PART TWENTY-THREE: Ivan's Little Secret

73.9K 5.5K 12.1K
                                    

THIRD PERSON POV.

"Grey..."

Hindi makapaniwalang nakatitig si Howell kay Grey. Hinding-hindi siya nagkakamali. Kilala niya ang mukha nito—mula sa tangkad, sa mata, maging ang tindig. Ilang buwan na niyang pinag-aaralan ito at ang mga kaklase nito kaya't alam niyang hindi lang siya namamalik-mata.

Habang dinadakip ng mga pulis ang lalaking nagwala sa ospital ay ilang segundo silang nagkatitigan ni Grey.

Out of all his personal suspects, Grey was his least suspected one. That's why seeing him now after what just happened to Hale, he felt like he was getting sick.

Grey was smirking at him. Tiningnan nito ang nagkakagulong mga pulis at nang bumalik sa kanya ang tingin nito ay doon unti-unting nawala ang pagkakangisi nito.

Ibinaba ni Grey ang hood ng hoodie niya, sapat para matakpan ang mga mata niya. Bahagya din nitong itinaas ang salamin gamit ang isang daliri. Ngumiti ito ng tipid bago tumalikod at tuluyang naglakad papalayo.

Animo'y nanlambot si Howell at nabalisa. Hindi niya malaman ang gagawin. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya at sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib niya ay pakiramdam niya, mawawalan na siya ng malay.

"Sir! Sir!" rinig niyang tawag ng nurse sa kabilang linya. Rinig niya ang tunog ng makina mula roon.

Doon din niya napansin ang mga doktor kasama ang ilang nurse at ang dalawang pulis na supposedly ay bantay ni Hale. Kumakaripas ang mga ito ng takbo paakyat.

"May nakakita pong pumasok sa loob kanina!" rinig niyang sabi ng nurse. "Nakasalamin daw pong bilog at itim na hoodie—"

Dumulas ang phone mula sa kamay ni Howell nang marinig iyon habang pinanunuod si Grey na naglalakad papalayo.

Hoodie.

Specs.

That's it. That's him, bulong niya sa sarili.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkakataong iyon. Nangangatog man ay nilakasan niya ang loob at sinimulang habulin ito.

"HOY! TUMIGIL KA!" sigaw niya habang hinahabol ito.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero hindi pa rin siya nililingon nito.

"GREYSEN FINCH!"

Nang lumingon ito ay hinablot niya ito sa balikat at pwersahang inilagay ang kamay nito sa likod.

"D-Detective," gulat nitong reaksyon. "Bakit po?"

"'Wag ka nang sumagot," sabi niya at kinakapa ang posas sa bulsa niya. "May nakakita sa 'yo."

Kumunot ang noo ni Grey at nang makita ang posas ay doon ito pumalag at umalma.

"Teka ho, teka lang," sabi nito at pilit na lumalaban. "Ano bang ginawa ko? Anong nahuli? Detective, saglit!"

Ngumisi si Howell at pinuwersang muling ilagay ang mga kamay ni Grey sa likod nito.

"Do you think no one would know?" tanong ni Howell.

"Ano ba kasing ginawa ko?!" bahagyang tumaas na ang boses ni Grey. "Let me know why I am getting arrested, at least!"

"You have the right to remain silent—"

"Ano ba!" sagot ni Grey. "Detective, nasasaktan na 'ko. Teka—"

"Grey? Howell?"

Pareho silang napaharap. Si Jax iyon at naguguluhan na nakatingin sa kanila.

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon