Chapter 20: sampal ng katotohanan

8 1 2
                                    

Sobrang sakit nung pagpahiya niya sa akin. Tumayo ako at humarap ako sa kanya.

"Ito ba ang gusto mo Jake? Ang mapahiya ako sa maraming tao?" Tinignan niya lang ako at hindi siya nagsasalita

Ano ba itong si Jake manhid ba ito o hindi? Wala lang sa kanya na mapahiya ako sa maraming tao? Grabe na siya sa akin

Wala lang siyang imik para bang hindi niya ako nakita. Siguro bato na ang puso niya dahil sa kagagawan ko. Oo na kasalanan ko na.

Naapektuhan ako sa lahat ng mga nangyari, hindi ko alam na si Lance pala ay kuya niya. Tama ba tong ginawa ko? Tama ba na nagalit ako sa kanya?

Mukhang hindi naman niya ako kailangan aalis nalang ako pero nigla niya hinila ang kamay ko at parang may sasabihin siya. Ano naman kaya iyon?

"We need to talk" hala? Seryoso? Makikipag usap siya sa akin? Sa wakas naman.

"Sige saan?" tipid kong sagot sa kanya

"Kung saan una tayong nagkita at kung saan una tayong nag date" agad niya kinuha bag niya at umalis na siya

Bakit ganon siya? Napaka cold na niya para naman siyang antipatiko kung magsalita. Nasad lang ako dahil ganito nangyari sa relasyon namin kahit hindi formal na hiwalayan ang nangyari sa amin napaka sakit kasi parang anytime makikipaghiwalay na siya sa akin.

Sinunod ko ang sinabi ni Jake, pumunta ako sa lugar na kung saan una kami nagdate sa may pinaka malaking bridge sa tagaytay.

Nilapitan ko kaagad siya dun na nakatayo lang siya mag isa na parang wala siyang emotions at all

"Andito na ako, so ano paguusapan natin" hinarap niya agad ako at tumutulo ang mga luha niya, bakit kaya?

" hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ayumi, gusto ko na to isettle ano man ang pagka di pagkaunawaan sa relasyon natin" bakit Tila may kurot sa puso ko ng marining ko mga sinabi niya

"Diretsuhin mo na Jake"

"Ayumi, I'm sorry but we need this. I mean kailangan na natin tapusin ang relasyon natin, maraming nadadamay sa relasyon natin. Pag pinagpatuloy pa natin ito masasaktan lang tayo parehas, masasaktan din kita kaya tinatapos ko na ang relasyon natin. Gusto ko lang magpasalamat dahil naging bahagi ka ng buhay ko."

Sobra akong umiyak at nasaktan sa mga sinabi niya. Bakit bigla niya naisip to? Dahil ba kapatid niya si Lance. Kasalanan ko ito eh sana di nalang ako nagpaapekto sa bwesit na lalaking yun edi sana di nadamay relasyon namin ni Lance.

"Jake bakit? Akala ko ba ipaglalaban mo ako? Diba pwede naman natin ayusin to? Handa naman ako isantabi ang lahat ng galit ko kay Lance para sayo" pagmamakaawa ko sa kanya

Hinawakan niya kamay ko at may binigay sa akin. Binalik niya ang bracelete na bigay ko sa kanya

"Simula ngayon kalimutan mo na ako dahil yun ang gagawin ko ang kalimutan ka para sa ikakatahimik ng lahat" pinahid niya ang kanyang mga luha at tsaka binigay niya ang notebook ko na naging tutor ko siya non

"Ayan ibabalik ko din yan sayo, gusto ko maging masaya ka Ayumi dahil hindi ka sasaya sa piling ko pag pinagpatuloy pa natin tong relasyon natin" Umalis na siya dala bag niya

Sobrang sakit pala ng ginawa ko dapat di ko nalang ginawa yun dapat nilunok ko nalang pride ko. Hinayaan ko nalang si Lance na pumasok siya sa buhay namin para di kami magkagulo ng ganito ni Jake

Isa ito sa sampal sa katotohanan na di ko na siya maangkin oh di na siya magiging akin kailanman

Kasalanan mo ito Ayumi kung di mo siya pinagtabuyan edi sana kayo parin. Dapat tinanggap mo nalang si Lance kahit labag ito sa kalooban mo

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now