CHAPTER 23

20 5 4
                                    

The 30th

EZEKIEL POV

Gaya ng dati ganoon padin, wala akong ganang bumangon para maligo at maghanda para sa school, pagkatapos ko sa pagligo ay bumaba na ako ng Kwarto ko, nagulat pa ako ng makita doon si Dad na noon ay nagkakape sa sala pero hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin.... lalabas na sana ako nang tawagin ako nito---

"Can we talk a little bit? Tutal Maaga pa naman" hindi ako nagsalita, naupo ako sa harapan niya at hinintay siyang magsalita "i am sorry Son" nangunot ang noo ko kinakabahan ako sa tila emosyonal na mahihimigan sa boses nito, bakit siya nagsosorry?

"Ba-bakit po?"

"Kasi hindi kita napagtutuunan ng pansin dahil sa trabaho ko, i know you are broke inside" napatungo ako sa sinabi nito,

Ayos lang naman sa akin, sanay na ako sa araw araw na pagtatrabaho ni Dad, ngunit ayaw ko ding isipin niya na kasalanan niya, dahil ang totoo ay kasalanan ko naman talaga

"Pasensya kana dahil hindi man lang kita nakakamusta, pakiramdam ko napakakulang ko, pakiramdam ko hindi ako sapat na maging Ama mo"

"Dad" bumuntong hininga ako, hindi ko kayang naririnig ang mga salitang iyon sa kanya dahil alam ko namang wala siyang ibang ginawa kundi magpuyat, magtrabaho, magipon ng pera para sa akin "ako po dapat ang humingi sa inyo ng tawad dahil sinira ko lahat...

Bumalik nanaman sa isip ko nung sigawan ako ni Dean, nung pagalitan ako ng Teacher namin.... nung pinatawag si Dad dahil bagsak ako sa Second Quarter... nung sapilitan akong tanggalin sa Broadcasting at Journalism dahil wala na akong matinong gawa... at nung walang nagawa si pres. Kundi tanggalin ako dahil yun ang utos ni Dean.. pero ang mas lalong nagpapasakit sa puso ko ay nung pati ang pagiging Top ko ay bumagsak...

I know it was just the Second quarter pero napakalaking bagay na yun para sa katulad kong sinesecure ang pwesto atsaka graduating na din ako for my Junior life..

I was such a Jerk! A Full Jerk!

"Dad, i promise... babawi po ako" huminga ako ng malalim

"I am not forcing you Ezekiel, ang nais ko lang, anak let go of the pain and just accept everything, minsan kahit masakit magpalaya.. minsan kahit masakit makalimot... hindi tayo makakapagpatuloy kung walang acceptance and forgiveness, Ezekiel naiintindihan mo naman ako diba?" Napatungo ako pinipigilan ang luha na gusto ng pumatak sa mata ko, tumango ako

Alam kong naiintindihan ako ni Dad dahil minsan na din siyang nawalan, minsan na siyang dumanas ng sakit, minsan na siyang dumanas ng hirap.. not financially but Emotionally, mentally at the same time spiritually...

At nakita ko kung paano siya nahirapang umusad ulit pero nakaya niya, nakatayo siya... Napalaki niya ako ng maayos.. ginawa niya lahat para mabuhay ako at mabigyan  ako ng maayos na buhay...

"I am sorry Dad" nasa ganoon padin ako ng maramdaman ko ang bisig niyang yumakap sa akin,

"Shhh! It's okay, it's okay Son"

------

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang Cafeteria, pero hindi na talaga nawala yung mga bulung bulungan sa paligid ko

Kawawa naman siya,

Iniwan na nga naakusahan pa ng hindi naman ata niya kasalanan

Duh? Paano naman nalaman na hindi niya kasalanan?

Tanga kaba? Wala tayong editing dito sis, the Voice behind that Megaphone i am really really sure na hindi iyon galing sa kanya

Nasaan na kaya si Aaliyah? Si Reese at si Avery?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 19, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Donde viven las historias. Descúbrelo ahora