CHAPTER 19

11 2 3
                                    

EZEKIEL POV

Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi ko na nagawang ihatid pa si Aaliyah sa Apartment niya, mukhang napansin naman niya sa reaksiyong dala dala ko kaya naman ako ang inihatid niya sa Condo,

Halos magdamag akong hindi nakatulog noong araw na iyon kaya naman---pagkaggising ko ng umaga ay para akong lantang gulay na pumasok sa School,

"Mukhang may Problema ang Baklang nilalang na ito ah?"

"Huwag mo akong inisin Justin"

"Omy! Omy! Nakakatakot yun ah?!"

"Tss!" Inirapan ko nalang siya saka humarap sa ibang Direksiyon, rinig na rinig ko pa ang nakakarindi at nakakbwisit niyang tinig kaya naman tumayo nalang ako saka lumabas ng Room, hindi ko siya naramdaman sa likuran ko kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglalakad

Pinadpad ako ng paa ko sa malawak na Field ng eskwelahan at sa dalawang taon ko dito ay parang ngayon lang ako nakapunta dito, ngayon ko lang nakita na napakaganda palang pagmasdan ang mga nagtataasang puno, napakaganda palang pagmasdan ang mga Building na binubuo ng Juniors at Seniors at ngayon ko lang din napansin na napakalawak pala ng eskwelahan namin,

Maglalakad pa sana akong muli ng bigla akong matigilan dahil sa nakita ko sa aking harapan,

Sa pagkakataong ito parang gusto ko siyang takbuhin at yakapin dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng nararamdaman ko, pakiramdam sobrang hirap,

She's the Target and I am the consequences,

Kung pipiliin ko ang sarili ko ay mapapahamak siya, ngunit kung piliin ko naman ang sarili ko mapapahamak si Papa, napakahirap pumili between Her and my Dad cause they both important to me,

Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay para bang napakarami kong gustong sambitin na katanungan, kung Sino ba talaga siya? Bakit siya pinupuntirya? Bakit kailangang siya pa?

Hindi kami nag-uusap sa Bibig ngunit para bang basang basa namin ang isinisigaw ng aming mga mata, nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, para bang sinasabi niyang huwag kang mag-alala dahil---dahil malakas ka at makakaya mo,

Gosh! How can i let my Girl be in trouble if i can do something?

Ngayon ko paba siya pababayaan, ngayong sa pagkakataong ito ay pinili na niya ako? Ngayon na alam kong magiging totoo na lahat?

Pero paano kung---paano kung nagtagpo lang talaga kami pero hindi kami itinadhana? Paano kung ganoon nga?

"God said: Come to me and i will make you rest" nabigla ako sa sinambit niyang iyon, bahagya pa siyang nakangiti na talaga nga namang tumunaw ng tuluyan sa puso ko, pilit ko mang pigilan ang luha ay kusa iyong tumulo ng hindi nalalaman "Sabi pa niya, sa akin mo lang mahahanap ang tunay na kapahingahan, Zekie" bumuntong hininga siya "I don't know what your problema is, but i know God knows everything" napatungo ako sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, para bang dinadamba ang puso ko at para akong nanghihina, hindi ko masabi sa kanyang siya ang iniisip ko dahil ayaw ko siyang gumawa ng hakbang na maaari niyang ikapahamak, kaya hangga't kaya ko gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya sa Kamay ni Mr. Alvarez.

Naabutan kami ng Bell nang ganoon padin ang pwesto kahit pinagtitinginan na kami ay wala kaming naging pakialam kundi nagpatuloy lang sa malalim na pagtitinginan, yung iba ay bumubulong bulong pa ngunit hindi nalang namin sila pinakinggan

Hanggang sa ang pansin namin o sasabihin kong naming lahat ay nakuha ng malakas na tunog na nanggaling sa Speaker ng School, ito ay isang nakakaindak na sayaw na kahit kailan ay hindi dapat ito ipinapatugtug sa Oras ng Klase, hindi na ako magtataka kung Juniors nga ang may pakanan ng lahat ng ito ngunit ang ikinagulat ko ay ang biglaang pagindak ni Aaliyah, sinsabayan niya ang beat ng music at hindi ko talaga maitago ang mangha sa mga mata habang nakatingin sa kanya,

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt