CHAPTER 2

9 2 0
                                    

AALIYAH

"What?!" Gulat din ang naging reaksiyon nila matapos kong ikwento ang ginawang pagrereject sa akin nung lalaking yun!
Hindi ako makapaniwala! Did he just rejected me? My offer?! Bakit hindi nalang siya magpasalamat dahil siya ang pinili ko?!

"Hahaha! Pahiya ka noh?"

"Tumigil ka Alli!" Nakakainis! Inis na inis na nga ako tapos iinisin pa ako!

"Eh ano nang gagawin mo ngayon? Binigyan ka lang ng hanggang bukas ni Luke" hays! Napabuntong hininga ako saka naisubsob ang mukha sa mga kamay, ano nang gagawin ko ngayon?!

"Bakit mo ba kasi gustong hiwalayan si Luke? I mean he's ok, he's a Kind and a Good man naman, Basketball player pa, he is a Goodlooking also, wala ka ng mahihiling pa" napatingin ako sa picture na nasa Cellphone ko,
Gwapo din pala toh?! Tss! Ah basta! Nakakainis!

"Hindi na ako masaya Alli"

"Hindi kana masaya? Bakit?"

"Kasi pakiramdam ko walang katotohanan lahat!" At alam kong ako lang din ang mahihirapan kapag pinagpatuloy ko pa toh,
"Nagtatalo ang isip at puso ko, napapatanong ako kung gusto ko ba siya? O mahal ko na? But Damn! I am not a Toy Alli, do you understand what i am saying? Yung pagpapahalagang ibinibigay ko gusto kong ganoon din ang isukli, pero hindi eh"

"Because he is busy in his own Personal life?"

"Exactly" napabuntong hininga kaming dalawa at napasandal sa Couch na inuupuaan namin,
"Hindi pa kayo uuwi?" Takang tanong ko napatingin silang dalawa sa akin,

"At bakit?! Pinapaalis mo na kami?!" Bulyaw ni Alli napakamot ako sa batok,

"Eh inuubos mo Softdrinks ko eh, ikaw naman Reese inuubos mo Noodles ko, oh edi magsilayas na kayo"

"Hoy! Ang sama mo naman! Kita mong lumalamon kami eh!"

"Kung makapagsalita ka Alli akala mo naman ang hirap hirap mo eh no?! Bakit hindi ka tumakbo sa convenient store at doon bumili ng makakain mo!"

"May seven eleven na teh!"

"Ewan ko sa'yo! Pakibilisan nalang ang pagkain inaantok na ako!"

"Edi matulog kana!" Langhiya! Masama ang tingin na ipinukol ko kay Allison

"Kung uunahan ko kayo sino ang maglolock ng pintuan ko? Duh! Pagnakawan pa ako eh, nasa pilipinas ka FYI!" Inirapan din niya ako na ikinaamang ng labi ko,
Ha! Aba! Aba! Tinatarayan ako ng walang hiya! Kalbuhin kita diyan eh!

Halos umabot pa sila ng Hating gabi noong araw na iyon hanggang sa mapagdesisyonan nilang umuwi na nasa kabilang apartment sila medyo malayo sa akin, ako talaga ang lubos na napuyat dahil paggising ko ng umaga halos lantang lanta ako! Buti nalang at umiinom ako ng Vitamins araw araw! Kung hindi baka patay na ako!

Wala ako sa mood na nagtungo sa Cr at naligo, hanggang sa makapagpalit na ako ay wala parin ako sa mood, hanggang sa paglalakad ko papuntang school at wala pa rin ako Mood!
Taeng yan! Mayayari talaga sa akin ang dalawang matakaw na yun! Matapos kumain hindi man lang nila alam magligpit at talagang ako pa ang pinaglinis nila!!!

Mabilis akong nakarating sa School, malamang malapit lang din naman ang Apartment ko doon, malapit pero hindi ganoon kalapit, ah basta!

Para hindi marinig ang bulong bulungan nila ay nagsalpak nalang ako ng Earphone at sinadya iyong lakasan para wala ng marinig, ngunit sa kamalas malasan ay may nakabangga pa ako! Damn!

WELL, IT'S JUST A CONTRACT Where stories live. Discover now