How to Make her feel special?

8 0 0
                                    

"CHAPTER 4"

EZEKIEL POV

Hindi ako halos makatulog dahil sa sobrang pag-iisip, kaya naman napagdesisyonan kong bumaba at uminom nalang ng tubig, ngunit hindi ko naman inaasahan ang pagdating ni Dad mula sa Trabaho

"Oh gising kapa?" Ngumiti ako saka tumango, tinanggal muna niya ang sapatos niya saka lumapit sa akin tinapik niya ang balikat ko saka siya umupo sa upuan na nandito sa Dining

"Coffee Dad?"

"Sige" tumango ako, saka dali daling nagtimpla ng Kape niya

"Mukhang pagod na pagod po kayo?"

"Uhm?" Sumipsip muna siya ng Kape saka nagsalita "Masiyadong mabigat ang kasong Hawak namin ngayon kaya naman nakakapagod" yes you heard it, my Dad is a Lawyer, and he is working 24/7, if he has a very Big Case at talaga namang ginagawa niya ang lahat para lang manalo siya sa mga hearing, that's why i am so Proud and blessed to have him as my Father,
"Ikaw how's School?"

"Don't worry i am doing great Dad"

"Uhm as expected, manang mana ka talaga sa akin" tss! Natawa ako ngunit agad na sumagi sa isip ko si Aaliyah,

"Ah Dad? Paano kayo nagkakilala ni Mama?"

"Mama mo? Bakit?" Nakamot ko ang batok ko

"Tinatanong ko lang Po"

"Sus? Hahaha! Bakit? may nililigawan kana noh?"

"Hahaha! Sabihin nalang nating, may Girlfriend na ang anak niyo" sa kontrata nga lang,
Hindi ko mapigilang maging malungkot sa katotohanang pumayag akong maging Boyfriend sa papel, pero masaya ako kasi si Aaliyah yun!
Yung unang babaeng nagpatibok sa puso ko,

"Talaga? Who's that Lucky girl huh?" Tss! I am the one who's lucky Dad

"Tss! Hahaha! Magkwento ka nalang po"

"At talagang gusto mong malaman huh?"

"Oo naman po"

Ayun nga We end up Talking until midnight, hindi namin namamalayan ang oras dahil nalibang kami sa walang humpay na natawanan dahil sa naging Lovestory nila ni Mama, maging sa pagtulog ay natatawa nalang ako,

Nang gabing iyon wala akong ibang inisip kung hindi si Aaliyah, at yung pwede kong gawin para sa kaniya

----

"Ezekiel!" At hindi pa nakakapasok si Justin sa room ng marinig ko ang nakakarindi at napakalakas na Boses niya!
"Gumagawa ka nanaman ng News? About what?!"

"Sports Fest!"

"Tss! Itigil mo yan!"

"Kailangan ko to sa English natin!"

"Eh huwag mo ng pagandahin, ayos na yan!"

"Hindi pa tapos!"

"Ang haba haba na nga yan Zekie oh!"

"Bakit ba kasi!" Inis kong tinapik ang kamay niya, pinameywangan naman niya ako

"Baka nakakalimutan mong may responsibilidad kana ngayon?" Responsibilidad?! Nangunot ang noo ko
"Mygoodness! May Girlfriend ka Jusmeyo Marimar! Bakit hindi mo man lang Dalawin! Kamustahin! Bigyan ng Bulaklak! O bigyan ng konting pampakilig! Tss! Wala ka talagang kadala dala noh?"

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Où les histoires vivent. Découvrez maintenant