CHAPTER 20

10 4 2
                                    

BIANCA ERIN POV

"Why the Hell did you do that Dad?!" Dahil sa galit sa mga nalaman ko ay nasigawan ko siya, sa buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang gawin lahat ng ipinag-uutos niya, wala akong ibang ginawa kung hindi ang sundin siya,
pero ngayon?! Ngayon ay manggagamit siya ng taong walang kaalam alam sa nangyayare sa paligid?! Hindi ako makakapayag!

"Huwag mo akong sigawan na para bang hindi mo ako Ama Erin!"

"Ha?" Singhal ko, "Sa tanang buhay ko Dad wala akong ibang ginawa kung hindi sumunod sa inyo, hindi paba yun sapat?! Pwede bang maglaro ka ng malinis Dad? Manggagamit ka ng tao para lang makasira ng iba?! The Hell! Hindi paba sapat lahat lahat ng ginagawa ko para sa'yo? Eh nagmumukha na nga akong kriminal kakasunod ko sa inyo eh"

"Stop it!" Sigaw niya, ngunit mas matigas ako kaya naman sarkastiko akong natawa, ganoon na lang ang pagsalubong ng mga kilay niya

"At Pati si Ezekiel Dinamay niyo? Anong alam niya Dad? Sa ginagawa ninyo mas lalo lang ninyong dinadagdagan ang kuryusidad niya sa katauhan ninyo"

"Kasi walang akong mapagpipilian Erin! Siya lang yung malapit sa tagapagmana ng mga Rivera! Ang mga tagapagmana ng Pamilya Lopez at Poras ay wala akong mapapala dahil wala akong makitang dumi sa kanila, ngunit ang Johanna na iyon ay napakaraming itinatago! At si Aaliyah lang yung tanging paraan para lumabas lahat ng iyon at para gumalaw sila, sigurado akong gagalaw sila kapag nalaman nilang ang tagapagmana nila ay unti unti ng nasisira!" Baliw ba siya?! Nababaliw naba siya?!

"Hindi kaba nag-iisip Dad? Ano naman ang Pakialam niya sa Tagapagmana ng mga Rivera kung gusto nga niyang makuha ang kayamanan nila?"

"Kasi alam ni Aaliyah lahat Erin"

"What?!"

"Alam ni Aaliyah lahat ng ginagawa ng Step-mom niya" what?! The!! Heck!!!

So alam ni Aaliyah? At nagpapanggap lang siyang walang nalalaman?

"Alam ba ng kapatid niya?"

"Isa't kalahating tanga ang lalaking yun at alam mo yan, tanging sarili lang niya ang iniisip niya at sigurado akong wala siyang alam sa ginagawa ng Ina niya" tama siya ang kapatid na lalake ni Aaliyah ay hindi maaasahan dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-aral ng mag-aral para sa kinabukasan niya, fiance nga niya hindi na niya nakakamusta, tss!

I know everything! Everything about them! Wala na silang dapat na itago sa akin dahil kahit magtago sila mahahanap at mahahanap ko sila, tunay ngang si Dad ang may pakana ng lahat ng ito, binangga niya ang pinakamayamang angkan ng mga negosyante dito sa pilipinas kaya ngayon ay binabangga na din siya, ginigipit at pilit pinpiga, sinisira ng Inahin ng mga Rivera ng unti unti ang Business ni Dad kaya naman gumagawa siya paraan para mapatalsik ang Babaeng yun,

Alam kong kasalanan namin ngunit ngayon ay sila na ang nagkakasala dahil sa pagmamalabis nila, hindi sila marunong sumunod sa usapan mga traydor sila!

"Hindi ko naman sisirain ang pamilya nila Erin dahil alam kong wala akong sapat na kapangyarihang gawin iyon pero gusto kong mawala sa pwesto nga Johanna na iyon, gusto kong mawala sa kanya lahat kung magkaganon wala na akong dapat na ipag-alala pa"

"Pero bakit pati si Ezekiel Ginagamit mo Dad? Alam mo naman kung ano siya sa akin diba?"

"Wala akong ibang magagawa Erin"

Umalis na siya sa harapan ko at nagtungo na siya sa Office niya na nandito sa bahay Napabuntong hininga ako, para bang paulit ulit na dinadamba ang puso ko dahil sa ginagawa ni Dad pero wala akong magawa dahil alam kong ginagawa lang niya ito para sa aming dalawa,

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Where stories live. Discover now