PART TWENTY-SIX: Remember The Mark

57.8K 4.8K 6.8K
                                    

THIRD PERSON POV.

"Tang inang buhay 'to..."

Halos masuka ang mga awtoridad sa nadatnan. Isang lalaking preso ang natagpuang patay sa palikuran ng isang popular na bilibid sa bansa.

"Ang baho! Nasusuka ako! Langya!"

Hindi na natiis ng isa ang amoy ng nabubulok na kalamnan kaya ito'y patakbong lumabas bago pa itong tuluyang maduwal.

Habang ang lahat ay diring-diri sa nakitang krimen, isang babae ang nakatindig at pinanunuod ang forensics sa pagkuha ng kung anumang samples ang kailangan ng mga ito. Hindi makikitaan ng pandidiri ang babae. Kung susuriin, galit ang makikita sa mga mata nito.

Her name is Hazel, ang senior detective na nakatoka sa kaso ng lalaking nasa harapan niya ngayon na isa nang bangkay.

Ayon sa ulat, ang lalaking ito ang nagtangkang pumatay kay Hale Parker, anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa, para hindi ito makapagsalita tungkol sa kasong kinasasangkutan nito—ang pagpaslang umano nito sa sariling guro.

During her investigation, she found out that Hale was a West Carson High student. At ang kaibigan niyang si Howell ang nag-h-handle naman ng kaso ni Hale. Nang malaman niya ang koneksiyon ng kaso nila ay nakipagtulungan siya kay Howell at sa kaibigan nitong si Prosecutor Jax.

Gaya niya, tingin ng dalawa ay inosente si Hale kaya ito gustong mawala upang tuluyang manahimik. Nang malaman niyang isang tao ang nakipag-unayan sa asawa ng lalaki upang patayin si Hale ay agad niya itong pinamanmanan.

Ngunit huli na ang lahat. Nagawa na ng lalaki ang krimen, napangakuan ito ng parole, at nakatakas ang babae at pumunta na ng Palawan.

Alam nilang sa ganitong kaso ay mayroong hindi natutupad. The man saw the devil's face and it earned him a one way ticket to hell. Earn money by crime and you'll lose your life by crime.

Lumapit si Hazel sa katawan ng lalaki. Nilalangaw na ito at naliligo sa sariling dugo. Nang madatnan pa nga nila ay napapaligiran na ito ng mga daga.

Hinarang siya ng isang lalaki at pinakita niya ang badge niya. Pinaraan siya nito at pinayagan ng forensics na siyasatin ang bangkay.

Hazel squatted in front of the corpse and covered her mouth out.

"Good grief..." bulong niya nang makita ang butas nito sa hita, balikat, at noo.

"Careful lang, ma'am. Baka matuluan ng pawis n'yo," sabi ng isang taga forensic sa kanya.

Hazel stood up. Napahawak siya sa ulo niya at hindi malaman ang gagawin. If it weren't even because of her, Howell, and Jax, hindi madidiskubre ang bangkay nito. Tatlo silang pumunta roon pero hindi pinapasok ang dalawa dahil hindi nito dala ang badge at ID nila.

"Hazel, okay ka lang?"

Napatingin siya sa tumawag at ang senior niya iyon. Hazel nodded but it was obvious that she was stressed out.

"Sir, this shit just... doesn't add up," sabi niya. "Bilibid na ito at napakaraming pulis. How can...how can a crime happen here?!"

"I know you're frustrated, that's given. Go home for now. I'll handle this," sabi nito sa kanya.

"Hindi pwede, sir. Trabaho ko 'to—"

"I know but you seem restless. Besides, your father called in. Nag-aalala na ang mga tao sa inyo, hinahanap ka na rin ng anak mo."

Hazel sighed. "I...I'll call to notify them—"

"Hazel, listen. Go home and take a rest, okay?" mariin nitong sabi sa kanya. "Bukas...haharap ka sa media. The news about this will blow up. You need enough energy for that so listen to me and go home. Ako na ang bahala rito."

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon