryosidad ay umalis na ako sa ibabaw ng kama at nagtungo sa banyo dahil nakaramdam ako ng pagkaihi. Ibinaba ko ang aking pang-ibabang saplot at naupo sa inidoro. Panay pa rin ang paghikab ko at mabagal na kumukurap ang aking mga mata.

Habang umiihi ay bumagsak ang ulo ko dahilan upang mapayuko dulot ng pagkaantok, subalit tumambad sa akin ang munting elepante.

Ah elepante.

Teka, elepante?

Tinusok-tusok ko iyon gamit ang aking hintuturo at natigilan dahil naramdaman ko iyon na para bang parte 'yon ng aking katawan. Unti-unti ay nanlaki ang aking mata, nagising ang buo kong diwa, at nagkabuhol-buhol ang aking utak.

Dali-dali akong tumayo at inayos ang aking saplot pang-ibaba. Tumakbo ako patungo sa salamin na nasa loob lang ng banyo at pinagmasdan ang aking repleksyon doon. Halos malaglag na sa sink ang dalawa kong bilugang mata dahil sa nakita... Mayroon akong puting malagong buhok na halatang malambot, pero kahit na kulay puti iyon ay halatang bata pa rin ang hitsura ko. Mga matang kasing kulay ng langit kapag sasapit ang dapit-hapon. Makapal na kilay at pilik-matang nakaluhod na animo'y sumasamba. Matangos na ilong. At manipis na mapupulang labi.

Iniuwang ko ang aking bibig at pinagmasdan ang aking ngipin. Sobrang puti at kumpletong ngipin. Sunod ko namang kinapa ang aking katawan. Matigas ang katawan, may abs pa, matangkad, katamtamang payat ng katawan, at... may elepante sa pagitan ng aking hita.

"AAAHHHHHH!!!"

P-p-p-putek. Anong nangyari sa akin?!

"Kohen, anong nangyari?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang isang babae na nakasuot ng makapal na salamin sa mata at sobrang gulo ng mahaba nitong buhok.

Kohen?

Kinapa-kapa ko ng mabuti ang aking katawan at doon napagtantong nasa lalaking katawan ako. Muli kong hinarap ang salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko roon.

Ibang-iba ang hitsura ko noon kumpara rito. Ako ito, ako si Everlee Cyan Zamora— pero bakit nasa katawang lalaki ako?

Paano nangyari ito?

"Huy, Kohen!"

Bumalik sa reyalidad ang pag-iisip ko dahil inalog-alog ng babae ang katawan ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Anong problema?" pag-uulit niyang untag.

Kumurap-kurap ako. Ano bang dapat kong isagot? Isip, self, isip!

Huminto ako at sa pangatlong pagkakataon ay pinagmasdan ang aking repleksyon sa salamin. Tumikhim ako at sinuklay paitaas ang aking puting buhok sabay nagpogi pose.

"Ang pogi ko."

Nauntog ako sa salamin dahil sa biglaan niyang pamamatok sa akin at sobrang lakas pa no'n.

"Tang*na! Akala ko pa naman ay may nangyari na. Maligo ka na nga at mag-aagahan na tayo," anas niya at lumabas na sa banyo. Naiwan akong mag-isa, nakanguso, at hinahaplos ang aking noo.

Turn Into Prince [On-Hold]Where stories live. Discover now