Chapter Six: "Pasensya na..."

22 19 14
                                    

Kusang inilayo ng kapatid ang sarili mula sa kanya. Maski ito'y nagulat sa sariling ginawa. Namumula ang gilid ng mga mata nito habang iniiwas ang paningin sa kanya.

Napatayo siya, ang kamay ay mariing nakahawak sa dibdib. Pakiramdam niya kasi, anumang oras ay lalabas mula do'n ang kanyang puso. Nagiging abnormal ang tibok niyon.

"Pasensiya na." Noon lang sinalubong ng kapatid ang paningin.

Napapaatras siya, umaabante naman ito. Kinabahan siya nang makorner siya nito, nasa magkabilang gilid niya ang kamay nitong nakalapag sa mesang naroon.

Ramdam naman niyang tumatama sa kanyang leeg ang mainit at mabango nitong hininga. Lalong lumapit sa mukha niya ang mukha nito.

"Pasensiya na kung binigla kita....but I mean that kiss. I'm not sorry about it, it's f/cking unstoppable, I can't help it," mabagal nitong sabi sa mismong mukha niya.

Hindi siya nakasalita. Alam niyang mali itong nangyayari, hindi dapat ito nangyayari. Kinakabahan siya, natatakot na baka hindi makapagpigil.

Muling tinawid ng mga labi nito ang pagitan ng mga labi nila. Simpleng paglalapat lang ang naganap ngunit hindi tulad kanina ay tumagal ang halik na iyon. Tinatantya nito kung aangal ba siya o tutugon.

Hinayaan niya lamang ang kapatid kahit pa sumasakit na ang dibdib niya dahil sa abnormal na pagtibok ng puso niyang naroon, mas mabilis kaysa nakasanayan, pakiramdam niya'y dumodoble ang pagtibok niyon bawat segundo.

Nang magtagal ay dahan-dahang gumalaw ang mga labi nito, he passionately kissing her. Muling namuhay sa sistema niya ang kakaibang pakiramdam na hatid ng ginagawa nila ngayon, may kasamang kilabot para sa kanya ang bawat galaw nito sa ibabaw ng labi niya.

Hindi niya alam ngunit tila nagsitayuan ang mga balahibo niya. Hindi siya sigurado ngunit waring binagsakan ng libo-libong bultahe ng kuryente ang katawan niya. Nakakatakot ngunit masarap, nakakapanghina ngunit ayon ang pakiramdam niya, buhay na buhay.

Nang magtagal ay unti-unting naging mapusok ang kaninang halik lamang. Tila nag-aantay ito ng katugon, naghahanap, nagsisindi ng apoy sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paanong tumugon ngunit sinabayan niya na lang ang bawat galaw ng mga labi nito.

Pareho silang napaungol, nagulat sa ginawa niya. Hindi niya alam kung saan dapat i-lugar ang mga kamay niya, basta niya na lang itong pinulupot sa leeg ng kapatid.

Bagaman nakayakap sa leeg ng lalaki ang kanyang mga kamay, may iilang pulgada paring pagitan ang mga katawan nila. Halatang mas matangkad sakanya ang kapatid kaya kailangan pa nitong yumuko sa kanya. Worth it naman ang pagyuko nito, ang lalaki ang nakakuha ng first kiss niya.

Nagulat siya nang kumilos ang mga kamay nito. Pumulupot ang mga iyon sa kanyang bewang, inilalayo siya sa mesang kinasasandalan. Nang magtagumpay ay bahagya siya nitong binuhat papatong sa lamesang naroon.

Hiniwalay nito ang magkadikit niyang binti. Muling kumilos ang mga kamay nito, inalalayan ang binti niyang pumulupot sa bewang ng lalaki. Pumwesto naman sa likuran niya ang magkabilang kamay nito pagkatapos.

Biglang itinigil ng lalaki ang halikan nilang dalawa, hindi niya inaasahan ang isang 'yon kaya bahagyang hinabol ng labi niya ang mga labi nito.

Iminulat niya ang mga mata, ang nakangising labi ng kapatid ang nabungaran niya. Wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Ilang beses siyang napalunok, naiilang sa titig ng kapatid. Ang pwesto naman nila ang naghahatid kilabot sa pakiramdam niya. Bigla ay kumilos ito, sa isang iglap ay nagpalit ang posisyon nila. Siya ngayon ang nakapatong sa ibabaw ng lalaki habang ito naman ay prenteng nakaupo sa mesa.

Default Title - Write Your OwnOnde histórias criam vida. Descubra agora