SEASON 2 PART 12

20.6K 991 461
                                    

THIRD PERSON POV.

Nagsimula na ang klase at iyon ang kinakatakot ni Reese. Since ito ang first day niya sa college at maghahabol pa siya ng requirements, she could't help but to feel anxious.

What if pagtawanan lang siya?

What if mahirapan siyang makihalibilo sa kanila dahil may bond na ang klase bago siya dumating?

What if i-bully siya roon at dahil hindi naman siya papayag sa ganoon, lalaban siya at makasira pa ng mukha?

There were loads of 'What ifs' that were filling her in. Pero taliwas ang lahat sa naging first day niya.

It went smoothly. The professors were nice, her classmates were awesome. Isama pang kaklase niya si Grey, Missi, Reign, Everleigh at Lyle sa ilang subjects. Nakita niya sa listahan ng klase si Levi at Nash pero absent ang dalawa. She didn't feel she was an outcast at all. 'Yon nga lang, kaklase niya si Hale. Medyo papansin sa klase.

Nang unang break ay hindi malaman ni Reese sng gagawin. Nagpaalam sa kaniya si Missi. Uuwi na raw ito at antok na antok kasi.

"Girl, nakaka dalawang subject pa lang tayo today, uuwi ka na?!" hindi niya makapaniwalang tanong dito.

Humikab si Missi. "Hindi ko na talaga kaya. Antok na antok na ako, uuwi na talaga ako."

"Paano kung may gagawin pala mamaya?" tanong ni Reese. "Edi babagsak ka niyan?"

"Wala na akong pake. Mag-take man o hindi ng exam, bagsak pa rin naman ako. Kaya n'yo 'yan, ganda na lang ambag ko sa lipunan."

"Missi naman!" reklamo ni Reese at pilit ito sinusundan. "Iiwanan mo talaga ako rito, on my first day?!"

"Anong magagawa ko? Yawn ako nang yawn, kulang na lang pumasok buong classroom sa bunganga ko, 'no. Hindi ko na talaga kaya."

"Sige, hayaan mo na lang ako rito. Tandaan mo 'tong araw na 'to," nakaismid na sabi ni Reese.

Natawa si Missi roon. "Go to Reign! Close naman kayo before, a?"

That's true. But seeing the situation now, Reese knew that getting close to Reign is quite impossible. Dahil nga naging suspect ito sa pagpatay kay Serene, everyone was talking about her. They were always looking, gossiping, and stalking her. Ayaw ni Reese ng gulo.

"Ayaw ko ng issue. 'Wag ka na kasing umalis. Bumagsak ka man sa quiz, at least bumagsak kang fresh, 'di ba?"

"Hindi ko na talaga kaya," sabi ni Missi at muling humikab. "Ang katawan ko nasa klase na pero ang isip ko nasa kuwarto ko na. Mukhang unan na nga ang prof natin sa paningin ko."

Umirap si Reese.

"If you want, go to—oh, he's here!"

Napalingon si Reese at pinanood nila ang isang lalaki na naglalakad papunta sa kanila. Katatapos lang nitong kausapin ang prof. It was Grey.

Ngumiti ito sa kaniya at naramdaman ni Reese ang bilis ng tibok ng puso niya. Agad siyang napatinging muli kay Missi.

"Buang ka ba?!" sabi niya rito.

"Bakit?" tanong ni Missi. "Friend din naman natin si Grey, a? Na-fall ka na?"

"N-No!" defensive na sabi ni Reese.

"Asus, then why are you blushing?" Missi asked.

"I'm not!"

"Kung hindi, then feel comfortable with Grey," sabi ni Missi. Doon na tuluyang nakarating si Grey. Parang nanigas si Reese sa kinatatayuan niya.

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon