PART TWENTY-ONE: Two Truths, One Lie

67K 5.7K 9K
                                    

THIRD PERSON POV.

Hindi mapakali si Howell at kanina pa pinakikinggan ang recordings na isinumite ni Reign kagabi.

Sa pag-t-transcribe niya ay ilang mga kataga ang kanina niya pa binabalik-balikan.

"Queen..." bulong niya. "Will you be my Queen? You are my Queen after all. Queen. Queen. Queen."

Bumuntong-hininga siya at binulugan ang salitang 'Queen.'

"May ibig ba siyang sabihin sa Queen? Hint na ba 'to or what?" nilamukos ni Howell ang mukha at sumandal sa head rest. "Trust issue please lang, lumayo ka na sa 'kin. Kahit katiting na bagay suspicious na sa 'kin. Huminga lang 'yong mga bata, may kahulugan na. Please lang."

Natigil siya sa pagka-usap sa sarili nang bumukas ang pinto at pumasok si Jax.

"Good morning, brad. Kumusta?" tanong nito sa kanya at umupo sa upuan nito.

"Stressed. Oo nga pala, may dumating na package sa 'yo. Nasa ilalim ng keyboard mo."

"Oks," sagot ni Jax at nang makita iyon ay bahagyang nagulat.

Napansin iyon ni Howell.

"Brad, ano 'yan?"

"Wala," sagot ni Jax. "Just...you know, some private things."

"Private enough for you to hire investigators just to acquire that?" Howell snapped back.

Napatayo si Jax at tiningnan kung may iba bang nakarinig ngunit nang mga panahong iyon ay sila lang ang tao.

"What exactly are you up to?" Howell whispered at him, concerned.

"Binuksan mo ba 'to?" matalim na tanong ni Jax.

"No, of course not."

"Good," sagot ni Jax at muling kinuha ang coat. "Pupunta ako kay Hale. Give me an update about the recording 'pag balik ko."

"Jax, hindi mo ba sasabihin sa 'kin kung ano 'yan? We've been friends for almost a decade, partners pa. Ngayon ka pa maglilihim sa 'kin?"

"It's something personal, man," sagot ni Jax. "I'll be back by noon."

Bago pa makapagsalita si Howell ay lumabas na ito ng office at iniwan siyang mag-isa.

Pinanood ni Howell ang kaibigan na unti-unting nawawala sa paningin niya.

And it was the first time in the span of ten years that he found himself suspicious of him...

---
REIGN.

"Alam n'yo, pumapasok na lang talaga ako para sa recess."

Natawa si Missi at Braelyn sa sinabi na 'yon ni Reese. Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon at kumakain.

Kanina ko pa nga hinihintay ang sagot ni Prosecutor Jax kung under na ba ng suspect's list si Lyle pero wala siyang sinasabi. Ang sabi lang niya ay mag-aral ako at kung may malalaman ay ilagay sa Progress Report.

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon