Chapter Three: "How can it be?"

26 21 2
                                    


NABIGLA siya sa sariling sinabi. Agad din naman siyang nahimasmasan saka ito binawi. “I’m.. I'm just out of my senses.” Inilihis niya agad ang paningin mula sa kapatid.

“You must eat now, anong oras na hindi ka pa kumakain. Go there and eat....with your friends.” Aligaga siyang tumayo mula sa kinauupuan. “May tatawagan lang ako, doon na ako sa labas,” palusot niya at dali-daling lumabas. Nagawa niya pang ngitian ang dalawang kaibigan ni Astex na nagsisimula nang kumain.

Naiwan namang naguguluhan si Astex.

How great, Jacent, how great! Puna niya sa sariling asal. Now what, you're like idiot shit! Patuloy niya, pinapagalitan ang sarili.

Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang phone  mula sa bulsa kasama ang susi ng kanyang sasakyan. Sasaglit muna siya sa malapit na coffee shop.

“Hello?! Damn who ever you are!” bungad sa kanya ni Klyson nang nagpasya siyang tawagan ito, matalik niyang kaibigan ang huli.

“It’s me, Jacent,” matamlay ang boses na pagpapakilala niya.

“Oh? Hi, Jacent! What's you need?” agad napalis ang galit mula sa boses ng kaibigan. Narinig niyang napapahikab ang lalaki, siguro'y naistorbo niya ang tulog nito.

“Uhm.... Nothing, dude,” mababakas pa rin ang lungkot mula sa boses niya. “I just want to tease you, old brat,” dagdag niya, nakaangat ang isang gilid ng labi.

Shittap, Jacent,” asik ng nasa kabilang linya.I know who you want, is it my big bro or ate Jahreya?” deretsong tanong nito.

Kaibigan niya ang nasa kabilang linya ngunit kaedad nito ang kapatid niyang si Astex, bagaman, hindi siya nito matawag na ‘Kuya’.

“Both of them, old brat,” matamlay niyang tugon.

“Kuya Clyston is with ate Jahreya at this time, I'm not sure where they are. I'm still here, in the philippines,” tugon nito. Alam niyang bumalik rin sa L.A. ang kuya ni Klyson, kasama ni Jahreya.

“Kamusta sila?” tanong niya, gamit ang wikang Tagalog.

“They’re fine...” tugon nito.  “You didn't bother to ask ate Jahreya, huh? You don't want to know that she's with my brother right now? That's why you bother me at this hour, it's f/cking late hours, you disturb me, didn't you?” nang-aasar na dagdag nito.

Tinawanan niya lamang ito. Ang kuya ng kausap ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jahreya. Sa mga panahong nobya niya ang dalaga, hindi niya namalayang nagkakagustuhan na pala ang dalawa, sa kapatid pa talaga ni Klyson. Naiilang siyang tawagan si Clyston, kanina lang nagkaroon ng closure sa pagitan niya ng dating nobya at ngayon ay magkasama ang dalawa. Sa tingin niya'y nagliligawan ang mga ito. Ayaw niyang makaabala sa oras ng dalawang....kaibigan— kay Clyston at Jahreya.

Such a bastard, Jacent!” singhal ng sa kabilang linya ng patuloy parin siyang tumatawa. “Sorry, old brat,” natatawa niyang tugon. “Napasarap ba ang tulog mo?” asar niya dito, inililihis ang usapan.

Tahimik niya namang ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng Coffee shop saka pumasok sa loob habang kausap parin ang kaibigan.

“Really, huh? Tagalog, do you think I can't understand you?” ani Klyson, alam niyang nakakaintindi ito ng Tagalog kahit pa lumaki ito sa ibang bansa.

“Old brat, bigyan mo’ko ng magandang advice ngayon. Psh, inagaw kasi sa'kin ng kuya mo ang girlfriend ko, pahingi namang advice mula sa kapatid, oh,” seryosong pakiusap niya. Hindi na ito tungkol sa dating nobya kundi tungkol sa nangyari kani-kanina lang.

Default Title - Write Your OwnTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang