Chapter Five: "Oh my shame!"

21 19 3
                                    


BUONG ARAW na lutang ang diwa ni Astex. Bagaman sumipag sa trabaho, halata naman ang pagiging lutang niya. Napapansin ito ng ilang stuff ng kanilang resto. Ngunit binalewala lamang nila ito.

Nang sumapit ang tanghali, bigla na lamang siyang sinundo ng kanyang kuya. Hindi niya alam kung bakit. Aminin man niya, inaasahan niya nang pupunta ang kapatid sa resto ngunit hindi gano'n kaaga.

"Goodnoon, Sir," halos sabay-sabay na bati ng mga stuff sa kakarating lang  na bisita, ang kanyang kuya.

Tumango lamang ang binata. Agad itong dumeretso sa opisina niya. Agad siyang nagtaka, mula ulo hanggang paang sinipat ang kapatid. Why is he balot na balot like balut?

Ibinalik niya sa loptop na kaharap ang paningin, nagpapanggap na hindi niya ito napansin. Habang ang kapatid naman ay prenteng sumandal sa likod ng pinto, nakaangat hanggang tuhod ang isang paa na nakapatong sa kabilang binti. Nakalagay sa pangharap na bulsa ang isa nitong kamay at ang isa ay nakahawak sa phone nito.

Tutok na tutok siya sa ginagawa, kahit pa wala na ro'n ang kanyang atensyon. Mabilis na nag-angat ang magkabila niyang balikat nang tumunog ang teleponong nasa gilid.

Nagmamadali niya itong sinagot. "Fernandez's Restaurant speaking, what can we do po?" pormal niyang sagot rito sa kabila ng panginginig ng boses. Magkakasunod siyang lumunok nang hindi agad sumagot ang kausap.

"Do your punishment, My dear manager," namamaos ang malalim nitong boses na dumodoble sa pandinig niya. Mabilis na lumipat sa kapatid ang paningin niya. "Kuya!" gulat pa niyang singhal.

Bumuntong hininga ang kapatid saka binaba ang hawak nitong phone. Tumutok sa kanya ang kulay dagat nitong paningin. Agad sumipol ang ngiwi sa labi niya. Marahang ibinaba ang tawag pagkatapos ay isinara ang loptop na kaharap. Kuya is seryoso about sa punishment nito. Napalabi siya sa sariling isipin.

"Goodnoon, huh?" salita nito. Ngayon ay prente itong nakaupo sa sofa ng kanyang opisina. Napapalabi siyang sumandal sa swivel chair na kinauupuan.

"What? Aren't you speak?" masungit nitong sabi.

"Eh, sorry na agad, Kuya. I didn't sadya-sadya it naman. Mom kasi, makulit," tugon niya.

"Wala pa nga, umamin ka na." Jacent suddenly smirk. "It's okay, by the way. Just do my punishment, do we have a deal?" pagkuwa'y dagdag nito.

"Yeah, oo na," pagtanggap niya sa parusa ng kapatid.

"Mmm.... May lakad ba kayo ngayon ng mga... friends mo? Are they okay?" tanong nito.

Natigilan siya. Syempre, hindi pa okay ang mga kaibigan niya, lalo na si Faion. Ngunit wala siyang balita kung ano na nangyari matapos ang nagdaang gabi. Hindi niya pa nakakausap ang dalawa, nag-aalinlangan siyang tawagan ang mga ito.

"Wala naman..." malungkot niyang tugon. "Nakakalungkot lang, they didn't even bother to tawag me," hindi niya inaasahang isasatinig ng lalamunan niya ang kanyang iniisip.

"You can call them, conyo stupid. You also have phone, it isn't valid reason if you tell your self you don't have enough load to call them," ang kapatid ang tumugon.

Tumayo ito, dahilan upang tingalain niya ang tangkad nito. "Come on, let's go to mall particularly to your favorite boutique," anyaya sa kanya ng kapatid, ang kamay ay nakalahad sa harapan niya.

Napako ang paningin niya sa tipid nitong ngiti, dahilan upang hindi siya agad nakasagot. Jacent tilt his head, "What? Aren't you coming...with me? Wait,  have you eaten your lunch already?" sabi nito nang hindi binabawi ang kamay na nakalahad.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now