Chapter Ten: "Drunk"

8 3 1
                                    


NABUNGARAN NIYA ang kapatid na mahimbing na natutulog sa sofa sa terasa ng villa. Nainis siya sa sarili nang malamang may galos ito sa braso. F/ck! It's my fault, damn this.

Inilapit niya sa mukha nito ang sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa pakiramdam niya ang pagpapalitan nila ng halik kahapon. Natutuwa siya sa pagtugon ng kapatid, waring hindi inosente.

Mabilis niya munang sinipat ang relos saka muling ibinalik ang paningin sa kapatid. Almost one o' clock, we need to take lunch before we forget.

Balak na niyang gisingin ang kapatid nang napatitig siya sa mga labi nito. Ayaw nang maalis ro'n ang paningin niya, tila nag-aanyayang halikan niya ang mga labing iyon.

Marahan niyang inilapat ang sariling labi sa labi nito, ngunit humigpit ang pagkakahawak niya sa sandalan ng sofa nang ayaw nang maalis mula rito ang sariling labi.

Manyak kung manyak. Sinimulan niyang sumayaw gamit ang labi sa ibabaw ng kapatid. Ninanamnam ang panibagong pakiramdam, panibagong sensasyon. Ngayon lang siya naging ganito, hinahalikan ang taong tulog and worst kapatid pa niya.

Kailan man ay hindi niya ito naranasan sa iba, kakaiba ang nararamdaman niyang ito, hindi kayang ipaliwanag. Maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya kahit pa no'ng sa college at highschool siya.

Ang karamihan ay mula sa business administration habang ang iba ay mula sa iba pang kurso, ang nakakahigit rito ay ang mga Flight Attendant ng University nila. Kadalasang nakukuha niya ang mga deals and investment nang dahil sa angking karisma na tila hinulma ng isang sculptor.

Hindi maitatangging kabilang siya sa mga gwapong mukha sa kasalukuyang henerasyon, ang katawan ay pangmodelo at ang talinong namana niya sa ama, ang pagiging business minded.

Unti-unting nagising ang kapatid. Agad din siyang napatigil lalo na't hindi niya sigurado kung wala bang nakakita sa ginawa niya.

"Good afternoon, wanna eat lunch....with me?" tanong niya rito.

Nababasa niya sa reaksyon nitong gusto siyang paalisin nito, kaya'y gano'n nga ang ginawa niya. Halata namang naiilang ang kapatid, naging tahimik ito simula nang magtapat siya rito.

Ngunit sigurado siya sa nararamdaman niya. Simula noong tumuntong sa kolehiyo ang kapatid, unti-unti niya na itong nagugustuhan though pinigilan niya naman ngunit hindi kaya.

Sinubukan niyang ibaling sa iba ang nararamdaman ngunit tila hahantong lang iyon sa isang 'One night stand' na ayaw niyang mangyari dahil malaki ang respeto niya sa mga babae. He can flirt but he can't love them.

"Yeah, oo, gusto ko..nang mag-eat. Tara let's? Maybe masarap iyong foods nilang inihanda," pagkatapos iyong sabihin ng kapatid ay agad itong tumayo at lumakad papasok sa villa, naiilang parin sa kanya. Sumunod naman siya rito.

"By the way kuya, are you linis na ba your katawan? Are you not mabaho now?" nang-aasar ang kapatid.

Tuloy ay naalala na naman niya ang sinapit niya sa rancho, ang nakakasukang amoy at ang malagkit na pakiramdam. Tila nagtayuan ang mga balahibo niya, lumalabas ang masungit niyang aura na namana sa ina.

Hindi na lang siya sumagot ngunit naiinis na iniwas ang paningin mula rito hanggang sa makarating sila sa hapag. "Oh, well... Look someone who's pikon na here. Manang Haryen, what's our menu ngayon?" inosenteng tanong ng kapatid sa kakarating lang na katiwala ng villa.

"Pikon, huh? Manang Haryen, pwedeng pakilipat ng mga pagkain sa veranda ng room ko? Mukhang mas maganda ang tanawin ro'n, nagmumukha pang fresh ang pagkain...ko," pakiusap niya kay Manang Haryen. Pabulong naman niyang sinabi ang huling salita.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now