CHAPTER 18

9 2 0
                                    

EZEKIEL POV

"Bakit ang tagal nila?" Kanina pa kami naghihintay dito at paniguradong gutom na gutom na ngayon si Ate Reese dahil kanina pa siya nakanguso, maging si Aaliyah ay kunot na kunot na din ang noo ngunit napakaganda padin niya! Tss! Haha!

"Just wait for another minute" kung maghihintay lang kami, walang mangyayare!
Napabuntong hininga nalang ako,

"I will look for them" tumayo ako kaya naman napatingin silang dalawa sa akin,

"Just wait for them Ezekiel, huwag ka ng magpakapagod na maglakad lakad diyan" ngumiti lang ako,

"Babalik din ako" naglakad na ako.paalis ng Cafeteria, saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Justin, ilang dipa ang layo mula sa pintuan ng Cafeteria ngunit napakunot ang noo ko ng makitang nakatulala siya, kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya,

"Hoy!" Tinapik ko siya kaya naman napaangat siya ng tingin sa akin, ngunit ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko ng makita kung paano niya ako tingnan ngayon, ibang iba sa isang maloko at maingay na Justin,

Anong nangyare?

"Anyare? Tulala ka ata?" Nagtatakang tanong ko, umiling lang naman ito magtatanong pa sana ako ng mamataan ko si Ate Allison sa kalayuan at naglalakad siya paniguradong dito sa Cafeteria ang pupuntahan niya,

"Ate Allison!" Sigaw ko sa pangalan niya habang nakangiti nakuha ko agad ang atensiyon nito, kumaway kaway ako saka sinenyas kong pumunta na siya dito, tanging ngiti lang ang nakita kong isinukli niya kaya naman ganoon nalang ang kunot ng noo kong bumaling kay Justin

"Mauuna na ako sa loob" paalam niya, ngunit pinigilan ko siya at hinawakan sa Pulsuhan

"Teka" pigil ko "May nangyare ba?" Nakakapagtaka ang mga kilos niya, ayaw ko mang magtanong ngunit hindi mapanatag ang loob ko,

"Wala, i just want take a seat, may i?" Napabuntong hininga siya saka tinanggal ang kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya, sinundan ko nalang siya ng tingin ng pumasok na siya sa Cafeteria,

Nakita ko kung paano siya binati ni Ate Reese ngunit hindi niya ito pinansin at naupo lang siya sa upuan, gaya ko ay gulat at pagtataka din ang naging reaksiyon nila,

Napabuntong hininga ako saka bumalik na sa Cafeteria, sakto naman ang pagdating ni Ate Allison,

"Saan kaba nagpunta? Kanina ka pa namin hinihintay!" Bulyaw ni Ate Reese dito ng makaupo na ito sa tabi niya,

Ako-----Aaliyah
Justin
Allison--Reese

Ganito ang pwesto namin kaya naman ramdam ko ang bigat ng atmospera ngayon, hindi ko alam kung ganoon din ang nararamdaman ni Aaliyah na kanina pa kunot na kunot ang noo,

"What happened?" Takang tanong ni Aaliyah kay ate Allison, nag-umpisa naman na kami ni Ate Reese sa pagkain, ngunit hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Justin na noon ay tulala naman, kaya naman natapik ko ito sa kamay

"Wala ka bang balak kumain?" Bulong ko dito, habang ang tatlo naman ay nag-uusap din

"Uhm, wala akong gana" ngayon lang ata hindi ginanahan toh?!
Bumuntong hininga siya, mas lalo lang lumaki ang pagtataka ko ng tumayo siya
"Sa Room lang ako" what?! Hindi siya kakain?

"Pangit ba lasa ng pagkain?" Takang tanong ni Ate Reese kaya naman napatigil siya ng akma niyang kukunin ang Bag niya
"I bought your Favorite Cream pasta with extra Cheese pa since you love cheese, don't you like the taste?"

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Where stories live. Discover now