Chapter 13: surprise

4 0 0
                                    

Jake's POV

"JAKE!!!" Sigaw niya
muntik na mahulog mata ko ng makita siya, ano ba ginagawa niya dito? bakit siya andito?

"STELLA?" Natulala talaga ako, kailan pa siya andito? Kailan pa siya bumalik? panggulo lang siya sa amin eh

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako at hinalikan

"Long time no see, how are you?" Grabe ibang-iba na siya, diko na siya nakilala

"What are you doing here?" Pagmamatas ko na boses na sagot ko sa kanya

"I missed you" agad ko nilayo sarili ko sa kanya bwesit talaga tong babaeng to

"Stella, pwede ba umalis kana? I don't need you here" pagdadabog ko

Bakit paba bumalik yan dito? Ano ba sadya niyan? Panggulo lang talaga siya nakita ko hitsura ni Ayumi di mapinta, tangina talaga oo

"Aalis muna ako, wag kang sumunod Stella" agad ako umalis papahangin muna ako

Buti nalang malaki itong cruise dun muna ako sa likod nagstay at umupo tinignan ko ang dagat

Tinabihan ako ni Troy, at tinakip niya balikat ko

"Bro gusto mo ba ng kausap?" Hays buti nalang andito siya atleast may kaibigan ako

"I didn't expect bumalik pa siya, dapat nga di na siya bumalik" inis kung sabi kay Troy

"Bro may gagawin tayo at sinisiguro ko sayo mapapalis si Stella" may binulong naman si Troy

"Ano?"

Ayumi's POV

Sino tong girl? Infairness ang ganda niyang babae ah, tinignan ko lang siya sa malayo, magkaano-ano ba sila ni Jake? At bakit parang kilala na nila ang isa't isa?

Ang sexy niya tsaka ang ganda niya parang may lahi siya na british eh bigla lumabas si Daryl at kasama si Vincent mukhang ang tagal na ng pinagsamahan nila

Lumapit naman bigla si Troy sa akin

"Troy sino siya at bakit kilala siya ni Jake?" Tinignan lang ako ni Troy

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo" tipid kung sagot

May binigay naman si Troy na parang bracelet at may nakalagay na pin

"Kanino to?" Ang cute ng bracelet ha

"Kay Stella yan dapat, ibibigay ni Jake" bakit kaya niya ibibigay to?

"Eh anong nangyari?" Tahimik parin siya

"Kababata siya ni Jake noon at may pagtingin si Jake sa kanya noon pa man crush niya yan. Pag pumunta siya sa school walang ibang mukhang bibig yan kundi si Stella. Stella was special in his life, kilala na siya ng pamilya niya at ng kuya niya. Isang araw nagtapat si Jake sa kanya, sa school ang daming nanood at ang daming tao, nagtapat siya ng tunay niyang nararamdaman hanggang sa dun niya nalaman na parang pinaglaruan siya ni Stella at ang masakit pa non boyfriend niya na pala si Daryl non 3 years na sila. Kaya nung nawala si Stella at umalis at pumunta sa LA ay sobra siyang nalungkot isang taon siya di nagaral, walang tulog. Pero nung mga ilang taon nadin pumasok na siya sa school, pero yun lang nagbago na ang lahat, puro aral na inaatupag noya kaya naging nerd siya para makalimot"

Grabe diko inexpect na bago ako may iba palang minahal si Jake. Akala ko na Nerd na talaga siya noon pa, sobrang saklap pala

"Alam mo Ayumi simula nung dumating ka sa buhay ni Jake naging masaya ulit siya at dun niya nararamdaman na masaya ulit siya, alam mo kahit di mo siya pinapansin noon lagi ka naman niya kwinekwento sa akin." Kaya pala parang familiar siya sa akin noon  tsaka kaya din pala magkaaway si Daryl at Jake dahil kay Stella ngayon malinaw na sa akin ang lahat

"Troy bakit ba nagkaaway si Daryl at Jake?" yumuko si Troy

"Dahil kay Stella at kay Lance" wait ano? si Lance? Ano naman kinalaman ni Lance dito? tsaka bakit kilala siya ni Troy?

"Alam mo Ayumi much better if kay Jake mo nalang itanong lahat ng gusto mong itanong, at sana sagutin niya yang mga tanong mo" ang gusto ko lang talaga malaman bakit kasali si Lance sa usapan nato?

Agad ako umalis, hinanap ko si Jake kaagad pero diko siya nakita, nasaan ba siya? Nakita ko na ulit siya pero nakita ko na magkasama sila ni Stella mukhang galit na galit si Jake. Diko naman siya masisi eh kung ikaw pa naman paasahin

"Jake please mag usap naman tayo" sabi ni Stella. Andito lang ako sa may pinto para di nila malaman na nakikinig ako

"For what pa Stella? alam mo kinalimutan na kita binaon na kita sa limot tas babalik ka? Para ano pa" so ano ba talaga may nakaraan ba sila? Nakakalito

"Jake pinagsisihan ko nagawa ko sayo, I didn't meant to hurt you. Im sorry"

"Sorry? Huli na yang sorry mo dahil sayo nasira pagkakaibigan namin ni Daryl noon" sigaw ni Jake. Iba din to magalit si Jake eh parang rinig talaga sa buong cabin

"Andito ako para bawiin ka, Jake magsimula ulit tayo mamahalin na kita" ano daw? babawiin? hala siya masyado siyang makati

"Huli kana may girlfriend na ako, at siya ang mahal ko hindi na ikaw, kailanman di na ako babalik sayo" agad siya umalis

Sinira ko ang pinto at pinahid ko mga luha ko bigla lumabas si Stella tinignan niya ako from head to foot

"You must be the girlfriend of Jake?"

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now