SEASON 2 PART 11

20.8K 1K 789
                                    

A/N:

Catch Me, Attorney Season 1 is up for pre-order! Yes, may physical book na siya. Visit LIBOfficial on Facebook for more information.

Save your copies, unveilers!

———

REESE.

Nasa West Carson University siya ngayon at nakaupo sa registrar's office. Pinapanood niya si Grey na kinakausap ang babae sa registrar, pinapakiusapan na hayaan siyang mag-enroll kahit sobrang late na.

For some reason, she decided to enroll. Nagising na lang siya na feeling insecure sa mga batch mate niya at bigla siyang natakot na mapag-iwanan.

She went directly to West Carson University para mag-enroll. Hindi siya nagsabi kahit kanino, except sa kuya niyang si Ivan, na mage-enroll siya.

Ang kaso nga lang, ayaw siyang tanggapin ng registrar's office at ng admission kasi nga sobrang late na raw siya. Puwede raw siyang mag-enroll but in the next semester na.

Of course, hindi siya pumayag. Nangulit siya nang nangulit pero hindi umubra ang powers niya sa kanila. So, si accla nanghihinang lumabas ng building at gustong manakit.

Nag-iisip na siya kung magpatayo na lang kaya siya ng bagong university na kakalaban sa West Carson at pabagsakin itong school na 'to para regret nila na hindi nila siya pinag-enroll?

Sari-sari na ang naiisip niya nang bigla niyang makasalubong si Grey. For some reason, medyo iniiwasan na niya ito. Nagtakip pa nga siya ng mukha para hindi siya nito makita, but it was too late. He was already in front of her when she covered her face with her palm. Mukha lang siyang tanga.

When he asked what she was doing here, hindi na siya nagsinungaling pa. Instead of showing sympathy, tinawanan lang siya nito at ginulo ang buhok niya.

"'Wag mong guluhin ang bangs ko or else you're dead!" banta niya rito.

"Ipalibing mo na lang ako," ganti ni Grey at natatawa pa.

Grey went back with her to the registrar's office and admission's office. Kanina pa siya nakikipag-usap sa mga ito at pilit na nangungulit.

"E, sobrang late na talaga siya," sabi ng isang babae roon. "Hindi namin siya pinage-enroll for her own sake rin naman. Sobrang layo na ng lessons ng iba at baka siya lang din ang mahirapan."

"I understand, but the Reese Turner I know is hardworking. Kayang-kaya niya pong humabol, I assure you."

Sumimangot si Reese.

"Huh, 'di nga ako gumagawa ng project, paghahabulin pa ako?" bulong niya sa sarili.

"And, if you would give her a chance, I promise, she won't disappoint us. Tutulong po ako para makahabol siya."

Nag-usap pa sila at may tinawagan ang babae sa telepono. Medyo matagal ang naging usapan nila. Maya-maya lang ay lumingon sa kaniya si Grey. Saktong humihikab pa siya kaya anlaki ng buka ng bunganga niya.

Bahagyang natawa si Grey at ganoon din siya.

"Miss Turner?" tawag sa kaniya ng babae mula sa office.

Bigla siyang napatayo. "Po?"

"Say thanks to Mr. Finch, makakapag-enroll ka na today. Welcome to West Carson University."

Matapos niyang mag-enroll ay pareho na silang naglalakad ngayon ni Grey sa campus. Hapon na rin at papalubog na ang araw.

"Saan ang punta mo ngayon niyan?" tanong ni Grey sa kaniya.

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon