EPILOGUE

73.8K 5.4K 17.4K
                                    

REIGN.

"Game Over..."

Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay hindi ko malaman ang mararamdaman ko. It was fulfilling to avenge Grey but I kind of felt bad. Pero sa tuwing naaalala ko kung paano niya iyon ginawa, na wala siyang pakialam kung ano man ang magiging epekto ng ginawa niya sa ibang tao as long as mag-b-benefit siya, nananaig ang galit sa akin.

No, hindi ako bumaba sa level niya. Hindi rin ako naging katulad niya. Minsan, kailangan natin ipamukha sa ibang tao kung gaano kasama ang ginagawa nila para matauhan sila. Being nice and matured may be the best thing to do, but definitely not all the time.

Everleigh was still on the floor, looking at me with anger and fear in her eyes. In a sudden, the smirk on my lips faded. I turned serious as I stood up. I was done.

"Pitiful," I mouthed while looking at her. Tears built up in her eyes more when she understood it.

From that moment, I turned my back and walked away. Rinig ko ang pagkakagulo ng mga estudyante habang naglalakad ako paalis at hindi sila nililingon. Naroroon din ang ingay mula sa mga school personnels na pilit inaawat ang mga estudyante, gayon din ang mommy ni Everleigh na pilit siyang hinihikayat.

When I was one step away from the door, I heard Everleigh shouted my name. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya nilingon.

Tuluy-tuloy ako sa paglalakad hangga't marating ko ang hagdan. Rinig na rinig ko ang papalapit na mga yabag. Just as I expected it, Everleigh followed me. Hinila niya ang braso ko paharap sa kaniya.

"Ikaw 'yon, ano?" Tanong niya at nanlalaki ang mga mata sa galit. "Ikaw ang may pakana n'on?!"

Tumaas ang boses niya pero hindi ako nagpatinag. Walang emosyon ang mukha ko at bored lang ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"I know you," mariin na sabi ni Everleigh. "ALAM KO ANG UGALI NG MGA KAGAYA MONG—"

"Kagaya kong ano?" Putol ko sa kaniya. Kalmado ang boses ko ngunit nanghahamon. "Everleigh... sa kahit anong anggulo... mas lamang ako sa 'yo."

Her lips parted. She didn't expect that I will fight back.

"I get it. Kailangan mo 'yong award na 'yon para makalaya sa mommy mo. Pero ilang tao ang sinira mo para roon? I pity you, I do. Pero maling-mali ang ginawa mo," pagrarason ko.

"Maling-mali?" Dumiin ang pagkakahawak sa akin ni Everleigh. "Do you think you're better than me? Ginawa mo rin 'yong maling ginawa ko. You're no different from me, you self-righteous bitch."

Tumingin ako sa gilid at mapangutyang ngumiti. "I'm no different from you?"

Tiningnan ko ulit siya sa mga mata at sumeryoso.

"You expose people to lift yourself up. I expose people to punish the evil and to defend the voiceless. You and me... we're not the same," tugon ko.

Matalim na tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

"You are always behind me, Everleigh," I followed. "Accept it."

Lalo siyang namula sa sobrang galit. Sa isang iglap, akmang sasampalin niya ako nang mabilis kong nahuli ang kamay niya at itinalikod siya at idinikit ang mukha sa pader. Napahiyaw siya sa sakit.

"You will never get away with this, Reign," sabi ni Everleigh. "Tingin mo matatanggap ka nila kapag nalaman nilang undercover ka? Na asset ka? Tingin mo gugustuhin ka nilang maging kaibigan? Na all along, mission mo lang sila?"

I looked at her, and she was desperate.

"Kung babagsak ako, isasama kita," banta niya. "Isasama ko kayong lahat!"

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon