Chapter 18: preparation

2 0 0
                                    

Daryl's POV

Hindi talaga ako komportable nakita kung malungkot siya parang ayaw ko talaga na makita siyang hindi masaya. Ayaw ko sa ganon, sana nga eh ako nalang nasaktan

Gago talaga tong sila Lance di na nadala sinaktan na niya si Ayumi nakisali pa tong kapatid niya. Magkapatid nga sila parehas silang walang kwenta

Kung ako kay Ayumi sana ako nalang pinili niya sana ako nalang mahalin niya para walang problema ang kasi ayaw niya sa akin pinili niya pa ako kaysa sa walang kwentang Jake na yan.

Umalis na ako sa bahay pag lakad ko may narinig akong chismisan, sino ba yung pinagchichismisan nila? Kay aga-aga naman nilang magchismis

"True ba na si Jake at Stella na?"

"Oy seryoso hiwalay na si Jake at Ayumi?"

"Sabi ko na nga ba at lolokohin lang si Jake kilala niyo naman si Ayumi flirt"

"Baka si Lance ang dahilan? Diba may past sila? Naalala ko nga super sweet nila noon hanggang sa may sumira sa pagmamahalan nila"

"Feeling ko si Daryl ang rason bat naghiwalay si Jake at Ayumi"

Ano? Ako ang dahilan? Ang kapal naman ng mukha niyo ano naman kinalaman ko diyan

Sana nga ako nalang minahal ni AYUMI, SANA AKO NALANG!! SANA AKO NALANG!!

Ang kaso huli na ang lahat. Ngayon ko lang narealize na ang kababata ko ay special sa akin

~Flashback~
Binili ko lahat ng mga gusto ni Ayumi, yung request niyang sapatos binili ko kasi alam ko favorite niya ito.

"Pare ano? Ready kana ba?" Tanong ni Troy sa akin

"Honestly pare kinakabahan ako kasi, liligawan ko ang campus crush natin, syempre sino naman ako diba para sagutin niya?" Natawa naman si Troy, gago talaga tong taong to

"Pre naman, bakit ka naman kakabahan eh diba best friends naman kayo? Oh tapos kababata pa? Bakit ka naman kakabahan don" oo nga naman no? Tama naman siya, bakit naman ako kakabahan? Bestfriend kami at may pinagsamahan

"Pre naman, syempre nakakaba kasi iba naman noon at ngayon, kung noon gusto niya makisama sa akin iba naman ngayon, oh tignan mo famous na siya kulang nalang mag artista siya. Eh noon di naman siya ganyan ka sikat kaya nakakaba" kinapkap naman ni Troy ang balikat ko

"Pre, goodluck talaga pre. I wish you all the best" niyakap niya ako ng mahigpit

"Gago Troy nababakla kaba? Grabe naman yakap mo" Nagtawanan naman kaming dalawa na sabay

Agad ako umalis, inayos ko kaagad sarili ko. It's time na humarap sa aking kaibigan, It's time na magpakilala ako na ako yung kababata niya noon.

Dumating agad si Ayumi, sakto pala dating ko pero may lumapit kaagad sa kanya na lalaki na binigyan kaagad siya ng bulaklak at sobrang saya niya

Ano naman pala laban ko kay Lance ano?

At ngayon nakita ko na sila ni Jake para akong sinaksak dahil ang minamahal kong babae ay napunta sa bestfriend kong si Jake

Agad ko pinunas mga luha ko baka makita ni Ayumi to nakakahiya naman

Umalis na ako at pumasok na sakto andon si Ayumi sa field

"Uy, saan ka ngayon?" Medyo wala siya sa mood

"Ah di nag handa ako para sa Quiz B tsaka may Leadership training tayo after" napangiti naman ako

If mapasa niya kasi ang Quiz B then proceed siya sa Leadership Training eh maganda yun sa scholarship niya

"Okay Class! Can I have your attention please?" Lahat kami umupo ng maayos

"Okay so prepare for your Leadership Training after the Quiz Bowl sa ating school, if ever nakapasa tayo then pasok tayong lahat sa training and championship" nagpalakpakan naman silang lahat

"The Quiz Bowl will start Tomorrow so please for those who are the representative study well" Umalis na si ma'am agad naman umalis si Ayumi

Ayumi's POV

Naku bukas na ang Quiz B kinakabahan talaga ako pucha na yan! Bakit ba kasi bukas na tapos after nito Leadership Training na ughh

Maraming nagtext sa akin ng goodluck and hugs ang sweet naman nila pero may isang unknown number nagtext sa akin

From: unknown number

Hii! Gusto lang kita icongratulate dahil pasok sa Quiz B sana galingan mo pagsagot mo bukas❤️

Sino ba to? Di kaya si Jake? Ay wag na masaya na siya diba?

Maghahanda na ako para bukas

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now