PART FORTY-FIVE: What's Inside His Parcel?

72.6K 4.8K 11.3K
                                    

THIRD PERSON POV.

"Sumasakit nanaman ang ulo ko."

Tiningnan ni Howell si Jax. Nasa loob sila ng kotse niya at katatapos lang nilang pumunta sa ospital kung saan naka-confine ang ex ni Miss Jess.

"Bakit naroroon si Everleigh, of all places?" dagdag ni Jax. "Minsan nakakatakot na rin 'yong batang 'yon."

Hindi kumikibo si Howell at malalim ang iniisip. Nang hindi na makatiis ay hinarap niya si Jax.

"Sigurado ka bang hindi suspect 'yong lalaking 'yon?" tanong ni Howell at ang tinutukoy ay ang kapatid ng lalaking naka-confine. Nakausap ito ni Jax kani-kanina lang tungkol kay Miss Jess. Siya ang nasa CCTV at ang huling nakausap ng guro bago mangyari ang krimen nang gabing iyon.

"Why?" tanong ni Jax. "Suspicious ba siya para sa 'yo?"

Tumango si Howell. "You checked the CCTV footage. Siya lang ang hindi tiga-West Carson High na pumunta sa party. Kita pa sa footage na si Jess pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Kung tama ang theory mo na wala sa 12-A ang gumawa noon at frame up ang nangyari, siya ang fit na suspect."

"I know, I know," sabi ni Jax at halata na ang pagod sa boses nito. "Pero kita sa footage rin na inihatid pa siya ni Jess palabas. Jess was found dead on the spot later on. Hindi niya maihahatid 'yong lalaking 'yon sa labas kung 'yon ang pumatay sa kaniya. She was still alive when he left."

Kinuha niya ang phone niya at binuksan. Maya-maya'y ibinigay kay Howell.

"Ayan, tingnan mo. Ang rason niya, pumunta siya sa party kasi hindi niya ma-contact si Jess. May usapan daw sila na magkikita sila noong gabing 'yon pero hindi ito sumasagot sa kahit na anong tawag niya. Luckily, at that hour, she texted him to go there, in which he did. He confirmed na sobrang lasing nga si Jess nang gabing 'yon."

"E, ba't daw sila magkikita? Para saan?" tanong ni Howell.

"Sustento raw," sagot ni Jax.

"Sustento?" tanong pabalik ni Howell at kumunot ang noo. "May anak siya?"

Bahagyang natawa si Jax at sumandal sa head rest. "'Yan din una kong naisip, pero hindi. Sustento raw para sa kapatid noong lalaking pumunta sa party. Para daw doon sa lalaking comatose na binisita natin kanina. Apparently, ex ni Jess 'yon."

"Sabi ng nurse kanina halos dalawang taon nang comatose ang lalaki, does it mean two years na rin siyang nagsusustento?"

Tumango si Jax. "Siguro. I wonder why."

"Kinausap ko 'yong nurse kanina para malaman kung ano 'yong nangyari sa comatose na lalaki pero hindi raw sila puwedeng mag-disclose ng medical condition ng mga pasyente nila."

"So, anong ginawa mo?" tanong ni Jax at ngumisi. "I know you well, Howell. Hindi ka titigil basta-basta."

Ngumiti si Howell. "Kaya habang nasa room ka kanina, nagtanung-tanong ako sa mga pasyente na matagal nang naroroon. You know, crowd sourcing. Pati sa mga personnels, nakipagchismisan ako."

"I bet you got something, huh?" pang-iinis ni Jax.

"Well, thanks to my hunting and gathering skills. Hunting of the biggest chismoso't chismosa of that building and gathering the information."

"Hindi ganoon ang hunting and gathering, sira-ulo ka," sabi ni Jax at tumawa. "What did you discover, then?"

"Two years ago, nalaman kong na-confine 'yong lalaki dahil sa bugbog."

"Bugbog?!" tumaas ang boses ni Jax.

"Yes, bugbog," sang-ayon ni Howell. "Nakakagulat, 'no?"

"Na-comatose siya dahil sa bugbog?" dagdag ni Jax. "I bet head injury ang nangyari."

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon