Chapter 8: event

12 0 0
                                    

Agad naman nagsilabasan ang mga studyante at nagkakagulo sa may bulletin board bigla lumapit si Jake kasama mga kaibigan niya

"Mga tol para saan to?" Tanong ni Jake

"Tol may event dito sa school Intramurals at magaganap sa Lunes, oy sumali ka sa basketball ha! ililista namin name mo" sabi ni Troy

"Ano kaba Troy tanungin muna natin si Jake kung naglalaro siya ng basketball malay natin hindi pala siya naglalaro dahil busy siya kakaaral" sabi naman ni Ralph

Natawa naman si Jake at lumaput kay Ralph at hinawakan naman niya balikat nito

"Ano ka ba naman Ralph syempre naglalaro ako no alam mo kahit nerd ako naglalaro parin ako basketball di naman ako bakla hahaha" nagtawanan naman sila lahat at nagbatohan ng water bottle

"Tama na nga yan, ang mabuti pa pumunta na tayo sa canteen" lumakad na sila ng bigla silang harangan nila Daryl

"Ano na naman ba kailangan ninyo mga BHG" Tanong naman ni Ralph na siyang leader ng BBH

"Narinig lang naman namin na isasali ninyo yang nerd na yan? diba Ralph nasa Barkada Boys Hunk Brigade ako eh bat siya pumalit sa akin? Hahaha bumaba na pala taste mo?" Agad naman hinawakan ni Ralph ang kwelyo niya

"Wag mo akong kantiin ah Daryl! may atraso kapa sa akin!" Agad naman inalis ni Daryl ang pagkahawak ni Ralph

"Anyways since kasali ka naman sa BBH Jake ganito nalang, 1 on 1 nalang tayo sa basketball mas matutuwa pa ako" agad naman umalis sila Daryl at mga kaibigan niya

"Grabe mga pare di talaga tayo tatantanan ng mga BHG ano gagawin natin?" Tanong ni Greg

"Eh ano paba edi kalabanan sila, purkit fraternity sila eh ganyan na sila? Palibhasa yan kasing si Daryl ay close friend ng kapatid ko kaya ang dali niya lang ako ganonin pero pag ako ginalit niya humanda talaga siya sa akin uupakan ko ulo niya" sabi ni Ralph

"Teka? Pano ba naging close yung kapatid mo at yang si Daryl? tsaka diba sa pagkakaalam ko yang si Daryl ay Hunk dito at famous pano naman niya nakilala kapatid mo?"

"Dimo ba alam na isang campus crush kapatid ko? pinagaagawan siya ng mga lalaki dito pero wala na dahil may boyfriend na siya alam mo swerte ng boyfriend niya kasi na sa kanya na ang lahat" Kumain naman sila ng footlong at uminom ng juice

"Ganon ba gusto ko makilala kapatid mo" sabi ni Jake kay Ralph

"Oy pagkatapos niyo diyan umalis na tayo para maka rehearse sa basketball" sabi ni Troy

Sabay sabay naman silang umalis lahat

——————————————————————————————————————
Ang ingay ng section III, naghahanda ang mga Red Girls Room para sa event sa intramurals nila or ang pageant nila

"Ayumi sali ka as misa Campus sige na please" pagpupumilit ni Marga

"Oo nga gurl tsaka ikaw bagay diyan bukod sa matalino kapa, maganda kapa" sabi naman ni blue

Agad naman sila nilapitan ni Ayumi

"Alam niyo guys, busy ako ngayon tsaka diba ako Nga representative ng Quiz Bowl? tsaka niyo na sabihin sa akin yan pag tapos na ang Quiz Bee"  agad naman sila malungkot

"Hays kahit cheerdancer ka nalang sa basketball ngayon ang team UNO! Please sige na" pagpupumilit ni Marga

"Ayaw ko nga eh" bigla naman dumating ang FGBS or Famous Girls Beauty Squad na ang leader ay si Madison at andon din ang mas famous kay Ayumi na si Kim, Venus, Katrina at ang naiba sa kanila na si Pechayin" agad lumapit si Madison kay Ayumi at sumigaw siya

"Alam niyo ba guys na ako ang representative ng Section III para sa miss campus 2019? kasi naman itong feeling famous dito nagiinarte pa, yan tulogy naunahan ko pa at syempre mas bagay naman sa akin di katulad ng iba diyan" biglang pagsisingit ni Kim sa usapan

"Tsaka may bagong member ang BBH? Yung nerd si Jake" nagulat naman si Ayumi at di niya alam na kasali pala boyfriend niya

"Yeah I know, di lang alam ni Ayumi, partida Girlfriend niya yan ha di niya sinabi? Hahahahah tsaka don't worry ako na bahala sa boyfriend mo" sabi naman ni Madison

"Pwede ba ha! tumigil na kayo nasaan sila Kuya ngayon? Ituro niyo sa akin?" 

Nagpalakad lakad naman si Madison at hinawakan niya buhok ni Ayumi

"Andon nakipagaway kung ako pa sayo sundan mo na sa labas"

Binilasan naman ni Ayumi pagtakbo at hanggang sa may nakabangga siya

"ay sorry miss" agad naman tumalikod

"Lance?"

—————————————————————————————————————-
Third person POV

Agad naman lumapit si Red lady at binigay niya ang bayad kay Mike

"Make sure ha masisira mo ang event" sabi ni Red lady

"makakaasa ka boss sinisiguro ko walang event na mamaganap bukas" agad naman nagpalakad lakad si Red lady at nagyosi

"Make sure ha na si Ayumi mapahamak pero wag si Jake dahil pag nangyari yun ha papatayin kita!"

Agad naman siya umalis

Itutuloy...

My Dear TutorWhere stories live. Discover now