CHAPTER 1

17 2 0
                                    

EZEKIEL

"Wah! Grabe! Zekie! Alam mo bang naka10,000 subscribers na ako dahil sa Last Video na inupload ko?! Waah! Ang saya saya ko!" Kasalukuyan akong nagsusulat ng News Project na ipapasa ko bukas,
pero ang walang hiyang si Justin feeling niya siya lang ang tao dito!

"Oo na Masaya kana" nakamot ko ang batok ko saka nagumpisa nanamang tumipa sa Laptop at agad ding napatigil nang magsalita siya ulit

"Oo nga! Bwahaha! Ang saya saya ko talaga! Hindi ako makapaniwalang naka 500,000 Views ang cover ko!" Napakaingay!

"Oo na, masaya kana halatang halata nga eh"

"Oo nga bwahahaha!"

"Oo nga, kaya pwede ba manahimik ka nalang?!" Nagmamakaawa ang mga tingin kong tumingin sa kaniya "Ipapasa ko to mamayang hapon kaya kung pwede magbigay ka ng space for peace, sayang kasi yung oras kapag mas inuna kong makinig sa mga pinagsasabi mo"

"Tss! Sorry naman! Masaya lang talaga ako hehehe!"

"Halata nga!" Tumawa nalang siya saka malaki ang pagkakangiting nagtipa tipa din sa Laptop niya,
Tapos na kasi siyang gumawa ng news niya about sa pagv-vlog, habang ako ay hindi pa natatapos dahil sa napakadami pang pinagawa sa akin ng Teacher namin kaya hindi ko masiyadong napagtuunan ng pansin ang Report ko!

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakaupo, pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa batok ko ng matapos ako sa paggawa ng News report ko, bahagya pa akong napangiti

"Woah Grabe! Ang ganda ganda niya!" Napalingon ako kay Justin ng magsalita siya ngayon ko lang nakitang nakatingin pala siya sa bintana halatang may tinitingnan sa baba, tumayo ako saka nagtatakang sumilip din doon

"Sino?"

"Sino paba?"

"Sino ba kasi?"

"Si Aaliyah" Aaliyah?

"Aaliyah?" Takang tanong ko, napatingin siya sa akin halatang nagulat pa,

"Si Aaliyah?"

"Aaliyah?!" Nangunot ang noo ko

"Oo Aaliyah Eva Rivera ng STEM 12, Leader ng Cheerdance, isang Volleyball player! Takte hindi mo kilala?!"

"Her name sounds Familiar"

"Malamang! Gumawa ka nga ng News about sa kaniya!" Napailing ako, hindi ko maalala!

"Omyghad!" Napatakip siya sa bibig "Hindi ko naman aakalaing ganiyan ka pala kabusy para hindi makilala si Aaliyah!"

"Ang OA mo!" Babalik na sana ako sa upuan ko ng hilahin niya ako saka ipinatanaw ang Bintana

"Did you see that Girl?"

"Babae lahat ng nag-lalaro Justin!"

"I mean, yung number 01 ang Jersey niya"

"Oh, nakikita ko yung number pero hindi ko kita yung tao"

"Mygoodness David Ezekiel! Napakaganda ng pangalan mo pero para kang bilanggo, hindi mo kilala ang napakagandang babae sa STEM, saka sikat na sikat siya for your information!" Whatever! Tss!

"Tingnan mo! Tingnan mo!"

"Ano nanaman ba?!" Naiinis kong tinanggal ang kamay niya sa Jacket ko

"Yung lalaki!" Napatingin ako sa tinuturo niya,
si Luke William Carter? Captain ng Basketball team! There's a lot of News about him sinong hindi nakakakilala dito!
"Boyfriend yan ni Aaliyah"whatever!
Ngumiwi nalang ako saka tumango at bumalik na sa upuan ko, kinuha ko na ang laptop ko saka inayos iyon sa Bag ko

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Where stories live. Discover now