Chapter Seven: "Hurtful words from my Dad"

20 18 4
                                    


"Momshie! Totoo bang narito nga si Sir Jacent?"

"Totoo nga bakla! Naku, nasisiguro ko, galit na galit iyon!"

"Hala naman! Galit si Sir, paano 'yan? Pumangit ba Momshie? Nagtransform ba into dragon? Oh, no!"

"Baklang 'to, oh! Tumigil ka, may nasampulan na si Sir," sabat ng isa pang stuff, nagbabanta.

"Anong chismis, teh? Nasampulan ng alin at sino?"

"Si Dexter, pinatanggal ni Sir kani-kanina lang. Nandoon nga siya ngayon sa office ni Manager eh, iyak ng iyak. Hamakin mo, dinagsa ng tao ang shop natin kanina, saktong sinabi ni Sir na tanggal na nga si Dexter sa trabaho."

"Ayy? Buti nga sa Dexter na 'yon, teh! Ang maldita kasi saleslady lang naman. Alam mo teh, interesting 'yang chika mo, sige, ituloy mo. Ano bang ganap, hah?"

"Kasi kanina, namili rito si Ma'am Astex. Hindi namin nakilala kasi naman, si Ma'am, iyong suot niya pang...pang basta! Pangbasahan! Tapos iyon na nga, pinili ni ma'am 'yong new arrival sales natin at latest design pa from our top designers. Ayon, napansin ata siya ni Dexter may kung anong pinagsasabi ang bruhildang iyon kay ma'am, hamakin mo napaiyak si ma'am dahil sa hiya!"

"Ang sabihin mo, hinusgahan niya si ma'am dahil sa suot nito. Ika nga ng lahat, don't judge the book by its cover cause we sometimes surprise once we see what's inside of it, kaya ayan, nakita nga natin kung paano siya ipinahiya ni Sir. See what's inside the book? It's a lesson, girl. Kaya kung ako sa inyo, bumalik na kayo sa trabaho niyo at baka tayo pa'y madamay sa galit ni Sir."

"KJ naman nito, ito na nga, babalik na. Hindi lang makapaniwala ang bakla, gusto ko kayang makita si Sir ng personal. The president of the famous clothing company is here in our shop, god! Hihimatayin ako!"

Puro bulungan ang naririnig niya ng makalabas sa silid na iyon. Tila mga ipis ang mga itong nagsialisan nang makita siyang nakatayo roon. Nasisiguro niyang literal na takot ngayon ang lahat sa kanya.

Sinenyasan niya ang isang stuff na lumapit, inutusan niya itong tawagin ang branch manager ng boutique na ito na pagmamay-ari din naman ng pamilya nila.

Over thirty branches na ang Fernandez's Boutique, ang main business ng family nila. Nasa clothing industry naka-focus ang Dad niya, ito ang nag-poprovide ng demand para sa kanilang business. Sa totoo lang, hawak nila ang maraming bilang ng mga sikat na designer sa ibang bansa.

Their products were all imported brands at high class pa. Pinasok niya ang fashion industry kahit pa hindi ito ang gusto niyang negosyo ngunit dahil ito ang family business nila at siya ang tagapagmana nito kailangan niyang itaguyod ng maayos ang nasimulan na ng ama niya't ina.

Sa negosyong ito napunta lahat ng pawis ng kanyang ama, ayaw niya itong masayang. Ang kanya namang kapatid ay noon pa lumayo sa negosyong ito, pinili nito ang kusina. And speaking of who, mabilis niyang tinungo ang control room ng boutique nila.

Nasisiguro niyang nakuhanan ng CCTV ang ginawa nila sa loob, ngunit hindi nangangahulugang may meron ring camera sa loob ng fitting room. Mabilis niya itong binura, mahirap na, baka kumalat. Buti na lang, walang bantay ang control room, walang nakakita sa ginawa nila.

Tagaktak ang pawis ng branch manager nang humarap ito sa kanya. Unti-unti nang humupa ang galit niya ng dahil sa nangyari sa loob. Mahinahon niya itong kinausap, pinapaalalahang gawin ng tama ang trabaho nito.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now