Who is She?!

10 1 1
                                    

^CHAPTER 12^

AALIYAH POV

Kanina pa kami ikot ng ikot dito sa Quadrangle ng hindi namin mahanap sina Justin at Zekie, nagpunta na din kami sa may Stand sa Oval, nagpunta na din kami sa Classroom nila, sa Broadcasting Room at Journalist room, nagpunta na din ako sa council Room pero wala sila! Saan ba sila nagpunta?!

"Gosh! I am tired! Pwede ba magpahinga?!" Reklamo ni Allison kaya napatingin ako sa kanila ni Reese pareho na silang hinihingal habang nagpupunas ng pawis at nakaupo sa Bench na nandito sa Gilid ng Hallway papuntang Court namin,

"Baka pwedeng kumain na din tayo  nagugutom na ako eh!" Reklamo naman ni Reese kaya hindi ko mapigilang maawa sa kanilang dalawa, ako lang dapat ang naghahanap eh tss! Pero since magkakaibigan naman daw kami edi dapat daw sama sama kami! Ewan ko ba!

Nasaan naba kasi yung lalaking yun?!

Nakakainis!

"Okay, sa Cafeteria nalang muna tayo" baka nandoon sila! Nagbabakasakali talaga akong nandoon sila kaya naman doon nalang kami tutungo,

Naglakad kami papunta ng Cafeteria, ngunit bulung bulungon ng mga Estudyante ang nakakuha ng atensiyon ko ng naglalakad na kami

'Boyfriend na niya yun? Akala ko ba si Aaliyah ang Girlfriend niya?!'

'Ewan ko ba!'

'Ang sweet kasi nila, nakita mo ba?!'

'Malamang may mata ako!'

'Edi ikaw na may mata!'

Napatigil ako sa mismong harap ng mga Estudyanteng nagbubulungan ng mahagilap nila ang Pangalan ko, pati sina Alli at Reese ay napatigil din nagtataka silang tumingin sa akin, sinenyasan ko silang maghintay saka ako lumapit sa mga Babaeng nag-uusap

"I think i heard my Name, Girls" they are juniors! Base sa Uniforms nila i know they are juniors!

"Omo! Ate A-Aaliyah!' The one Exclamied! ngumiti ako saka tumango, nagkatinginan pa sila saka gumawa ng impit na ingay, animo'y kinikilig! Pati babae kinikilig na sa akin tsk!

"So what's about me?"

"Ah eh, hindi po ikaw si Ezekiel po, yung nasa Section A sa Grade 10, yung Gwapo na cute na matangkad na matalino na V-pres ng Council" eh bakit parang kinikilig ka?! Tss!
"Akala ko po kasi ikaw yung Girlfriend niya pero Nasa Cafeteria po kasi siya may kasamang babae at---"

"What?" Nagtatakang tanong ko animo'y nabingi pa ako sa sinabi nito,

Mali ang dinig ko diba?!

"May kasama pong babae" what the heck?! Anong?!---

Lintik!!

Napalapat ang mga labi ko saka napasalubong ang kilay,

Nakakalimutan ata niyang may kasunduan kami?!

"Hey! Aaliyah!" Tawag sa akin ni Allison ngunit hindi ko siya pinansin,

Tinalikuran ko silang lahat pati sina Alli at Reese saka mabilis na naglakad papunta cafeteria, nandito palang sa mismong Pintuan ng Cafeteria ay nakita ko na siya, together with Justin! At--- at may babae nga!

Naayos ko ang damit ko, saka prenteng naglakad papasok ng Cafeteria, sinadya kong dumaan muna sa Counter para mas lalong magbulungan ang mga Estudyante umorder ako ng pagkain pagkatapos ay tumingin ulit ako sa puwesto nila, ngunit ang gago! Halatang sayang saya sa kaharap niya ngayon! How dare him?!

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum