Chapter 2: Agreement

10 0 0
                                    

Jake's POV

Ayumi? Di bagay sayo yung name. Fake boyfriend? Seryoso ba tong malditang 'to? Nabigla ako doon.

"Seryoso kaba? Fake boyfriend agad? Ilang days, weeks or months?" napatanong ako sa kanya.

"Hanggang sa mahulog ka  sa 'kin bakit? Ayaw mo non?, fake boyfriend ka ng campus crush tas tutor din kita". pagmamayabang niya

"Maldita nga lang..." bulong ko

"Punta ka sa amin mamaya. Hihintayin kita my dear tutor." Sabi niya at kumindat sa'kin paalis.

Teka ang cute niya kapag kumindat, pero wala akong paki masungit padin siya

Hinihintay niya talaga ako at nagsimula agad ang pagtutor ko sa kanya. Pumunta kami  sa bahay nila at grabe anlaki pala ng bahay nila.

"Dito tayo, gutom kana ba? kukuha muna  ako ng pagkain" tanong niya sa akin.

" ayoko kumain, let's get started" pagtatanggi ko.

"Bwesit ka, agad-agad?  Hays , oo nga pala sabi niya at umupo ito. Kinuha parin niya  ang libro.

Math talaga yung tinutor ko sa kanya. Tinuro ko sa kanya lahat ng mga lessons kanina. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ko, hindi ko alam na kanina pala nakatitig ito.

"Tapos iyan na yung sagot, naiintindihan mo ba?" Tanong ko habang tinuro ko sa kanya ang sagot

"uh- oo, sorry pala, pero may tanong ako. Maari mo ba tanggalin salamin mo? Gusto ko makita yung mukha mo talaga". Sabi niya

Ano kaya trip neto? At bakit gusto niya tanggalin ko yung salamin ko?

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang salamin ko. Inayos niya rin buhok ko. Ano bang trip neto? diko maintindihan

"Alam mo, tama siguro na ikaw naging tutor ko at fake boyfriend. Isa pa, wag kanang nerdy ha! Naiinis ako sa pagmumukha mo. Gwapo mo pala" pambobola niya, eh kung nainis siya dapat di niya ako palaging tignan no?

"Bakit? Crush mo'ko no?" Tanong ko bilang pang-aasar sa kanya

Bigla nagiba hitsura niya tinaasan niya ako ng kilay, sinasabi ko na nga ba may gusto talaga to sa akin eh, naglilihim lang amazona talaga tong babaeng to kahit kailan lakas ng topaks

Bigla niya ako hinampas sa braso ng napakalakas, aba sakit non ha? Amazona talaga tong babaeng to kahit kailan, boxingera ba to? lakas niya pa sa lalaki kung makasapak

"Kapal ng mukha mo. Tapos na pala tayo, pwede kaba bukas?" parang gusto niya akong ayain ah!

"Bakit?"

"Date tayo, ako mag-aayos sayo. Sige na uwi kana, ingat ka. Goodnight labyu, my dear tutor" sabi niya.

D-dear? Date? Jusko lord, ba't  may ganyanan pa? Argh! Pagbigyan ko na nalang kawawa naman baka maisahan pa ako neto, pero bakit bumilis tibok ng puso ko? Jake umayos ka

Ughh! mas lalong bumibilis tibok ng puso ko jusmiyo Jake umamin ka nga galing kaba sa exercise? Nakakainis kana ha isa

Ayumi's POV

Maaga ako gumising para sa date namin ni Jake. Nagbihis na ako at nagmake -up narin para sa kanya, hay nako ang kapal talaga ng lipstick ko huy Ayumi umayos ka. Teka asan na kaya yung nerd na yun?

"Sorry,I'm late". Sabi niya habang hingal na hingal siya.

Napatitig ako sa kanya. Infairness wala siyang suot na salamin ngayon tas ang pogi niya sa uniform ngayon.

SHET!!! ANGG GWAPOO NGG TUTOR KO!! SALAMAT PROF

"Tara, let's go! sa canteen tayo magb-breakfast." Sabi ko at pumunta na sa sasakyan.

"Sige akin na bag mo" kinuha niya bag ko.

Pagdating sa campus, naglakad kami at hinawakan ko ang kamay niya. Nagkatinginan ang mga studyante sa amin, ano problema niyo? gusto niyo dukutin ko mga mata niyo? echos lang hahaha, hanggang sa inakbayan niya ako. Shet ang ganda ko!

"They're staring right? Masanay kana." Sabi ko sa kanya

Dumiretso kami sa canteen, pero sinundan pa kami ng fans ko. Kalma ako lang to, campus niyo. Pumatong ako sa mesa ng canteen na parang may inaanunsyo.

"Okay, all of you! Im Ayumi Nishkita and this boy with me is my boyfriend, Jake Martinez." Pagpapakilala ko sa kanila.

Naghiyawan ang mga estudyante at kinunan kami ng picture

"Hoy, ba't mo ginawa yun? Paano kung malalaman ito ni prof?" tanong niya sa'kin.

"Takot kaba? Pumayag ka nga na maging tutor mo ako eh. May Kondisyon tayo diba". Sabi ko sa kanya

"Alam ko dahil sinabihan lang ako ni prof at para pumasa ka. Fake boyfriend mo lang ako diba?"

"Jake ano ba? Nakakainis ka! Oo matalino ka tas nerd ka, pero Jake nakonsenya ako sa mga sinabi ko sayo nung tinukso kita. Sorry ha, peeo gusto kita noon pa!" Sabi ko at bigla tumulo luha ko.

Bwesit diko napigilan sarili ko umamin sa kanya ang totoo, eh nahihiya talaga ako kasi ako famous ako dito sa school tas siya nerd

"What do you mean Ayumi?" Tanong niya

"Instead na ikaw sana dapat mahulog, pero bakit ako? I like you, Jake. Kahit di kita naging kaklase noong 4th year pa tayo"

"But Im just your tutor right? Tanong niya at umalis na ako.

Jake tanga kaba? Napaka tanga mo. Magkaroon ka naman ng pagtingin sa'kin

-DianneRae

My Dear TutorWhere stories live. Discover now