Chapter Nine: "Attacked by Pigs"

31 18 5
                                    


AYAW PA niyang imulat ang mga mata. Ngunit malakas ang pakiramdam niyang may nanunuod sa kanya habang natutulog. Did my laway flow ba palabas ng mouth ko?

Bigla namang pumasok sa isipan niya ang mga horror movies na napapanuod. Maybe o baka isang momo ang nagwawatch sa'king magsleep? Bigla ay natakot siyang buksan ang mga mata.

Hindi niya alam ngunit tila nanginig ang isa niyang kamay na nakapatong sa kumot. Marahan niyang ibinuka ang mga mata. Napamaang siya siguro'y nananaginip lang siyang may nanunuod sa kanya.

Ang may kalakihang chandelier sa kisame ang namataan niya. Gusto niya uling bumalik sa pagtulog. Agad niyang niyakap ang unang nasa gilid kasabay ng pagpihit ng katawan niya sa direksyon iyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa gulat, bigla ay napabangon siya. Oh great! My buhok is on mess!

Galak namang tumawa ang taong nabungaran niya sa gilid ng kama. "Ang pangit mo, Astex!" sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

Alam naman niyang malikot siya kapag tulog, paniguradong nagtatayuan ang iba niyang buhok at ang sagwa ng mukha niya kaya tawang tawa ang kapatid.

Napanguso lang siya, ayaw niyang magsalita. Baka may panis pang laway sa mukha niya. Tinungo na lamang niya ang sariling bathroom pero bago iyon ay mahina niyang binangga ang kapatid, tumihaya tuloy ito sa sahig habang tawang tawa parin. Hmp! Buti nga sa'yo!

Pabagsak niyang isinara ang pinto sa bathroom. Mabilis siyang nag-toothbrush saka naghilamos ng mukha. Hindi pa man siya nakakalabas ay kumatok na ang kapatid. Hinayaan niya lang ito, naka-lock naman ang pinto kaya alam niyang hindi ito makakapasok.

"Take a bath, baby. May pupuntahan tayo," sabi nito sa likod ng pinto.

Hindi pa man siya nakakasagot ay narinig na niya ang mga yapak nito palabas ng kanyang silid. Tulad ng sabi nito'y naligo nga siya. Ilang minuto ang itinagal niya sa loob ng silid bago lumabas papuntang hapag.

Naabutan niyang nagkakape ang Kuya habang may nakahanda nang almusal sa lamesa. Agad itong lumingon sa kanya nang may magandang ngiti sa labi.

"Good morning," ani Jacent.

Tinanguan niya lang ito saka umupo sa upuan. "Why you're in my room kanina?" agad niyang usisa.

Napansin naman niyang wala ang kanilang ama, silang dalawa lang ang naroroon.

"Ang tagal mo kasing gumising anong oras na, oh. Hindi bale, kahit nagmumukha kang clown pagbagong gising," bahagyang ibinitin ng kapatid ang sasabihin at pasimpleng lumapit sa bandang tenga niya. "....I'm still in-love with you, mahal parin kita, Astex. Kumain ka na," pilyong dagdag nito.

Sinamaan niya nga ng tingin, ayon at tahimik na natawa ang kapatid. Malungkot ang matang napatitig sa silya ng ina ang kanyang mata, hindi man lang siya nakapagpaalam rito.

"Maagang umalis si Mom. Masama ang loob kay Dad. Hayaan mo, ibinilin naman niya sa akin ang gusto mong mangyari ngayon. At si Dad? Panigurado, nasa opisina niya siya. Alam mo naman, iyon na ang pamilya niya noon pa man," kalmadong puna ng kapatid sa napansin niya.

Nanahimik parin siya, wala siya sa mood magsalita. Sariwa pa rin sa ala-ala niya ang nangyari kahapon. Walang ganang kumain siya ng almusal. Hinayaan na rin lamang siya ng kapatid.

Naiisip na naman niya kung ano ang silbi ng mansion nila kung silang dalawa lang naman ang buhay rito—idadagdag ang mama Zeska niya, bale tatlo silang naririto.

Default Title - Write Your OwnWo Geschichten leben. Entdecke jetzt