Chapter Eight: "Dinner with Dad and Mom"

21 19 1
                                    


Kaswal na ngumiti ang kapatid sa Ginang na kasama at sa iba pang kasambahay na naroroon. Pagkatapos niyon ay hindi na naalis pa sa kanya ang paningin nito.

"Astex," muling pagtawag nito.

"Ano ka bang bata ka, nariyan na raw ang ina niyo!" bulyaw ni Mama Zeska. "Hala sige, Hijo. Salubungin niyo na ang ina niyo. Paniguradong miss na miss kayo niyon." Itinaboy silang pareho ng Ginang palabas sa kusina.

Hindi niya nagawang kumilos ng dahil sa titig ng kapatid kaya nararapat lang ang ginawa ng ginang. Hindi na nila pinansin ang tawanan ng iba pang kasambahay na naroroon.

Pilit hinagap ng kapatid ang kanyang kamay ngunit siya na ang kusang umayaw. Sinamaan niya ito ng tingin, nagpapasensyang tingin naman ang sinukli ng binata.

"Sweetheart! J-ent! Mommy is here!" nagagalak na salubong sa kanila ng ina.

Agad niya itong niyakap. "Mommy! I miss you po," ani niya habang nakayakap rito.

"I miss you too, Sweetheart. How about you my baby boy?" malambing nitong baling sa kuyang nakatayong tuwid sa likuran niya. Hanggang ngayon, bini-baby parin sila ng ina.

"I miss you too, Mom," tugon ng kapatid habang nakangiti. "Tabi nga riyan, Astex. Lemme hug Mom." Bahagya pa siya nitong tinulak palayo sa ina.

Ang galing umarte ng kapatid, tuloy ay nadadala siya sa pag-acting. Nanunulis ang ngusong nagsalubong ang kanyang mga kilay, pinapahalata niya ito sa ina.

"Don't be harsh to our sweetie Astex, J-ent. That's bad, huwag kang gumanyan sa mga babae. Tandaan mo, isang heartbreak pa lang, madadagdagan pa yan 'pag ganyan ang trato mo sa amin," pangaral ng ina.

Bahagya niyang iniwas ang mukha sa direksyon ng mga 'to. Oh, yeah. Mommy is here pala 'cause kuya is on heartbreak. Tila nagmamaktol ang kalooban niya.

"Mom?" naggalit-galitan ito.

"What?!" lumitaw ang kasungitan ng ina na namana ng kapatid. "Look like I'm teasing you but that a piece of fact, Baby boy. Let's continue this discussion later, let me have a rest for awhile." Nang-aasar na ngumiti ang ina.

"Tss. Your trying to predict my lovelife, Mom. Madadagdagan, huh? Asa kayo.... ako." ibinulong nito ang huling salita.

Inirapan lang ito ng ina at dumeretso sa sala. Mukhang ang kapatid lang ang nakapansin sa pananahimik niya. Bago siya nito kausapin ay mabilis niya na itong tinalikuran, kabadong sumunod sa ina.

Muling lumakad ang oras. Para sa kanya, kasing bagal maglakad ng pagong ang paglipas ng oras, ni tumakbo ay hindi nito napansin.

Silang apat— ang kanyang ina, ama, siya at kapatid— ay nagsama-sama sa hapag. Tahimik lang naman ang umpisa ng kanilang pagkain, na waring hindi nagpapansinan ang lahat.

Nakakabingi ang katahimikan, na maski ang natural na pagkalampag ng mga kagamitan sa hapag ay pinigil niyang tumunog. Gusto pa niya ito kaysa mailang kapag nagsimula na ang diskusyon ng kanilang pamilya.

"I'm done," sabi ng ama, kasalukuyang nagpupunas ng bibig nito.

Mabilis nitong inilipat sa kapatid ang paningin. Mas lalo siyang naiilang kapag ama na niya ang nagsasalita, wala kasing preno ang bibig nito kahit nakakasakit na ang mga pinagsasabi ng huli.

"By the way, son. Your Mom told me, you've got a girlfriend daw, is it true?" pangungusisa ng ama.

Tinapos muna ng kapatid ang pagkain bago sumagot. Ang ina naman niya'y tuloy tuloy lang sa paglamon, hindi halatang matakaw ang ina dahil sa magandang hubog ng katawan nito kahit may katandaan na.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now