Chapter One: "Closure"

64 26 18
                                    

"Tumahan ka na, Kuya," wika ni Astex habang tinatapik-tapik ang likuran ni Jacent, ang kanyang kuya.

"Baby..." Ito ang madalas itawag sa kanya ni Jacent mula pa noong bata pa siya. "Please tell kuya to just f/cking move on and smile like nothing happened," namamaos nitong utos sa kanya. "I'm tired, baby, I'm tired but I can't rest peacefully."

Kusang napayakap si Astex rito. Hindi nakasagot, kahit siya ay nasasaktan sa lagay ng kanyang Kuya.

Pagkuwa'y inagaw niya ang bote ng alak mula rito, muli niyang narinig ang tahimik nitong pag-iyak sa loob ng kanyang bisig.

"What can I do ba for you kuya to tahan na?" ani Astex. Lumitaw ang natural niyang aura, ang pagiging conyo.

Nilingon siya ni Jacent. Bigla ay napa-smile siya, lahat ng ngipin ay kita habang natigil naman sa paghikbi ang kanyang kapatid. "You making fun with me, Baby. Stop it. Once you taste the bad side of loving someone, you'll realize what I feel right now, and when it happen, I'll surely teas you back."

Napanguso siya. "I'm not teasing you kasi, Kuya. It just that... I'm naninibago when I try to salita pure English or Tagalog. It's kinda mahirap for me," nanunulis ang ngusong sabi niya. Kusa rin siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya sa kapatid.

"You sound like a gay, Astex," nagpapahid luha na tugon ni Jacent.

Binalingan nito ang pianong kaharap. Siya naman ay tumayo upang kumuha ng tubig. "I'm sure, you'll play that piano again tapos you'll cry na naman if nareremember mo si Ate snake," ang nobya ng kapatid ang tinutukoy niyang snake.

Tila walang narinig si Jacent. Dahan-dahan nitong tinipa ang piano, kalaunan ay malungkot itong umawit. Hindi na siya nagtagal pa sa music room kasama ng kapatid, siya na rin ang uminom ng tubig na kinuha niya sa Ref ni Jacent na para sana sa huli.

"I don't know why kuya still want ate snake," nasabi niya sa sarili. Ni minsan ay 'di niya nakita o nalaman man lang ang tunay na pangalan ng nobya ng kapatid.

Nagulat na lamang siya ng makita niya ang kuya niya kanina na tahimik na umiiyak sa harap ng piano. Saglit itong nagkwento tungkol sa damdamin nito na kahit isa ay hindi niya naintindihan.

Napabuntong hininga siya. "How does love make my kuya cry?" kausap niya uli sa sarili. "Wait, did I just speak purong english?" namangha siya sa sariling gawa. "Oh, well, that's natural naman cause your maganda, dear self," natawa siya.

Muli siyang bumalik sa music room ng bahay nila bitbit ang sangkatutak na sitsirya galing sa kanilang kusina. Tunay na maganda ang boses ng kapatid ngunit napapangiwi siya dahil sa kanta nitong puno ng pait.

"Come on, Kuya. You tahan na kasi, nothing happens kung inaalala mo parin si ate snake." muli siyang tumabi sa kapatid. In-offer-an niya din ito ng pagkain.

"Please leave kuya alone, Astex. You're not helping me at all," tumayo ito saka iniwan siyang mag-isa sa music room. Lumabas ang pagiging suplado ng kapatid. "Nice naman... He can still pakita his suplado attitude even when he's wasted. Hmpp," kausap niya sa sarili.

Mag-isa niyang kinain ang dalang pagkain hanggang sa maubos ito. Naisip niyang i-text ang kapatid, alam niyang ni-lock nito ang sariling kwarto para hindi siya makapasok.

To: Kuya J,

Kuya, what is love? Sagutin mo if ayaw mong ma-know nila Mom and Dad ang about sa lovelife mo.

Matapos ma-sent ang message ay pumunta siya sa sariling kwarto. May kalokohan na namang tumatakbo sa isip niya. "Kuya will surely gonna gusto this," kausap niya sa sarili.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now