WHY?!?!?!?

13 1 1
                                    

^CHAPTER 13^

AALIYAH POV

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako hindi ginanahan ng ganito, sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging matamlay ng ganito!

Bakit?! Bakit parang ansakit sakit?!

Yung makita siyang nakayakap sa ibang babae! Bakit sobrang sakit?!

Hindi ko naman dapat maramdaman to dahil ako na din ang nagsabing walang katotohanan lahat dahil kontrata lang lahat! Pero---why am i acting like this?! Bakit ako umaaktong nahihirapan?! Bakit ako umaaktong nasasaktan?! Bakit ako umaaktong ganito?! Pati ako ay naguguluhan nadin sa mga ikinikilos ko!

Napasandal ako sa Couch, nandito ako sa Apartment ko dahil maaga akong umuwi, halos pabuntong hininga lang ang ginawa sa loob ng ilang minuto,

Pilit kong dinidinig ang tibok ng puso ko, pilit kong dinidinig kung anong nararamdaman ko pero---pero mas lalo lang akong naguguluhan!

Natigil lang ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto ng apartment ko, nakalimutan ko pala iyong ilock!

"Ay wow! Hindi nakalock teh?!" Kahit hindi ko balingan ay alam kong sina Alli at Reese yun

"Paano kung may iba ng pumasok dito? Edi nanakawan ka na niyan?" Allison,

"Hay naku Liyah, ano bang nangyayare sa'yo?" Reese,

Kapag ba nagsabi ako sa kanila maiintindihan nila?!

Napailing ako sa isip ko at mas pinili nalang na hindi na magsalita, para akong tangang nanonood ng Tom and Jerry sa TV. Habang nasa kalawakan ang isip! Ano bang nangyayare sa akin?!

"Liyah"

"Uhm" mahinang tugon ko ng tawagin ako ni Reese

"Okay ka lang?" Sa tingin mo Reese okay lang kaya ako?!

"Okay lang ako" hanggang kailan ako magpapanggap?!

"Sus Syempre okay lang yan, bakit naman siya maaapektuhan kung peke lang naman lahat diba?" Nakakainis ang paraan ng pananalita ni Allison, hindi naman iyon nang-iinis pero napakasarkastiko pero puntong punto!

"Tss! Manahimik ka nga Allison, wala ka ng magandang sinabi kanina pa"

"Hindi mo ba napansin si Zekie kanina? Halata namang nakipagdate siya doon sa kababata niya kaya nawala siya bigla kanina sa court eh"

"Eh sa manahimik ka nalang kasi, nakikinig yung tao oh"

"Huh? bakit? Anong mali sa sinasabi ko?"

Hindi ba talaga sila titigil?!

"Wala! Pero ilugar mo naman Alli, hindi ito yung tamang oras para pag-usapan yan!"

At ngayon nagsisigawan na sila?!

"Eh anong pag-uusapan natin ngayon? Diba si Zekie naman?"

"Ano ba!"

Nagtataka akong tumingin sa kanila

"Hindi ba kayo titigil?" Takang tanong ko, "Baka pwedeng manahimik nalang muna kayo, hindi ako makapag-isip sa lakas ng mga boses ninyo"

"Bakit Liyah?" What the heck?! Nagtataka akong napatingin kay Allison "Nagigising kana ba sa katotohanan? Bakit hindi mo nalang kasi hayaan si Ezekiel na maging masaya sa Iba? Itigil mo na yan, tinigilan ka naman na ni Luke diba?" Bakit ba ang hilig niyang magsalita ng direktang direkta?! 

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Where stories live. Discover now