CHAPTER 22

13 3 2
                                    

EZEKIEL POV

Hindi na siya nawala sa isip ko, sa paglipas ng maraming araw ay hindi na ako ganoon kaactive sa lahat ng bagay, bumabagsak na ang grado ko hanggang sa inalis na ako ng Dean sa Journalism, Broadcasting at maging sa Council,

Sa isang iglap ay nawala lahat sa akin at walang kahit anong natira, ang Pwesto ko sa Ranking ay nawala, napatawag na din si Dad dito sa School dahil sa marami akong bagsak sa Ikatlong pangalawang quarter na nabigyan ko naman ng hustisya dahil pinagretest nila ako,

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room at tumitingin sa mga estudyanteng nasa field at naglalaro, kahit kailan ay hindi na ako lumalabas ng room lumalabas lang ako kapag uwian na, at didiretso agad sa bahay, hindi ako tumutugon kapag may kumakausap sa akin at hindi din ako namamansin,

Hindi ko alam pero naguiguilty ako sa ginagawa ko ngayon, si Dad nandoon at nagtratrabaho habang ako ay nandito lang at nag-aaral pero sinisira ko pa ang kinabukasan ko, dapat bang maging ganito ako?

Iniwan ka niya Ezekiel aalalahanin mo pa ba siya?

Iniwan ka niya at hindi siya nagpaalam, hindi ka niya pinakinggan, hindi siya naniwala sa mga paliwanag mo, ano pang rason mo para patuloy parin siyang hawakan?!

Bakit kapa kumakapit?!

Bakit kapa lumalaban?!

Bumitaw na siya! Pero bakit minamahal mo parin siya?!

Ito na ba ang katapusan ng aming Istorya?

(NOW PLAYING: GISINGIN ANG PUSO)

Nadarama ko pa

Ang iyong mga halik na hindi ko mabura

Sa isip at diwa

Tila naririto ka pa

Hinayaan ko ang luhang kumawala sa mata ko,

Kahit gusto ko siyang pakawalan ay hindi ko kaya, dahil sa bawat pagpikit ng aking mga mata hanggang sa pagmulat ay siya parin ang nasa isipan

Naririnig mo ba

Mga patak ng aking luha

Nananatili nang sugatan ang damdamin sinta

Sa bawat araw bawat tibok ng puso ikaw ang nasa isip ko

Hindi ko siya maalis, kahit gaano ko kagustong huwag na siyang isipin ngunit paulit ulit parin na bumabalik ang ganda ng bawat ngiti niya sa isip ko

Hindi ko siya kayang kalimutan, kahit sobrang sakit na

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo

Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso

Pipilitin ko limutin ang pag-ibig mo kung panaginip lang ito

Sana'y gisingin ang aking puso

Napatungo nalang ako at doon nilabas ang bawit lungkot, poot at sakit na nasa dibdib ko, na noon ay pilit kong tinatago ngunit ngayon ay hindi na kaya pa

Hindi pa din ako makapaniwalang mawawala siya, hindi pa din ako makapaniwalang hindi ko nà siya nakikita kung sana ay nagpaalam lang siya, sana naihanda ko ang puso at isip ko sa magiging kalalabasan ng paglisan niya

Pero....

Hindi eh....

Walang kahit anong pamamaalam!....

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin