Chapter 21: broke

2 0 0
                                    

Ayumi's POV

Sobrang masakit ang nangyari sa akin. Walang araw na di ako umiiyak kakaisip kung ano nangyari sa relasyon namin ni Jake. Mahal na mahal ko siya pero tama paba ito? Tama paba ang lahat?

Hinanda ko ang sarili ko nagbihis ako at pumasok ako sa school. Hindi ako pwedeng magmukmok lang. Kailangan ko rin bumangon at hanapin ang sarili ko. Wag magpakatanga self kaya mo ito.

Nagbihis na ako at nagsuklay, hindi ko na nahantay si Kuya kasi palagi yun early pumapasok eh, kaya naglakad lang ako ng magisa.

Pag pasok ko saktong nakita ko si Jake na may ka holding hands na iba. Biglang tumulo ang luha ko at nadurog ang puso ko ng makita ko masaya na siya sa iba. Oo nga pala pinakawalan ko siya, kasalanan ko ito. Hinayaan ko na iwan siya ng ganon

Nilapit niya mukha ni Stella at naghalikan sila nito sa harapan ko pa talaga at parang masaya sila sa isa't isa. Umalis ako at umiyak sa gilid. Bwesit naman oo, tama na nga yan! wag kana umiyak

May biglang lumapit sa akin at binigyan niya ako ng panyo, pinagid ko luha ko, pag angat ko si Daryl pala

"Ayumi baka nakakalimutan mo magaling ako makinig ng kwento, ano ba problema mo?"

"Wala" tipid kong sagot

"Ayumi lokohin mo na ang lahat wag ako, kabisado kita alam ko kung may problema ka o wala. Bakit? Nag-away ba kayo ni Jake? Sinaktan ka ba ni Lance?"

"Hindi, hiwalay na kami atsaka nakita ko na masaya na siya sa piling ng iba" bigla natahimik si Daryl, bakit kaya ganon? Bakit siya natahimik?

"Bakit ka naman masasaktan kung may agreement kayong fake boyfriend mo siya diba? Don't tell me nainlove kana sa kanya?" Hala? Paano niya nalaman yung tungkol sa agreement na yun? Si Jake lang nakakaalam non ah

"Paano mo nalaman?"

"Basta, di na mahalaga yun. Sagutin mo nalang tanong ko, fake lang ba talaga lahat or mahal mo na talaga siya?"

Oo nga naman? Mahal ko na ba talaga siya? Kung oo dapat ipaglalaban ko siya dahil ako ang girlfriend niya diba? Na inlove naman kami tsaka matagal na yung agreement na yun nung maging tuitor ako ni Jake.

"Mahal ko siya, at oo nagkaroon kami ng agreement na magiging Fake Boyfriend ko siya basta tuturuan ko siya ng mga subjects niya na puro siya bagsak. Pero habang tumatagal mahal ko na siya"

Ang ganda ng memories noon, dapat maibalik iyon. Di dapat ako magpaapekto sa ano man meron kami ngayon at ano meron sa aming nakaraan.

"Ayumi, mas maganda siguro na mag focus ka muna sa self mo. Malapit na ang Quiz Bowl, kailangan mo mag chanpion." Ay hala oo nga pala may quiz bowl pala pero partner kami ni Jake eh ang tanong kung sisipot paba siya?

"Pupunta si Jake sa Quiz Bowl, for the sake of the grades, wag kana mag expect na after that magkakabalikan kayo kasi sa nakikita ko, Jake and Stella ay masaya na" agad naman kinapkap ni Daryl ang balikat ko at umalis na siya.

Tama siya, kailangan ko maghanda dahil magkaka quiz bowl na rin next week. Sana matapos na ito para naman di na ako mahirapan. Sana magchampion parin ako kahit na sa nangyari sa amin ni Jake.

Umalis na ako sa tambayan ko ng bigla akong kinablit. Sino kaya ito? Nabigla ako diko inexpect na kinablit niya ako at kakausapin

"Ayu, Quiz Bowl na natin next week and I'm expecting na ready kana" tumango ako at nagsmile naman siya sa akin

"Oo sige walang problema"

"But after our Quiz Bowl, wala na tayong commitment. Ginagawa ko lang to para sa grade ko para di ako bumagsak, I do hope tulungan mo rin sarili mo. Wag kana mag expect na babalikan kita."

Ouch ultimate ouch ang sakit naman ng mga sinabi niya sa akin. Tatanggapin ko nalang iyon kahit na labag sa kalooban ko. Tama siya magfocus nalang ako sa sarili ko at sa Quiz Bowl

"By the way magrereview ako ngayon, gusto mo sumama?" Alok niya sa akin

"Ah sige sige"

"Pumunta ka nalang sa bahay namin total alam mo naman bahay namin. I'll see you there! Be at 4 pm"

Agad ako nagmadali at umalis na pupunta ako sa bahay nila. Wala pang 4pm nakarating na ako sa kanilang bahay. Pero di ko inexpect na iba ang sasalubong sa akin. Isang bakulaw.

"Hi Ayumi, why you are here? Are you visiting me?" Aba ang kapal ng mukha ng mokong na ito

"Hindi! Bakit naman kita bibisitahin sino kaba ha? Pwede ba wag mo akong kausapin kasi hindi ako interesado sayo. Manahimik ka pwede? Binubwesit mo araw ko eh"

"Uy joke lang!" Umapela si Lance

"Alam mo Lance wala akong panahon sa mga ganyan mo. Kung tutuusin kasalanan mo ito eh, ikaw dahilan bakit kami naghiwalay ng kapatid mo. Kung di ka bumalik kami pa sana ngayon, kaya di kita mapapatawad"

"Hanggang ba ngayon galit ka parin sa akin? Mag moveon kana Ayumi, hindi habang buhay to" natawa ako sa kanya. Baliw pala siya eh, siya nga dahilan bakit namatay si Daddy tapos ano iexpect ko matuwa ako na makita siya? Nahihibang ba siya

"Hindi lang galit, galit na galit, so kung pwede wag mo ako kausapin kasi kahit ano gawin mo at kahit ano sabihin mo hindi na ako maniniwala sayo at mas lalong hindi na ako makikipag kaibigan sayo"

Nakakainis talaga!! Bwesit! Imbis goodvibes salubong ko isang bakulaw nakasalubong ko. Hays change topic na agad ako sinalubong ng Mommy and Daddy ni Jake

"Magandang hapon mo ma'am and sir"

"Ikaw ba si Ayumi?"

"Yes po"

"Halika ija! Pasok kana, Jake is waiting at you in the balcony" sakto at pumasok na ako. Di parin nagbabago mga tao dito napaka polite parin nila pati maids ni Jake polite parin sa akin. Naahock ako na andito si Stella sa bahay niya. Todo bakod ka lang gurl? Takot maagawan

Nag CR muna ako bago ako pumunta sa balcony,sakto andito si Stella.

"Kumusta ka Ayumi?"

"Okay naman"

"Kumusta ang puso mo?" Tanong niya sa akin

"You know what, Jake and I is really in love with each other" talaga? edi wow sa inyo

"Ah congratulations" ayun nalang sinagot ko puro kasi siya pagyayabang

"You know what, simula naghiwalay kayo, focus na siya sa studies niya. If I were you Ayumi, choose his happiness kasi pag bumalik kapa sa buhay niya baka yun pa ang ikakasira ng career niya. Buti nalang bumalik siya sa akin atleast maayos na siya ngayon."

Talaga ba need niya ipamukha sa akin yun? Sinasampal niya ako sa ganon? Grabe naman

"Pwede ba di ako interesado sa mga sinasabi mo"

"Oh really? So bakit nandito ka?"

"Andito ako para sa future ko at hindi para sayo at para kay Jake" bigla niya akong hinarap na parang galit na galit

"Just make sure yan lang ang pakay mo or else, I will ruined your life" agad na siyang umalis

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now