Chapter Four: "Creepy Freak"

26 20 3
                                    


Agad na nanalata ang gulat sa mukha ng kapatid. Napatakip-bibig pa ang huli.

"Kuya, sorry! Hindi.... Hindi ko alam. Know I know why you're acting weird kanina." Agad niyang sinenyasan ang kapatid, pinapatahimik. Papalapit na ang ginang, ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa dati niyang nobya.

"May pagpupulong bang nagaganap, mga bata?" Napansin agad ng ginang ang pagbabago sa kilos nila.

"Inumin mo muna ito, Hija, bago ka matulog. Ito naman ang sa'yo, Hijo," inalok ng ginang ang isang basong gatas sa kanya at sa kapatid.

"Hala, sige, magsitungo na kayo sa mga silid niyo," pagkuwa'y saad ng ginang. Hindi parin napuputol ang tinginan nilang magkapatid.

"Go and rest, Astex," agad niyang iniwas ang paningin. Mabilis namang yumakap sa ginang ang kapatid niya, "Good night po," ani Astex.

"Matulog ng mahimbing, Hija." Tinanguan niya lang ang kapatid. Agad naman itong tumuloy sa hagdang kaharap saka tinungo ang silid.

Naiwan siya at ang Ginang.

"Hindi ka pa ba matutulog, Jacent?" pansin ng ginang. Dumapo sa baso ng gatas ang paningin nito.

Mabilis niya itong nilagok. Tila masusuka siya dahil sa kape't gatas na ininom. "Manang Zeska, may dala po akong tinapay. Nasa kotse po, ipapakuha ko na lamang bukas, hindi ko rin naman makakain."

"Ako nang bahala sa mga 'yon. Magpahinga ka na, malalim na ang gabi. Papasok ka pang trabaho bukas." Marahang tinapik ng ginang ang kanang balikat niya.

Kinuha nito ang baso at akmang papanhik sa kusina nang pigilan niya ito. "Sandali po manang. May itatanong lang ako," sinabayan niya sa paglakad ang ginang papuntang kusina.

"Ano iyon, Hijo?" ani Manang Zeska.

Hindi niya alam kung paano magsisimula, nag-aalinlangan siyang magtanong rito.

"Ahm... Simula bata ako, kayo na nag-alaga sa'kin, natigil lang ito noong kunin ako nila lolo't lola," pagkuwa'y pag-uumpisa niya. "Kayo po ang narito noong... dumating si Astex sa buhay namin. Matanong ko po, wala na mang kakambal ang kapatid ko, ano?" tanong niya.

Natigil sila sa tapat ng lamesa sa kusina. Naguguluhan siyang nilingon ng ginang. "Anong ibig mong itanong? Na may nawawala kang kapatid?" balik tanong ng ginang.

Napapangiwi siyang tumango.

"Pinapatawa mo'kong bata ka. Sa tingin mo ba'y hihinto sa paghahanap ang mga magulang mo kung sakaling may kakambal nga ang kapatid mo? Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon ng mga magulang mo, ano?" ilang beses na napailing ang ginang.

"Simula nang makasal ang ina mo sa papa mo, wala na siyang ibang hiniling kundi ang magkaroon ng kahit isang anak lang, kahit isa lang..." pagkukwento ng ginang.

Umupo muna ito sa upuan bago itinuloy ang sinasabi. "Hindi niya aakalaing darating ka sa buhay nila, isang araw. Hindi mapapantayan ang galak sa mga labi ng iyong ina sa mga sandaling iyon, tandang tanda ko pa.

"Hindi niya inakalang mabibigyan siya ng anak ng ama mo. Oo nga't playboy noon ang ama mo ngunit kahit kailan ay hindi niya nagawang mahalin ang ina mo, totoo iyan. Ipinagkasundo lamang sila ng iilang papeles. Ilang taon matapos kang isilang, naging workaholic uli ang iyong ama ngunit alam nating lahat na mahal na mahal ka no'n higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho, higit pa sa pagmamahal niya sa dating nobya.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now